Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
Spectral Colors ng Patak ng Tubig sa Malawak na Semento
Categories: Free Writing

Pumapatak ang liwanag ng araw sa lupa at sinisinagan ang nagkalat na kristal sa semento. Mapapatitig ka sa langit. Mapapatitig ka sa walang hanggang kulay asul na himpapawid. Tatagos ang iyong pananaw sa pinakadulo ng mundo.. Gaganti ang haring araw ng kanyang liwanag. Mapapapikit ka.. dahil minsan masarap rin sumuko. At tanggap mo na hindi mo kayang labanan ang nag-iisang hari ng langit.

Pagmamasdan mo ang nagkalat na kristal sa semento habang unti unti itong nagiging usok. Spectral colors. Sa pamamagitan ng tubig na walang kulay at liwanag ng apoy, nagagawa nitong magbigay ng libo libong kulay.

Mula pula hanggang lila. Mula apoy ay nagiging biyoleta. Dumadaan sa pusyaw ng kahel. Sa hiwaga ng dilaw. Sa kapayapaan ng berde at asul. Mula sa pinagsanib sanib na kapangyarihan ng mundo. Ang isang likido na walang lasa at walang kulay ay nakagagawa ng bahaghari.

At maiisip mo na masarap rin pala mabuhay.. Pero bakit ngayon pa kung kailan bumubuhos na ang iyong dugo sa semento..

129 Comments to “Spectral Colors ng Patak ng Tubig sa Malawak na Semento”

  1. bxjubahji says:

    this would be harder than i thought. you know this is operation gtrans. :)

  2. Mr. Nonsense says:

    nobela na naman ni ax….
    in support ba ito sa Ladlad political party?

    • Ax says:

      Aw, deleted po ito ng part ng ginagawa kong kwento. Nag-usap kami nung isang gabi ng kaibigan ko na si Fauxx. Sabi ko i-critique niya.

      Ayun, nag edit ako, trashed tong part ng kwento kaya posted ko na lang. hehe.

  3. Dorm Boy says:

    Uulitin kong babasahin para maintindahan ko pa lalo! hehehe!

  4. kaye says:

    ok na sana ang pagkakalarawan sa napakagandang pagpapalit palit ng mga kulay…nguni’t sa huli… ano’ng nangyari? bakit biglang pagkawala ng buhay ang kinahantungan?

    hehe ax… kagaling mo talaga. sige pagbutihin mo pa. bahagi nga ba ito muli ng iyong nobela?

    • Ax says:

      Haha. Ewan ko bakit nalaman ni Kuya Jess na galing ito sa kwento. Nag-edit kase ako habang nasa work. Haha. Nakow, lagot ako sa boss ko.

      Ganito po yung usapan namin Ni Fauxx.

      Fauxx: I was asking if the way he tells the story (as a narrator) is consistent with his traits (as a character). Si RedKinoko, writer yata sya, and he gives critiques to other writers as well.. if you ask nicely :D
      Me: nagsulat ako sa notebook ko ng mga characters at description nila.. at mukhang nagji jive naman yung traits ng narrator sa pagkakanarrate niya. hehe.
      Fauxx: Meron pang isa, si Reuel Molina Aguilar (writer ng Bayani ung parang Hiraya Manawari) at pwede mo syang i-add sa multiply.. :D I see..

      Ganyan po, nagpacritique po kase ako sa kaibigan ko. Ineedit ko kase ang daming lapses at nagja-jump yung mga ideas.

      Sabi ni Fauxx, sulatin ko muna tapos saka mag-edit. Sabi ko, laktaw laktaw yung chapter. Aw.

      OT: Hindi po ako emo Ms. Kaye! Hehe.

      • Ax says:

        pero hours after the conversation, narealize ko na masyadong seryoso tong part na’to para sa narrator. aw.

