Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
Fan Mail Para Kay Lord

Lord,

Yung ibang tao ay nanghihingi ng peace of mind, ng strength of the body, at ng swerte para sa pagdating ng 2014. Year of the Wooden Horse ‘ata pero ‘di ko alam. ‘Di ko na niresearch dahil hindi rin naman ako naniniwala kung anong year of the animal ‘yan.

Pero ako, Lord, iba ang gusto ko this coming year. I’ll make bullets and numbering para hindi na po kayo mahirapan.

1. Bigyan mo po ako ng flirting prowess para naman makalandi ako this coming year; at ‘di ko na po kailangan ‘yang wisdom wisdom na yan para matagpuan ang tunay na happiness.
2. Luminaw pa sana ng slight (lang naman) ‘tong mata ko dahil di ko na po talaga makita ang mga gwapo at magaganda sa layong 10 meters away from me. Kahit 200 na lang ang grado ng mata ko dahil ‘di ko na rin po makita kung may natirang pulbos sa mukha ko.
3. Pagtibayin mo po lalo ang aking pananaw na mas maganda pa rin bumili sa ukayan.
4. Isa pa, Lord, di ko kailangan ng swerte. Bigyan mo ako ng pera. Yung cold cash. Yung mga senaryo na tagapagmana pala ako ng isang hacienda. Yung ganyan.
5. Sige na nga. Gusto ko na rin ng long life and good health.

Kung kailangan magtanggal ng isa, kahit wag na yang lablayp na yan. Tutal, kahit walang lablayp pwede naman magkaroon ng sekslayp. Di, joke lang.

Nalaman ko na po kung ano ang gusto kong gawin buong buhay ko. Sana payagan niyo ako magawa ‘yun. Gusto ko sana magsulat lang nang magsulat. Gawing trabaho ang pagsusulat. Gawing pahinga ang pagsusulat. At gawing pag-ibig ang pagsusulat.

Minsan eh gusto ko pa rin maging isang unicorn pero okay lang kahit hindi na ‘yun matupad.

Sa totoo lang, hindi ko na po kailangan ‘yang happiness na yan na matagal ko nang winiwish-a-wish. Mas okay na sa akin ang contentment.

Yung kontento na po ako na meron akong walong bank accounts na puro million-dollar ang laman, malaking bahay, younger-looking skin, at space ship. Thank you, Lord. Thank you sa lahat.

I remain a perfect being,
Akso Rojas

5 Comments to “Fan Mail Para Kay Lord”

  1. ilocanoak says:

    Hehe.. nabasa ko na to sa facebook at natawa ako. Remain a perfect being.. oo nga pala.. bakit ka pa mangangarap na maging Unicorn ka kung perfect being ka na? hehe

  2. Gay says:

    Totoo ba lahat to Ax? Gusto mo talaga lahat yan or for this writing lang? Natawa ako. Namiss ko basahin ang blog mo =)

  3. Ate Joanne says:

    Ngayon ko lang to nakita… to be honest, isa ka sa nagpaalis ng boredom ko dito sa bahay matapos magsawa ang chickenpox virus sa katawang lupa ko. Wala syang iniwan kundi malagim na bakas ng lumipas. hehe…
    Na miss tuloy kita.Ikaw, ikaw na ikaw ang mga writings mo. Parang kausap lang kita. :-)

Leave a Reply