Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
Ipising Isipin

Ang pakikipagsapalaran ni Michael Ignacio bilang si Astiging Boy Ipis at ang pagiging kasapi niya sa Liga ng Bayan Knights at ang pagtatagpo nila ni Ax Realm.. Ano ang kinahinatnan?

Isang hiwaga ang angkan ng mga ipis sa kaharian ng Animalia. Sa nakuhang kusilba na tinatayang may edad na tatlongdaang milyon, isang ipis mula sa sinaunang angkan ang nagsisilbing patunay na ang mga insektong ito ay nabubuhay na ng matagal na panahon. Sa haba ng kanilang pamamalagi sa planetang mundo ay nagawa nilang makipagtagisan ng galing sa ebolusyon. Ang kahindik hindik nilang kakayahan upang paglaruan ang rayos ekis at radyasyon ay isa sa kanilang abilidad na minana pa nila sa kanilang mga ninuno. Pero isa lang ang masasabi ko.

Hindi ako takot sa ipis.

Naaalala ko na tuwing may nahuhuli akong oriental ipis o asyatiko ipis ay ginugunting ko ang kanilang mga antenna, sinusunog at tinatanggalan ng paa. Kung magagawa ko lang, eh, pati kaluluwa nila ay guguntingin ko rin.

Ang Astigin

Hindi ang tipo ni Boy Ipis ang magugustuhan ko sa isang superhero. Kung tutuusin ihahanay ko siya sa mga supervillains na kilala ko. Biruin mo, isang kulisap na may pangit na pakpak at may wirdong antenna na lumilipad sa loob ng bahay niyo.. ay magiging isang superhero?!

Hindi ako papayag.

Pero iba pala si Boy Ipis. Kung may isang bagay na hinahangaan ko sa kanya, ito ay ang kanyang matinding pagpapatawa sa gitna ng bakbakan.

At katulad ng hiwaga ng angkan ng mga ipis, misteryo rin ang angkan ng buhay ng tao. Hindi mo alam kung anong klase ng kapangyarihan ang pwede mo makuha at kung anong insekto ang isasagisag mo kung sakali man na dumating ang araw na ikaw ay maging isang superhero. Pwede kang maging isang butiki man, garapata boy, superlamok o wonderkuto. Sa pagtatapos ng kwento, ang mahalaga naman ay kung saan ka papanig. Sa kasamaan o sa kabutihan.

Isa na si Boy Ipis sa listahan ng mgasuperhero ko.

Pero hindi pa rin nagbabago ang pananaw ko sa buhay. Papatay at papatay pa rin ako ng mga ipis lalong lalo na kapag pumasok sila sa kwarto ko, lumipad lipad at magawa pang dumapo sa mukha ko.


**Inaakala ko noon na makikilala ko si Boy Ipis sa giyera ng Bayan Knights at Bangis pero sa ibang pagkakataon ko nakilala ang alter ego niya na si Michael Ignacio. Buti na lang, naitanong ko sa taong kaharap ko (na nagbebenta ng mga komiks) sa Renaissance kung siya si Boy Ipis! At syempre, alam niyo na kung ano ang sinagot niya!

  • Digg
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google Bookmarks
  • co.mments
  • Fark
  • Live
  • MSN Reporter
  • MySpace
  • N4G
  • Reddit
  • RSS
  • Slashdot
  • Yahoo! Bookmarks
  • Blogosphere News
  • Current
  • eKudos
  • Ping.fm
  • Socialogs
  • BlogMemes Fr
  • Yahoo! Buzz
  • blogmarks
  • Identi.ca
  • Netvibes
  • Twitter
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr

206 Comments to “Ipising Isipin”

  1. Mon says:

    ako din hindi ako takot sa ipis. peru nandidiri ako. sarap apakan. heheh

    for whatever it’s worth…
    BASE ako! yey!! ^_^

    • Ax says:

      One time nga, patay yung ilaw tapos nagco-computer ako. Naka buddha-style sitting position ako tapos may lumipad na ipis. Pakernut, ang hirap kumawala sa pagkaka-buddha position. Muntik na akong madisgrasya. Lintik talaga, dumapo pa sa akin yung ipis. Aw.

      Uy, baser!

  2. Joyo says:

    Base?

    susuportahan ko ang pananaw mo, pero papatay lang ako kapag pumasok sila sa teritoryo ko o nahagip sila ng mga mata ko… yung lumilipad na ipis, eh tatakbuhan ko! :lol:

    san ba nabibili mga komiks na yan?