        • kaye says:

          hahahaha! seryoso nga.

          but Fauxx is right. you don’t edit as you write. you write whatever is inside your mind and then edit later. the reason a lot of people, when writing is not able to continue doing so, is because they edit as they go, napuputol tuloy ang thoughts nila. :-)

          • Ax says:

            Hehe, ganun po talaga ang ginagawa ko.. Pero hindi sunod sunod ang pagkakasulat ko.. kase minsan ayoko ituloy dun na ako sa ibang parte ng story. Hehe. Pero, its really helpful that you said those things.

            I’ll follow that!

  5. mtoni says:

    honga naman..ke ganda pagmasdan ng bahaghari(pakitransleyt nga po salitang yan) tas bigla magtatapos sa dugong aagos sa katawan. muka nag-iba bigla ang tema.

    meri krismas na din po in adbans.

    • Ax says:

      merry christmas mtoni!

      hehe, oks lang yan. fictional story lang naman yan! alam mo yung part ng mga stories na hindi naman talaga mamamatay yung bidang artista? haha..

      kaya wag na ma-sad. hehe.

  6. davin says:

    ang galing mag-describe…pero sad ending… ironic…

  7. lee says:

    lalim ng mga katagang tinuran na pilit kong inaarok, ok na ok tong post na to ah, ganda.

  8. taribong says:

    Nabangga ang motorsiklo, at tumilapon siya ano? Pawisan at duguan? Basag ang headlight,nagkalat ang bubog?
    Hehehehehe Ayos ‘to, Ax. Asan ang simula? Ang karugtong??
    Magandang araw, Ax.

    • Ax says:

      Nice try, pero hindi kuya Bong. Iba ang kwento niyan.

      Meron akong part ng kwento na ang daming lapses at ang pangit ng flow. Kung gusto mo i-criticize, ibibigay ko sa’yo yung part ng story na yun.. pero dapat hindi lalabas yung kopya ha. Haha.

      Going back, hindi ito aksidente kuya Bong. Pisikalan na labanan na kase to ng mga characters. Hehe.

      • taribong says:

        Wow!!!! ang ganda na nga niyan eh. Ang galing talaga hehehehe

        Na-shy naman ako bigla hehehe. It would be a great honor and privilege if i could be of any help. Promise, hindi lalabas yung kopya, you have my word.

        • Ax says:

          mahirap i-explain, pero hindi naman talaga labanan. aw. parang ganon lang.

          sige, tomorrow you’ll have the copy. inaantok na po ako.

          haha, naalala ko si jason, tuwing nage email ako sa kanya, hindi mawawala yung ‘inaantok na ako.’ aw.

      • kaye says:

        waaahhh! anime ang dating bigla…

        hmmm…share mo nga din saken. hehehe

  9. bonistation says:

    hhays katatalinghaga! lately yata puro ganito tema mo ah…

    =)

  10. eli says:

    matalinghaga.

    ..sad naman…bakit ba kung huli na saka natin maaapreciate ang isang bagay? bakit kung ubos na ang tinta ng bolpen saka mo lang ma-realize…ang ganda nito..pero sayang ubos na ang tinta nya. sana hindi ko ipinansulat sa kung saan-saan…

    • Ax says:

      Haha, gumaganown ka pa kuya Eli.

      The protagonist is not suicidal. Alam mo yung feeling na nakalabas ka na sa haunted house. Yung tumatakbo ka na kasama yung kaibigan mo at malayo na kayo sa kastilyo ng kung kanino mang kastilyo yon.

      Tapos mapapagod ka. Sabi mo sa kaibigan mo na huminto muna kayo sandali dahil kailangan mo magpahinga.

      At sinabi ng kaibigan mo na, kailangan mo tumakbo dahil nasa tabitabi lang ang kalaban niyo..

      Sabay bumunot siya ng kutsilyo at sinaksak ang kaliwang braso mo.

      Kung kailan naman akala mo nakatakas ka na..

      Hehe.

