Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
Diauata
Categories: 3% Weird, Free Writing

Minsan noong siya’y labing-pitong taong gulang ay nagawi siya sa isang parte ng gubat na kakaiba sa kanyang nakagisnan. Dito ay napagtanto niya na ang mga halaman ay nakagagalaw at ang Tubig Lawa ay pinamamahayan ng mga kakaibang nilalang. Ang naglalakihang pitak na bato ay nakapagsasalita at ang daloy ng hangin ay may kasamang mga espiritu. Sa madilim na parteng ito ng gubat makikita ang mga sumasayaw na mga puno na pinuputakti ng mga alitaptap at paniking nakikipag-unahan sa bilis ng pagbabagong anyo ng sinag-araw.

***

Sa paghahanap ko ng daan upang makalabas ng kagubatan ay nakita kita sa isang sitwasyon na ipinagbabawal ng moral ng aking isipan. Ikaw ay lumusong sa kristal na batis upang makita ko ang kabuuan ng iyong katawan. Kusang sumasabay sa iyong galaw ang nagliliparang dahon at ang ulap sa kalangitan ay tumatakip sa bawat pagtahak ng iyong nilalakaran. Saan ka man magpunta ay hindi ka masikatan ng haring araw sapagkat sumusunod sa iyo ang mga ulap na tila ay iyong alagang tagak.

Sinundan kita hanggang sa pusod ng kagubatan at sa bawat hakbang mo ay napapatanong ako kung isa ka ba talagang diwata? Diwata ng ilog? Ng ulap? O isang diwata na lagalag? Anuman ang iyong kasagutan ay nais kong humingi ng kapatawaran dahil sa aking kamangmangan.  Gayunpaman, mas pinaniniwalaan ko na isa kang diwata na magliligaw sa akin dito sa kakahuyan.

Patuloy kitang sinundan hindi dahil ako ay ginamitan mo ng haraya~ kundi dahil hindi kayang kalabanin ng aking puso na mapalagpas ang oportunidad na makilala ka. Alam ko sa aking kamalayan na kung hindi kita makikilala ngayon ay hindi na kita makikilala pang muli sa natitirang oras ng aking buhay.

Ang mga ganitong pangyayari ay nagbibigay sa akin ng ligalig sapagkat ang pagsunod sa iyo ay nangangahulugan ng isang kapahamakan.  At ang gubat ay puno ng leon, reptilya, at ahas na handa akong salakayin bilang kanilang tanghalian. 

Kung sakali lamang na ako ay nagkakamali sa iyong masamang balakin, may huli sana akong katanungan aking Lambana. Kung iibig ka sa isang tulad ko, isasakripisyo mo ba ang iyong mahika kapalit ng pagiging isang mortal?

Tags:

4 Comments to “Diauata”

  1. [...] na handa akong salakayin bilang kanilang tanghalian. Gayunman, mas pinaniniwalaan ko na isa kang diwata na magliligaw sa akin dito sa [...]

  2. Orville says:

    Mas maganda kung isasakripisyo mo ang pagiging mortal mo para magkaroon ng mahika. :) Sa wakas nag update ka rin.. magandang araw Ax. :)

  3. Vajarl says:

    Waw buhay ka pa.

Leave a Reply