Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
Ikakasal na Ako!

I’m a quarter of a century old. Natanong na’to sa akin. Di lang isang beses, di lang dalawang beses. At syempre, di ko na binilang pa. Prepared ako sumagot pag ganito ang tanong. Sinasabi ko talaga na hindi sa akin ang pag-aasawa and tell them I’ll be a good father than a good husband. ~And of course, ako na ang hari ng pic-not-related.

Matandang Binata na Tito: Kailan ka ba mag-aasawa?
Ako: Tito, ganito ko kayo kamahal, papaunahin ko muna kayo.

Officemate: Kailan mo balak mag-asawa?
Ako: Dehins. Gusto ko lang ng anak. Baka gusto mo ng katulad ko na gusto lang ng anak?

Lola: Ayokong mamatay ng hindi pa kayo nag-aasawa lahat.
Ako: Kung ganon, hindi kayo mamamatay! Bwahaha.

Kapitbahay: Kailan ka hijo mag-aasawa?
Ako: Tita, di ba pag nag-asawa ~conjugal property niyo na yon? Kapag pinatay ko ba yung asawa ko, kahit makulong ako, akin pa rin yung mga ari-arian?

Classmate: Kailan ka mag-aasawa?
Ako: Wala pa akong nabubuntis eh.

Close Friend: When ka pakasal?
Ako: Hinihintay ko na lang na magbreak kayo ni (insert name here), tapos magpapakasal na kami.

Teacher: Oh baka mag-asawa kayo pagka graduate niyo ha?
Ako: Hindi po, balak po muna namin maglive-in bago ang kasal.

College Classmate: Balak mo bang magpakasal?
Ako: Mas mahal mag annul/divorce kaysa sa wedding.

Isa pang officemate: Magpapakasal ka?
Ako: Ay, strict yung pey-rents ko.

Kapitbahay: Oh, kelan ka ikakasal?
Ako: Oh, Tita, ilan nga ulit yung kabit ni Uncle?

Tita: Kelan ka mag-aasawa?
Ako: Pag stable na’po.
Tita: Oh, unting ipon na lang ‘yon!
Ako: Pag stable na’po yung utak ko.

Bata: Kelan ka ikakasal kuya?
Ako: Pag malaki ka na yayayain na kitang magpakasal.

Lolo: Pag kinasal ka..
Ako: Ipapamana mo yung lupa mo?
Lolo: Yung kalabaw lang.
Ako: Wala ng kasalan pag ganyan..

At wag na wag kayong se segue na: Gusto mo mag-ninong sa kasal ko?

Tags:

55 Comments to “Ikakasal na Ako!”

  1. In the end, it is all about choices. I respect yours.

  2. lovely says:

    haha..

    natawa ako dun sa una, pauunahin mo muna sya haha.. so pag di sya nag pakasal di ka din muna magpapasakal haha..:))

  3. Vajarl says:

    Tengene. Haha.

    Papakasal ako pag bumaba na sa earth si Jesus. Beng! Beng!

  4. mariaellabhi says:

    Job Interviewer: How do you see yourself five years from now?
    Ella: I’ll be married by then.
    bwahahahahahah…
    alex, I respect your choice to be blissful in singleness. pero ako, gusto kong mag-asawa kasi gusto kong ma-experience ang magagandang pre-nuptial photoshoot! :D

  5. shizzledrizzle says:

    Lola: Ayokong mamatay ng hindi pa kayo nag-aasawa lahat.
    Ako: Kung ganon, hindi kayo mamamatay! Bwahaha.

    Good One!! Sobrang nakakatawa.. :))Tatanda pala akong dalaga nyan Acks kung ganyan ka! Haha Joke! :D

  6. toni says:

    sayang kala ko pasasakal este pakakasal ka na.

    mas gusto ko rin magampon para kahit alang asawa eh me anak.

  7. pareho tayo. gusto ko lang din ng anak. i get envy ‘pag may pair ng daddy and kid akong nakikita sa daan o nakakasabay pag nagco-commute.

    siguro, magbabago din ang lahat. maybe, i’ll end up with a wife. puwede ring husband. but i still want to have my own kid.