  11. MOn says:

    ayun sayang naman yung buhay nya! masarap naman talaga mabuhay! minsan nga lang hindi halata… kelangan lang talaga.. look on the brighter side, take a deep breath and smile! ^_^

    ayun! heheh
    tomorrow is another day! yey!! hehe musta na Ax!

  12. .poOt! says:

    HAHA. as usual di na naman ako maka-relate. kelangan ko ulit itong basahin ng paulit-ulit para maintindihan ko. hehe.

    di ko alam kuya kung saan ka humuhugot ng inspirasyon. at ang lalalim ng words mo kuya ha. ingat ka, it can cause epistaxis. hehe.

    • Ax says:

      Whoa, ikaw din.. gumaganown ka pa ha. Anong pinagsasabi mo dyan Poot? Haha. Kamusta naman ang pakikipagsagupaan mo sa kabilang ibayo ng isla?

      • .poOt! says:

        ayos naman kuya ngunit umuwi kami ng bigo. mabuti ang aming hangarin na maipagtanggol ang sangkatauhan ngunit talagang malalakas ang kampon ng kasamaan.

        hahaha. // bleeh.

        so it’s time to call the…

        POWER RANGERS!

  13. Aina ♥ says:

    Part po ito ng novel nyo? Yung may Santelmo? :D Weee~ Ang galing galing nyo po magsulat. Hehe. Bakit siya namatay? Or nanosebleed siya sa ganda ng spectral colors? Wahaha. /nabobo atm

    • Ax says:

      Haha, yep. Yung may Santelmo. Hindi rin, maraming edit ang ginagawa ko pero ang pangit pa din.

      Nope, wala namang namatay ah! At hindi si Elisk ang nagkwekwento diyan..

      Haha. Nosebleed siya sa dami ng colors? Aw, magandang ending yan. Hehe.

      • Aina ♥ says:

        Di yan pangit. Baka sa paningin nyo, di masyado maganda, pero sa paningin ng iba super ganda. Hehe. Kasi may dugo eh. Which reminds me of what happened to me kanina. >____< Dumugo ang lips ko. Asar kasi, nasiko ako ng kaklase ko habang tumatawa.

        Hehe, ano po ba talaga ang nangyari dyan? O_O

        • Ax says:

          Magulo pa ang istorya ko kaya puro trashed ang mga nangyayari.. one time magkwekwento ako. haha. pag nagpacritique nga ako, ang daming comments. aw. pero okay lang..

          hehe.

  14. tsenn` says:

    bakit? haha! kakamustahin ko na lang ang nilulutong libro. kamusta si elisk? (elisk nga ba? homaygawd memory gap *_*)

    • Ax says:

      Galing mo Tsenn! Si Elisk, okay naman siya. Ayoko mangako na makakagawa ako ng libro. Pasensya na.. I’ll use my time wisely and writing a book is not a priority.

      Gumagawa lang ako ng isang bagay na hindi ko rin alam kung matatapos ko.

      Kung matapos ko man, hindi ko rin alam kung mapa publish ko.

      Hehe.

  15. bxjubahji says:

    Yo, translating is harder than I thought. Thanks for the.. article that was made only for me.

  16. dencios says:

    kuya ax,

    broken hearted ka?

    may nagsabi pala sa akin na maganda ang smile mo in person. ayeeeee :D

    • Ax says:

      haha, sino naman ang nagsabi sa’yo niyan? aw. hindi totoo yan.. dahil.. dahil.. mas maayos daw ang hitsura ko pag seryoso ako. haha.

      aw, hindi kuya dencio. di ako broken hearted. hehe. pero siguro ang gusto mo sabihin, i’m broke. aw.

