Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
Oo, Madalas kong Marinig ito sa Pelikula: Pupulutin ka sa Kangkungan
Categories: 3% Weird, Trigger Happy

Dinner time. Inutusan ako ng kuya ko. Kailangan ng mga sahog para sa ulam namin. Kailangan ko pumunta ng palengke para sa ilang sangkap. Ayos lang. Noong bata ako, lagi akong sumasama kay Mama para bumili ng kamatis, talong, luya, at sili.

Pero ibang challenge ‘to. Pinabibili ako ng kuya ko ng kangkong ~PERO MUKHANG KAILANGAN KO NG BACKUP.

42 Comments to “Oo, Madalas kong Marinig ito sa Pelikula: Pupulutin ka sa Kangkungan”

  1. fernan says:

    Bakit nga ba sa kangkungan lagi pinupulot?
    Pag may nasasalvage naman hindi sa kangkungan nakikita yung bangkay. Madalas sa bakanteng lote o kaya sa ilalim ng dagat sa loob ng drum.

  2. kaye says:

    dahil siguro loser ang kangkong? e di ba ang loser, kamote? ahahahah! o yan, isa pang problema yan.

    bakit laging sinasabi pag di mo alam ang sagot o basta di mo alam ang isang bagay, nangangamote ka? kawawang mga pagkain/gulay.

    o kaya ginagamit na expression ang lechugas.

    =)

  3. mtoni says:

    natutulog sa pansintan..

    pupulutin sa kangkungan..

    eh alin mas ok jan?

  4. Joyo says:

    …haha… may kamukha yang kangkong, ung talbos ng kamote at sayote :P

    • Akso Rojas says:

      Ay, shocks. Di ko rin alam yang mga yan. Nung bumibili ako, dalawang beses kong tinanong si Manong Tindero kung kangkong ba talaga yung nakuha ko.

      Um-oo naman siya. At pagdating ko ng bahay, di naman ako pinagalitan. :D

  5. Vajarl says:

    Aaay, bida may picture. Haha.

  6. elpidio says:

    ang sarap nyan pag ginawa mong atcharang kangkong he.e.e samahan mo ng pritong isda ulam na.

  7. timangkey says:

    talaga? di mo alam hitsura ng kangkong?

  8. L says:

    howkamon! di nga? hindi mo talaga alam ang itsura ng kangkong? sa probinsya, pinipitas lang namin ang talbos nun sa bakuran. XD

  9. Hanggang ngayon yucky pa din ang dating sa akin ng tahong. Noong bata kasi ako, may nakikita akong mga kangkong na tumutubo sa maruming sapa malapit sa aming bahay. Ayun. Hanggang ngayon, tuwing may nakikita akong kangkong iniisip ko lagi kung saan kaya nagmula.

  10. Waw, saan nanggaling ang tahong na yon? Sori AX, distracted lang. Ang ingay ng TV dito sa bahay. Amaya na. :]

  11. elpidio says:

    hi axrealm,
    wala ka bang bagong post ngayon, inaabangan ko.

    • Akso Rojas says:

      Helu Elipidio :D Yeah I have some artics on the draft ~di ko pa lang pino post kase mali mali pa grammar. Di ko pa nae edit :D Pero salamat, salamat sa pag-aabang :D

  12. J. Kulisap says:

    Ano ang kangkong? Kaszhe di kow alam eh.

    Kainaman kang bata ka.

  13. Vajarl says:

    Eh anyare sayo, Ax?

  14. emiLaySkie says:

    Hahahah! Hindi mo alam itsura ng kangkong! Kakatuwa naman yun.. Hahaha.. Todosearch kagad. Parang ako lang.

    Siguro kaya “pupulutin sa kangkungan” kasi sobrang mababang part ng lupa tumutubo ang kangkong. Gumagapang talaga sila sa mismong lupa lang tapos hindi sila tumataas. Kapag siguro tinulak mo ang isang tao sa kangkungan mababa ang tingin sa taong yun dahil mababa ang kangkungan. Palagay ko lang. Hahaha.. Meron kasi kaming kangkungan dati. Nagtitinda ng kangkong ang lola ko dati.

    • Akso Rojas says:

      Kaw na po ang winner sa question and answer portion :D

      Uhm, pero well-explained. Di ko alam na sa lupa talaga sila tumutubo. Akala ko sa tubig sila tumutubo. Parang orchids ~sa hangin. Teka, gumugulo ako.

  15. mariaellabhi says:

    dito sa london walang kangkong, basil raw meron. at lettuce. at sobrang laking pepper – literal siyang pepper.
    Hi Alex. I WANNA SEE MY POSTCARD TO YOU NA, nareceive mo na?! atat na ako, heheh :D

  16. Barry says:

    Ano nga bang hitsura ng kangkong? Lol.

  17. Pong says:

    Siguro alam mo na ngayon kuya ax, kasi naman late na ako nakadalaw. Palaging tinatanong iyan kung ano ang ingles ng kangkong.

    Masarap yan sa adobo.

Leave a Reply

Powered by sweet Captcha