Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
Para sa Kamukha ni Georgina Wilson (Daw)

Last day ni Partner sa opis kahapon. Ibibigay na niya yung susi ng locker, yung health card, yung proximity card. Resigned. The end. Kaya hindi rin ako masyado nakapagtrabaho eh. Nakipagkwentuhan lang ako sa kanya.

Partner: Wag kayo magda-drama sa akin na huling araw ko na dahil sasampalin ko kayo.
Ax:
Partner: Ax, four years. Biruin mo, tumagal ako ng four years dito.
Ax: Tigil-tigilan mo’ko. Meron nga dito na nagwo-work pa rin ng five, six, seven years. Ten years.
Partner: Natatakot ako, san ako pupulutin kapag wala akong nahanap na trabaho.
Ax: Benta benta ng Avon.
Partner:
Ax: Wag ka magda-drama sa akin na huling araw mo na dahil sasampalin din kita.

Partner: Laya na ako.
Ax: Dalaw dalaw na lang sa mga bilanggo.
Partner: Masaya ako kahit aalis ako. Nag-enjoy ako sa department na’to.
Ax:
Partner: Isama niyo pa rin ako sa mga pictorial niyo ha.
Ax: Oo naman. Pag mas mayaman ka na sa akin ‘wag mo ‘ko kakalimutan ha.

Ax: Baka mag-text ka sa akin, di muna ako magre reply.
Partner: Bakit naman?
Ax: Wala lang, baka mangutang ka :D

 

Hindi lang pang telenobela kundi pang-pocketbook din ang istorya niya.

Siya lang. Siya lang talaga ang umalis nang hindi nagpapaalam.

Magpapa 40 days ako para sa’yo :D 

30 Comments to “Para sa Kamukha ni Georgina Wilson (Daw)”

  1. Vajarl says:

    Avon avon! Win!

  2. Allen says:

    wahahahaha! iwasan mo muna sya baka nga mangutang. tomoh!!!

  3. mariaellabhi says:

    hahaha, akala ko naman sasabihin mo about texting ay “wala akong load…” -isang ‘mabait’ na sagot sa mga balak mangutang… hehehe

  4. dong ho says:

    kulit ah. pwede na nga muna magbenta benta ng avon. hahaha

  5. toni lim etheridge says:

    ganda sya, bagay kayo..este ganda ng kuha nyo.

    avon tas call center.

  6. tonilim-etheridge says:

    meri krismas na pala.

    san napunta unang koment ko?

  7. Fauxx says:

    Napadaan ako kase merong Georgina Wilson daw…?
    Natawa ako sa sampalan~ XD

  8. gay says:

    ay Ax, now ko lang nakita to. dati ko pa sana gusto mgcomment na hawig ni Sha si Georgina Wilson e. kaya pla may calendar sya nun pero di ko man lang nakita ung calendar na yon, as in. hehe. nice comedy pala. =)

    • Akso Rojas says:

      Hindi mo pala nakita yung calendar ni Sha. Actually, sabi niya dati magreresign siya pag may nagnakaw n’on. Days before ng effectivity ng resignation niya ay nawala yung calendar. :D Haha. Tawa kami ng tawa. Pero nakita rin namin sa cabinet. Ayun, inuwi na niya ng tuluyan. :D

  9. elpidio says:

    oks ganyan lang ang buhay ax, huwag mong dibdibin. may panahon sa lahat ng bagay diba? tsaka huwag mong ismulin ang pagbebenta ng avon, malaki ang commision dyan he..he.

    • Akso Rojas says:

      True. :D Marami ding natulungan ang Avon. Honga, ayaw muna niya mamansin kase alaws pa siya trabaho. Next time na lang siguro. Ang alam ko lalabas kami sa Linggo. Sana matuloy :D

  10. Pong says:

    Di yata kilala yung isnag e-mail ko ayaw mag-appear.
    Ang pretty ni pakner mo, Kuya Ax!
    TNT din dun sa mangungutang siya hahaha

  11. L says:

    ganiyan ba itsura ni georgina wilson? ala eh, kaganda pala! natawa ‘ko sa usapan niyo, utang ina! \m/

  12. Richard says:

    wow! ganda… <3

  13. sows says:

    ka-gandang babae. madalas ko rin xang makasakay sa jip. ala lng.

    ngaun ko nagets ung kaibigan kong bading s pag-e Avon nia. un pla un. alam m kng ano tawag namin sa kanya?

    -AVON BECKI. :D

  14. hehe marami naman talaga kumikita sa avon

  15. tearcouple says:

    :)

  16. Mean says:

    Naalala ko naman ang pagchorva ni Kwan… Nalungkot naman ako!

Leave a Reply

Powered by sweet Captcha