      • dencios says:

        ax,

        reliable ang source ko. hahaha

        pero di ko sasabihin lols.

        kung broke ka mas broke ako tas single pa, ikaw may shota na, haha gumawa ng kwento hahaha

        • dencios says:

          ang daming tao! haha

          • Ax says:

            aw, unti lang yan. mas sikat ka pa sa akin.. kase lahat ng kakilala ko, kakilala ka. promise! totoo!

            aw, sino ba ang source mo at parang kailangan na niya magsalamin. hehe.

            aw, hindi naman ako in-a-relationship. kaw nga tong marami daw chicks sabi ng source ko. haha.

  17. Joyo says:

    whoa! dinugo yung ilong ko!

    ano yung kahel? owenge?

    … parang naalala ko yung ending ng “the mist” dito… :(

  18. Maldito says:

    aahahhaa….habang binabasa ko to, yung nasa isip ko ay mga literal na nangyayari.
    nakatingin ka sa rainbow habang dinudugo ka.ahahha.
    menstruation.lol.

    • Ax says:

      haha, oo nga. wala kaseng introduction at extroduction. para tuloy menstruation lang. aw. sorry, wala naman palang word na extroduction. hehe.

  19. orville says:

    hehe.. galing naman po napaisip ako..
    lagi ko na pong aabangan ang mga articles nyo..
    nilagay ko poa kayo sa blogroll ko para laging ma visit… thanks po sa mga comment sa site ko..

  20. cyberpat says:

    tama nga tlga sila… dun mo lang maaappreciate ung value ng isang bagay lalo pag wala na… lalo na cguro kung buhay ung pinguusapan…ayy.. depende pla… kung headshot, pgbibigti or any suicidal na ways na mabilis kang mamamatay… di mo na un cguro maiisip…. pero based sa last statement… i think… ibang way?… still dnt knw the story… to early para gmawa ng sarling idea abt this… di po pla kau ngreply… :(

    • Ax says:

      yes, Pat. kapag nandoon na tayo sa rurok na mawawala na ang isang bagay sa atin, dun natin napagtatanto na ayaw natin mawala yon.

      and for the last sentence, please bear with me. give me some time, i have lotsa things to fix.

  21. Aw. ang cool nung ending. :)

    galing! napakamakata. :D

  22. blu.sparks says:

    naka handusay na pala siya sa semento..nabigla ako dun ah..toink!

  23. p0kw4ng says:

    awww parang color game….daming kulay..iba iba! ahahaha parang tanga lang ako!

    AX eto ang seryoso!! Hapi Pasko sayo! sana makakain ako ng handa nyo!

  24. Fauxx says:

    Hala! Talagang nandito ako. Sabi na ngang wala akong alam sa pag-critique eh! :o

  25. Fauxx says:

    By the way, as a sucker for irony (technically, some other term), I loved the last line!

    Testing if my avatar is the red dude..

  26. bluguy says:

    hindi ako mapakali….kailangan ko bang maglagay ng bangs sa buhok ko…hanep naman ax…ano na naman itong kababalaghan….nagdanak pa ng dugo …kaya sa uli-uli….isipin mo muna ng 10000000xxxxxx….ganda kayang mabuhay…

    …uy regards daw sabi ng mamang malaki ang tiyan…..lagot ka ala kang pasalubong sa kanya!!!!! beeH buti nga sa yo!!!!!!

    • Ax says:

      haha, ayokong bawiin na malaki yung tiyan niya.

      bakit pa? kaya nga nagkaroon ng santa claus dahil sa may mama na malaki ang tiyan! hehe.

  27. yhen says:

    ano uli un ax? dko na naman maarok…

    parte na naman ba ito ng malawak mong imahinasyon?

  28. Ax, ayaw mo bang magpakritik sa akin? hehehe… joke…

    Isa lang ang basa ko rito, naging masyadong mapusok ang character at naging padalus-dalos… Kaya nanghinayang… :)

    • Ax says:

      kuya Mark, i’ll make it a point that you, jayr, fauxx, and ward and among others are on the list to read the novel first before i hit the publishing house. hehe.

