Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
Ibinulsa ko yung mga Inabot na Pamasahe

Mainit.

Naglalakad ako habang pilit kong binabalot sa manipis na jacket ang buo kong katawan para pagtaguan ang araw. Tumatagaktak ang pawis. Pinuputakti ng singaw ng lupa. At walang nilalang ang may kakayahan na tumakas sa sinag ng isang malaking apoy na nakalutang sa kalawakan.

Nagpatuloy ako sa paglakad. Ginaya ko yung napapanood ko sa mga pelikula. Marahan. May kasamang hangin. May kislap ng mata. ~Malapit na.

Ilang hakbang na lang.

Sumakay ako sa jeep. Medyo puno na yung sasakyan. Apat na lang ang kulang sa bandang dulo. Umupo ako, pangalawang tao mula sa driver. Inihanda ko ang pamasahe ko. Umandar na ang jeep. Naghintay ako ng ibang pasahero na magbayad para isang abutan na lang.

Maya maya ay may nagpaabot ng pamasahe. Sinama ko na rin yung sa akin. Happy na ako! Pwede na akong pumetiks. Tumingin sa bintana. Mag-imagine. At umastang nasa pelikula.

May nag-abot ulit ng pamasahe. Lima sila na puro barya. Inabot ko ulit sa driver. Tumingin ulit ako sa bintana. Pero bago pa ako makapag-imagine, may nagpapaabot ulit ng bayad. Kinuha ko at binigay ko sa driver. At tumingin ulit ako sa bintana. Bago pa ulit ako makapag-imagine ay may nagsabi ulit ng, “Bayad po!” Smile ako at inabot ko ulit sa driver. Tumingin ulit ako sa bintana. At bago pa ako makapag-imagine..

May nagpapaabot ulit ng pamasahe sa driver. Nakahalata ako.

Mukha ba akong kundoktor. Meron bang nakasabit na nameplate sa leeg ko na nakalagay ay: Tagaabot ng pamasahe!

Chineck ko, wala naman akong nameplate.

Tinanong ko kung may magpapaabot pa ng pamasahe. May dalawang humabol. Inulit ko kung may magpapaabot pa ng bayad nila. Nakita ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal na nakatingin sa kawalan. Okay lang, baka may problema lang. Naghintay ako pero wala ng magpapaabot ng pamasahe. Binigay ko na sa driver.

Tumingin ulit ako sa Bintana. At bago pa ako makapag-imagine..

Si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal ay nagsalita ng “Paabot ng pamasahe!”

Nasabi ko bang mainit? Oo mainit. Lintik lang ang summer dahil nagawa nitong pakuluin ang dugo ko. High blood si Jaime.

Tiningnan ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal na parang nakatingin ako sa kawalan. Tiningnan ko siya mula sa blush-on niya hanggang sa braso niya papunta sa kamay niya na nag-aabot ng pamasahe.

At tumingin ako sa bintana. At nag-imagine.

Inulit niya, “Paabot ng pamasahe..”

At sinaksak ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal. Pina-ikot ikot ko yung ice pick sa bituka niya. Hindi ko namalayan, nandilim na ang paningin ko. Nagtalsikan ang mga dugo. Nagulat lahat ng pasahero.

Pero nag-iimagine lang ako.

May ibang nag-abot ng pamasahe ni Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal.

Pumara ako.

Narinig ko si Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Susyal, sabi niya, “Masubsob ka sana.”

Marahan akong naglakad. May kasamang hangin. May kislap ng mata. Hindi ako pwedeng masubsob.

 

 

Paano na lang ang titulo ko bilang Most Handsome Pinoy Blogger, di ba?

23 Comments to “Ibinulsa ko yung mga Inabot na Pamasahe”

  1. CWW says:

    Makapagbase nga muna…

    Babalik para magbasa…

  2. Orville says:

    Hahaha.. Natawa naman ako dito Ax.. musta na?

  3. You’re dangerous, AX.

  4. toni says:

    kung ano anong naiisip mo, di rin naman nakakainis ung gurl-na-hindi-masyadong-susyal ano?

  5. mylenomics says:

    Naalala ko Ax nung magkasabay tayo sa jeep nung College pa tayo. :D hindi mo binulsa yung bayad natin… hindi talaga tayo nagbayad!

    At huli pa tayong sumakay nun.
    Buti hindi rin naman tayo nasubsob pagkababa.
    Haha!

  6. Lala says:

    wahahahaha astig …=p ikaw na … ikaw na talaga…^_^ ikaw na ang most na nga handsome pa na pinoy blogger..^_^… hehe

    napadaan sa magandang blog… buti nalang.,..nawala ang aking stress ngayon ngayon lang..^_^

    • Akso Rojas says:

      Oh thank yow! Hoho. Iboto mo ako dyan ngayong 2011. Yay, joke lang! Naalala ko lang yang titulo ko lately dahil madalas akong humaharap sa salamin.

      Can’t help it eh. Kase even just a minute in my busy sched, I need to see something that is so god-tier and special ~kaya ayown. I find myself looking in a mirror. ;]

  7. Joyo says:

    baka naman karas ka nung Gurl-Na-Hindi-Masyadong-Sosyal kaya umeksena siya :D

    hi ax! :D

  8. mariaellabhi says:

    nakakairita ang ganyang tao. tapos hindi mo alam na siya pala ay isang holdaper. aabangan ka na, mula nang pumara ka, pumara rin siya. habang naglalakad ka, sinusundan ka nya… kakatakot lang…

  9. this is so funny ax! and very close to reality. nangyari ba to sau? nangyari din saken to eh! natawa ako dun sa imagination mo na sinaksak mo ung not-so-sosyal na girl. sana tinotoo mo na! LOLz!

  10. elpidio says:

    Ang sama mo naman bro. bakit mo nagawa yon.

  11. maricar says:

    hahahha…ayos kuya..haha..kahit first tym ku lng magbasa d2 ..nakakatuwa naman..hehe

Leave a Reply

Powered by sweet Captcha