    • Ax says:

      Sa National Books Store, meron na ata ng Boy Ipis. Di ko lang sure.

      SPUTNIK FANTASTIK-CUBAO EXPO!
      DRUID’S KEEP-GATEWAY CENTRE!
      COMIC QUEST-SM NORTH EDSA!
      COMIC QUEST-SM MEGAMALL!
      COMIC ODYSSEY-ROBINSONS GALLERIA!
      COMIC ODYSSEY-ROBINSONS PLACE MANILA!
      PLANET X COMICS-GLORIETTA! – Dito ko nabili yung akin. Yey.

      Nauna si Mon, nakita niya sa feeds ng gmail to! Hehe.

  3. Mon says:

    oi Joyo. sorry na-una kao. ehehehe..

  4. Ax says:


    ANG ASTIGING BOY IPIS by ~vinarci on deviantART

    BOY IPIS by: Paul Michael A. Ignacio
    model: drew
    Photo by: Melvin Arciaga (2009)
    Link here.

    Mas gusto ko pa ito kaysa kay Gagambino.

  5. mariaellabhi says:

    waw! may ganyang superhero! pero anu’t anuman, nakakadiri pa rin ang ipis…at nakakasindak kapag lumilipad, feeling ko antapang ng ipis pag nasa ere siya, pero takbo naman nang takbo pag nasa sahig siya…alam nya kasing hindi ko siya tatantanang apakan…hehe

    one time yung kapatid ko, tinanong kung marunong lumangoy ang ipis…pinalangoy nga sa basin, tas nilagyan ng sabong panlaba…akalain mong nakalangoy pa! super! hehehe

    • Ax says:

      Oo, may ganitong superhero!

      Sobrang pakikipagbuno na sa evolution ang ginagawa ng mga ipis. Haha. At akalain mong dati, kinulong ko yung ipis sa lalagyan ng Pringles, aba.. buhay pa rin after 12 days. Aw.

  6. Hey says:

    wow mainit init pa ang post.. basa-mode

    hi ax

  7. Hey says:

    HAhaha may superhero na din ng ipis. pede na sya ipanapat kay gagamboy. buti ka pa kaya mong paglaruan ang mga ipis.(magagalit si chin chin guitierrez sayo na may mga kaibigang ipis)

    hanggang bato ng tsinelas lang ang kaya ko dahil medyo ayaw ko sa mga insekto.

    paano nagpapatawa sa bakbakan si boy ipis? para bang mala-dolphy o panchito sa gitna ng labanana against the goons?

    teka si boy ipis nga siguro ang nakausap mO!

    papadalahan kita ng isang balikbayan box na puno ng ipis. enjoy!

    • Ax says:

      Oo, may mga hirit si Boy Ipis sa gitna ng laban. Seryoso yung mga kasama niya pero siya bumabanat.

      Mas gusto ko nga yung character niya sa Bayan Knights eh, kase maraming labanan!

      • jason says:

        wow. talagang may bago ka ng peborit na karakter.
        siguro sya rin yung nasa gagamboy yung kalaban ni bong nabaro na ginanapan ni jay manalo. diba ipis din yun. kaso yung ipis na yun seryoso at evil.

        • Ax says:

          haha, kaso hindi siya eh. iba hitsura non kay Boy Ipis. Black and yellow kase si Boy Ipis. Si Ipis Man naman, pangit ang hitsura. Ark. Mukhang mutated ipis atsaka crocodile.

          • Hey says:

            HAHAHAHAHA ganon?

            tsaka alam mmo yun magbabago ang pagtingin nga mga tao sa ipis.. aw.. di pa rin pala hahaha

  8. mtoni says:

    mahilig ka sa komiks pero galit ka sa ipis.

    ba’t di mo na lang apakan o hampasin kesa ginugupit pa mga radar nila? sakit makukuha mo jan eh.

  9. mtoni says:

    ano nga pala sinagot seu ng nagbebenta ng komiks?

    ‘ano sa tingin/palagay mo’?

    • Ax says:

      Actually ang tanong ko ay: ‘Ikaw ba si..’

      Sabi niya: ‘Si Boy Ipis.’

      Eto na ang sunod kong sinabi: ‘Pwede magpapirma ng komiks ko? Yey.’