  29. sows says:

    marerealize mo nmn tlg ang isang bagay kung tapos na to o kung may naging resulta na sa gnwa mo. plging ang pagsisisi ay nasa huli. hnd mo kyang pagsisihan ang bagay/mga bagay na hnd pa nagagawa.

    (tingin ko naging mjo tragic ung last part kya pina delete nlng ng friend mo, but i think tragedies in lyf r ways to realize wat lyf’s worth and hw u cn make the most out of it..am i talking to myself? :lol: )

  30. jason says:

    magandang hapon ax!!!!

    pano kung hindi masinagan ng araw?
    walang spectral colors na lalabas.

    bat tinagasan ng dugo? anong nangyare sa main character?

  31. sows says:

    oi jason, mag update kn ng blog mo! naiinip ako s mga characters ng gulay landia!

    Go!

    :lol:

  32. Allen says:

    ang likidong walang lasa at walang kulay na nakakagawa ng bahaghari ay walang iba kundi….

    gasolina. :))

  33. taga-bundok says:

    Sa bawat salita… Nakikinita ko ang aking sarili. Gumana ang aking imahinasyon, pakiwari ako ang lalaking nakahandusay ay ako.

    Ax, ganda nito ah. Sorry naman kung hindi ko alam na parte pala ito ng iyong nobela. Dadalasan ko na talaga pagdalaw dito. Hehe…

    (personal view: gusto ko yung ending ng part na ‘to. love ko kasi tragic stories, sad and violent ones. hehehe… gusto ko nakikita at nararamdaman ng kalaban ang hirap, yun bang mananalamin na siya sa dugong umaagos mula sa kanya…. yun lang. Aabangan ko novel mo. Wow excited ako. Hehe!)

  34. yiN says:

    basta di pa huli ang lahat pwede pa yan, ano ginagawa ng E.R? kaya nga salamat sa pagpapa-alala tol hehe, sa pamamagitan pa ng mga mabulaklak mong pananalita.

  35. masarap mabuhay…buhay na buhay ako!!!

    life is beautiful, that even in the most difficult situation, there’s always a beautiful thing…

  36. Ax says:

    at hawak kamay, sabay na humahanga sa gandang liwanag ng buwan. masdan mo giliw, ang langit sa piling.. mundo ay gumaganda, bawat hinga ay laan sa’yo. sa bawat ihip at bulong ng hangin, mundo ay iikot lang sa’yo.

  37. shea says:

    napaka gandang trash naman nito..

    ang lupit naman ng nobelang ginagawa mo…

    pag napublished, pede makahingi ng libreng copy? nyahahaha

    with autograph ha?

    hmmmm….

    para sa akin…saka mo lang mare realize ang ganda ng sikat ng araw, ng tubig at ng rainbow, pag mamamatay ka na? ganun ba? toinks…

    nyahhhh ax, love this…

    • Ax says:

      aw, shea. thanks sa papuri. hehe. aw, di ko nga alam kung mapupublish to o matatapos. wala namang pressure sa akin. basta gusto ko lang magsulat. di ko inaalala kahit gaano ako katagal matapos. hehe.

      salamat sa comment na’to.

  38. pinkdiaries says:

    oo, masarap talagang mabuhay.. :-)

  39. J.Kulisap says:

    Hoy Batang nagpapamisteryoso sa kaniyang avatar, buhok ba ang binabalandra diyan?

    Anong hindi, si Riyal, si Damian, sino pa. Natatawa ako.

  40. Vajarl says:

    Hindi ko na kinaya magbasa ng lahat ng comments! Shux nalunod ako sa dami. Haha.

    Part daw eto ng book na sinusulat mo? Tama ba ang intindi ko? Mukhang machachalenge ang Filipino vocabulary ko sayo ah. Andami kong hindi alam na words sa taas. *punas ng dugo sa ilong*

Leave a Reply