  8. CWW says:

    Well, ako gusto ko rin ng anak… Hehehe…
    Mas madali kasing magkaanak… At maraming ring mga batang naghihintay sa ampunan…

    Pero mahirap maghanap ng asawa. Iba kasi pamantayan ko, madali lang naman maghanap ng mga babaeng maganda ang mukha at ugali. Pero ang gusto ko kasi yung maiintindihan ang intelektwal na ako, yung kayang pantayan ang takbo ng utak ko, yung kapareho ko mag-isip…

    Oh noes, mahirap talaga maghanap ng kagaya kong high IQ… LELS!!! :) Hahahaha!!!

  9. Joyo says:

    …hihi ako din gusto ko rin ng anak lang, sa may blue eyes :D

  10. Barry says:

    Gusto mo maging ninong sa kasal ko? :p

  11. taympers says:

    kelan ka kakasal? hehehe.. nagtry akong maggoogle kung may libreng download ng asawa sa internet para sayo, kaso sobrang laki ng files. kelangan itorrent. maghihintay ka ng taon bago madownload, at pag nangyari na yon matanda ka na. buwahahahaha

  12. Allen says:

    “Kapitbahay: Oh, kelan ka ikakasal?
    Ako: Oh, Tita, ilan nga ulit yung kabit ni Uncle?”

    -Basag!!!! :DDDD

    • Akso Rojas says:

      Kapitbahay: Oh, kelan ka ikakasal?
      Ako: Oh, Tita, ilan nga ulit yung kabit ni Uncle
      Kapitbahay: Tatlo na. Oh, kelan ka ikakasal?
      Ako: Tita, gusto mo ng mas hardcore na tanong?
      Kapitbahay: Bring it on~

      Ako ang basag.

  13. Lala says:

    haha natawa talaga ako dito… hehe

    Tita: Kelan ka mag-aasawa?
    Ako: Pag stable na’po.
    Tita: Oh, unting ipon na lang ‘yon!
    Ako: Pag stable na’po yung utak ko.

    nice blogsite..^_^

  14. fleur says:

    Ako gusto kong mag asawa pero walang anak. Hahaha. Ewan ko, hindi ako malapit sa mga bata. :D

  15. Jehu says:

    naka! haha pinakanatatawa ko sa usapan mo at ng kapitbahay:) haha

  16. Jehu says:

    100% wierdo nga !
    ako dn ata wierdo kc tumatawa ako bigla habang nasa jeep kapag may naalala akong nkakatawa at nakakatuwang pangyayari >
    laging my suka o kalamansi ang ulam ko(kahit anu pa yan)

    wierdo ba un ? akso?

  17. sows says:

    nasasabi mo lng cguro yn ngaun kc wla kp nakikilalang gus2 mo pakasalan or makasama habambuhay.. or, may kasama n ung gusto mong makasama. well, kung anu man yn ikw lng mkKsgot s sarili mo.. panalo ung pg staBLe ng uTak mu n banat! hehe

    Goodluck s pgHhnap mo ng surrogate mom ng future baby mo, galingan mo pag customize ah! ;-)

    • Akso Rojas says:

      Thank you :D Thank you sa advice. May nakilala na ako. Kaso two years na umalis para mag abroad. Haha. Sana hindi niya ‘to mabasa. Pero mukhang wala rin naman siyang feelings sa akin. Yay.

      • sows says:

        ..kung para tlga kau s isat isa, milya milya man layo nio kau p rn s huli. Teka lng, feeling q hnd ka nag coNfess sknia bgo xa umalis?! Anu b nMn to! Hala ka, ichat or tawagan n yan pra mkpg coNfess na, now na! KALOKA ka! ;-)

        • Akso Rojas says:

          Hindi ako nagtapat. Awkward. Shishishishi.

          May communication pa rin kami :D Babalik siya sa January. Kita daw kami :D

          • sows says:

            Aruuu! Humahayskul layp lng xa! Hehe. Anu n my bf nb? Asawa? Ayiee. Mas heksayted p q s mgGnap n pgtatagpo! Asan b c daddy jess ng mabgyan k nia ng mga tipS? Hehe.

            W8 lng, e2 b ung gurl na jumo georgina ang peg? Email mo ko 4d answer, or pgkwn2han nten yn s my Ayala. Hehe. Seriously, purSue mu yn, wg mwwla communication. Ayt! ;-)

  18. sows says:

    pero xa nga toNg pinagtsitsikahan nten na to, tama b? ayieee! ;-)

  19. [...] ko. Hm, naisip ko rin na ang isa pang okasyon para makapagsuot ulit ako ng necktie ay kapag ikakasal na ako [...]

Leave a Reply