  10. superlolo says:

    Ipis killer din ako dati dyan kasi takot lahat sa ipis ang mga kasama ko…Tsinelas lang ang katapat nila. Wala pa akong nakitang ipis dito…ginawin yata sila.

  11. gerald says:

    ako rin. hindi ako takot sa ipis. wag lang syang dadapo saken at ibang usapan na yon.

    mahinahon lang ang pagpatay sa ipis. dapat wag lalabas ung katas nila. nakakadiri na kase pag ganon.

  12. bonistation says:

    i like it! haha! boy ipis! nyaaa! meron palang superhero na ganun haha! naalala ko ang movie ni vhong navarro.. haha

  13. kaye says:

    yay! takot ako sa ipis! ayokong ayoko yun lalo yung mga lumilipad. at yan ata ang naipamana ko kay ate kara. hahahah!

    teka, gusto mo rin apakan si JKul? kulisap pala ang tawag sa ipis? ano ba ang kulisap?

  14. dong ho says:

    hahaha… kala ko boy butuki lang meron. napaisip pa tuloy ako ng iba.

    • Ax says:

      Naisip ko, cool siguro ang Salagubang Man! Parang ang lakas ng dating. Walang inaatrasan.

      Sana makalaban siya ni Boy Ipis. Yehey.

  15. J. Kulisap says:

    May pakpak.

    Nanggaling din yan sa Jakulandia.

    Malayong kamag-anak ni J. Kulisap ang ipis.

    Nauna pa sila sa mga dinos.

    Pero andito pa rin sila.

  16. jason says:

    kapatid kong ax, nak- kawing ka na. bumisita ka na ha. :D

  17. ODDBLOOD says:

    unlikely nga ang ipis para sa isang super hero..pero cool ah..may sense of humor pala siya :D pero tama ka, ayoko pa din ng ipis..haha..actually galit ako sa mga ipis, na minsan napapa-curse pa ako pag tineterminate (o sige na nga, pinapatay) ko sila.. :)

  18. orville says:

    hay naku grabe naman mga commentators nauunahan ako lagi.. ano ba talaga ax? late ba ako or maaga ka lang talagang mag post? hehe

  19. orville says:

    bago sa akin ang boy ipis na yan ah.. ahm.. teka, sino nga pala superhero ko? ah.. ung bee pala//

    • Ax says:

      Medyo kulang sa advertisements/exposure ang Pinoy comics industry kaya eto, since gusto ko talaga yung mga istorya nila, I might as well share them to my co-bloggers. At saka ayoko mamatay ang comics industry.

      Pag nawala sila, wala na akong babasahin. Aw.

      • orville says:

        talagang mahal na mahal mo ang comics.. ako noong bata pa ako nagbabasa din ako kaya lang pics alang ang tinitignan ko.. naalala ko nga noon may mga horror comics pa hahaha// at isa pa ang mga comics din naman ang naging daan para sa paggawa ng mga palabas sa tv.. hehe.. unang lumabas sa comics tapos sa tv na//

        • Ax says:

          Yung horror nga yung paborito ko dati!

          • orville says:

            mura nga lang ang mga comics noon at hindi na gaya ngayon at kung meron mang kagaya noon ay sa mga lumang bentahan mo na lang makukuha.. di na gaya noon. hehehe…

            • Ax says:

              Oo nga eh. Sana pala natago ko yung mga horror comics dati. Vintage, Kuya Orville. Epic sa kwento ng mga manananggal. Pati yung mga Bloody Mary Filipino version. Tsk.

              Nanghihinayang tuloy ako at hindi ko naitago.

            • orville says:

              haha.. yan lumalabas na ang tunay na kulay mo ax.. hari ka pala ng mga babasahing kung anu ano.. hehe..

  20. carizza says:

    Eww ipis. May trauma ako dyan e. Trauma ha, hindi phobia.

  21. eloiski says:

    wowowowow! may komiks na naman pare! yehey!
    hindi ko alam tong si boy ipis. pero sa pagkakadescribe mo ng komiks parang ang saya saya ng pakikipagbakbakan niya. at gusto ko ng mga ganyan. pero sana lang wag na nilang gawing movie. please lang. tama ng sa papel ko lang sila nakikita. wag sa tibi. ayaw ko ng live action. ayaw ko ring gawin itong cartoons. hakhak!

    napapansin ko siya sa deviantart kaso ni hindi ko man lang siya nifollow. ayun pala komikero din siya. wowowowowow!

    hindi naman ako takot sa ipis. kaso ang sarap talaga nila patayin. pero dapat medyo dahan-dahan. dapat matantya ang force sa pagpalo sa ipis kasi baka mamaya tumalsik yung mga laman laman niya. dugyutin yun! yakididakdak pare!

    napahaba ang komento ko ah. nadale mo kasi ang weakness ko eh, mga komiksssssssss!

  22. slaveboi says:

    Ibang klase ang discussion dito. About ipis talaga. LOL. But that comic book looks awesome.

  23. Vajarl says:

    Mas mahirap ka pala intindihin pag nananagalog na! Ninosebleed ako. Hahaha.

    Anywyas, medyo malupit ka sa mga ipis. Tinatanggalan mo pa ng antenna at paa. Hindi ko kase kayang lumapit sa kanila kaya ang kaya ko lang gawin ay sumigaw ng: ‘ipiiiiiis!’.

    Goodmorning Boss. Masyado ata akong na late.

  24. siguradong kinikilabutan si kulisap sa mga comments mo.
    ….sige, gupitin ang antena!

  25. yiN says:

    Nabasa ko na yata komiks na to akso, di ba kalaban niya si super tsinelars??

  26. Vajarl says:

    Apir Boss! Gusto ko ang sagot mo sa tanong ko. May Jelly Ace pa. Penge ah. :D

  27. eli says:

    hehe,,,bakit kase ipis? parang negative ang dating. pero depende naman kase yan sa gustong ipakita ng author.

    nxt time baka may super tipaklong na! hehe

    • Ax says:

      Haha, ayos lang naman. Naappreciate ko naman si Boy Ipis dahil isa na siyang superhero ng mga naaapi na tulad ko! Yey.

      Next time, meron na ring Alupihan Man! Superhero ng Apir!

  28. aninipot says:

    aw! di ako makarelate..haha, last time na nagbabasa ako ng komiks ay elementary days… as in karton-karton ang komiks namin sa bahay, dun ako nagsimula kaya uod ako ngayon…

    hmmm, gusto ko sanang subukang basahin baka magustuhan ko ulit kaso dapat magsimula ako sa kiko machine at di ako magbabasa nun until di ko sariling copy na may authograph ni manix….hehe, adik lang….kaya kelangan kong pag-ipunan at ipadala sa housemate ko para mapapirmahan nya kay manix…hehe

    • Ax says:

      Aw. May Kikomachine ako. At pirmado ni Manix. Hehe.

      Pwede namang magsimula ka kahit kay Budgette Tan at Kajo Baldisimo o kahit sinong comic artists. Ayos lang yan. Kung magsisimula ka kay Manix, which is okay lang naman, pero limitado na ang pag-e explore mo. Sayang naman.

  29. walongbote says:

    wird.. sa lahat lahat ba naman ng magiging super hero? isa pang IPIS? hanu ba…

  30. salbehe says:

    Naniniwala ka bang may alaga akong ipis? Tawag sa species ng alaga ko ay Madagascar Hissing Cockroach. Search it. Madali lang alagaan kesa pusa, aso o boyfriend.

    • Ax says:

      Talaga po? Nakakatuwa naman. May mga nag-aalaga nga po ng ipis.

      Pinakinggan ko yung hissing sounds nila. Waah. Parang tao lang. Yey. Naglalabas pala sila ng gas kaya may hissing sound!

      Mas madali alagaan kaysa po boyrfriend?! Hoho.

      • salbehe says:

        Naniwala ka Ax? Bwahahaha! Ang tanging alaga ko lang na ipis ay yung hindi ko mapatay sa bahay. :P

        Pero dati nagresearch ako tungkol sa pwedeng madaling pets, isa sa hits ang ipis. Buti natuwa ka sa Madagascar Hissing Cockroach. Ewww.

        • Ax says:

          Yep, naniwala ako. Yay.

          May mga napanood ako na nag-aalaga ng ipis. Siguro, eto nga yung Madagascar Hissing Cockroach. Paktay yang mga yan sa akin!

    • Vajarl says:

      Seryusnes Salbe? KINILABUTAN AKO. Haha.

  31. hmmm..eto na ba ung buk mo>\hehe

  32. bipolarsisa says:

    waha. hindi ako takot sa ipis. kahit ga’no pa karumi nila, hindi ko talaga makuhang maging masama sa kanila. haha. minsan, kahit makita ko pa sila sa kwarto ko, okay lang sa’kin…hanggang may iba nang mag-alis sa kanya.

    hindi ako mahilig sa komiks. hindi ako tumatagal sa pagbabasa. ayoko lang siguro ng mga makukulay na pictures habang nagbabasa ng text. :(

    sa superhero, ang totoo, wala akong alam na tunay na kwento maski ng isang superhero. hindi rin ako tumatagal sa kwento nila. pero minsan, natatandaan ko, hiniling kong magkaro’n ng superpower. yung tipong ‘pag sinigaw ko ang pangalan ko, maaayos ko ang magulong mundo. haha.

    • Ax says:

      Uy, mas hardcore ka, wala kang pakialam sa ipis. Hehe.

      Ako, syempre, gusto ko rin maging superhero. Okay na sa akin ang telekinesis o di kaya ay healing ability! Swak na swak na ako don!

  33. shea says:

    ipis ng buhay ko.. hay…

    kaloka tlaga, dati di ako pumapatay ng ipis, pero dahil kinakagat nila ako, dahil trip nila ang ‘shea butter’ lotion ko, lahat ng makita kong ipis, pinapatay ko, mapa komiks man.. toinks..

    may nabasa akong komiks dati, yung tig 5 petot lang,
    may isang bata na pumapatay ng ipis, at hindi lang basta apak ang ginagawa nyang pagpatay, kundi torture to death, kaya naman, nung natulog siya at nanaginip, yung bata naman ang pinatay ng ipis.. nakakatakot.. pero papatay pa rin ako ng ipis..

    • Ax says:

      Talaga, gusto ko rin yung shea butter! Dati naman may nabasa ako na tungkol sa lamok. Sinasabihan nila yung anak nila ng ‘utak lamok’ tapos one time napatay nila yung bata at maraming lamok na lumabas sa katawan ng bata, pinagpapatay yung mga magulang niya.

  34. kengkay says:

    yung isang german na andito sa pinas. lumipat ng bahay, ang daming ipis daw. nagpatawag ng pest control. ang sabi ng pest control, ang tawag daw dun sa mga ipis na andun sa bahay nung german e german cockroaches. akala nung german niloloko sya. nag check sa internet, tumpak nga, german cockroaches nga, hehehe!

    ako di takot sa ipis, mas takot ako sa butiki, yay!

    • Ax says:

      Ah, liliwanagin ko lang din. Di rin ako takot sa ipis. Wala naman akong kinatatakutan na insekto pero magmumura ako pag hinarap sa akin ang tapeworm. Linsyak lang talaga at kahit sa impyerno hahabulin ko kapag may tapeworm na nagbigay sa akin.

      Atsaka ang tapeworm, hindi pwede hawakan dahil yung eggs nila ay masyadong maliit at pumapasok sa katawan ng tao/hayop at ginagawang daluyan ang dugo hanggang sa makapunta sa utak. Mga body snatchers, ika nga nila.

      Yey. Sa butiki di rin ako takot! Pero mabait naman ako sa kanila dahil kinakain nila ang mga pang-asar na ipis!

  35. nikka says:

    nakakatakot ang ipis pag dumapo na saiyo.. kakadiri pa lalo pag pinatay mo.. mabantot ang amoy.

  36. Markus says:

    Boy Ipis rocks! :)

  37. Markus says:

    8 issues so far. Try starting with the first arc (#1-4) and I’m sure tutuloy-tuluyin mo na yan. hahah..

    • Ax says:

      Sige, salamat sa info! Actually, di ko pinansin yung Kalayaan. Kaharap ko si Michael Ignacio non, hehe. Ang mga binili ko ay yung kay Gwapoman at Tropa! Sige, sige. Bibili ako ng Kalayaan! Salamat!

  38. elysplanet says:

    hahaha. natuwa talaga akong basahin ito. kudos!

  39. ronel says:

    agree ako kay ate joyo pa2tay lng ako kung pumasok sya sa lugar kung saan ako naru2on..haaha

  40. Check Dash says:

    musta po kayo kuya ax?.

  41. michael ignacio says:

    bakit may ipis?

  42. michael ignacio says:

    masarap bang kumain ng ipis?

  43. michael ignacio says:

    masarap bang isipin ang ipis?

  44. elpidio says:

    Ang galing ng pagkagawa mo ng comic script, pano mo yon ginawa.Pwedi mo bang i share yang knowledge mo. thank you in advance.

Leave a Reply