Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
The Will of the Wind Radio Request

Nagising ako na sobrang ecstatic ang aking pakiramdam. Umaga na! Parang isang fairy tale lang ang araw na’to. Naririnig ko pa ang dagundong ng radyo ng kapitbahay namin. Kasabay ng pagbangon ko ay ang pagsagot ng deejay sa isang caller. Nagrequest ng kanta at pinatugtog ang The Will of the Wind ni Jim Photoglo. Nagsuklay ako ng buhok at lumabas ng bahay habang kumakain ng cookies. Sabay humangin ng malakas.. nagulo ang buhok ko. Okay lang, masarap naman ang hangin.

The will of the wind, you feel it and then,
It will pass you blowing steady.
It comes and it goes, and God only knows,
You must keep your sails on ready.
So when it begins, get all that you can;
You must befriend the will of the wind.

Pagkatapos kong mag-internet, naligo ako. Nag-gel. Matagal akong nakaharap sa salamin. Hm, pumunta sa sink para buhusan ulit ng tubig ang buhok ko. Nag-oil na lang ako. Umalis ako ng bahay na masaya. Humangin. At naglakad ako sa mahabang kalye ng Biyoleta. Pakiramdam ko eh gumagawa lang ako ng music video.

Ngunit humangin pa ulit ng malakas at nagulo ang buhok ko bago pa man ako makasakay sa isang public utility carrier. Yes, alam ko. Buwakangligaw lang dahil pinagtitinginan ng pasahero ang magulo kong buhok. Umupo ako sa tabi ng drayber at inayos ang buhok ko. Nakarating ako sa opisina nang masaya.

Breaktime. Lumabas kami ng building para bumili ng pagkain. Humangin ulit na parang may tinotorture na palaka sa paligid. Nagulo ulit ang buhok ko pero ayos lang dahil chicken naman ang nabili kong pagkain. Masaya akong nagbreaktime. 

Natapos ang araw ng opisina. Uwian time. Paglabas na paglabas ko pa lang ng building, parang may ipoipo na naghihintay sa akin. Nagulo ulit ang buhok ko at hindi ko alam kung mamumukhaan ko pa ang sarili kapag humarap ako sa salamin. Nagtawanan ang mga opismate ko. Pakernut na kantang The Will of the Wind yan.

Bukas magre-request ako ng No Air ni Jordin Sparks at Chris Brown sa parehong radio station na napakinggan ko kaninang umaga. Lintik ang walang ganti!

230 Comments to “The Will of the Wind Radio Request”

  1. biohazard says:

    woah… base finally…

  2. J.Kulisap says:

    Sana hinayaan mo na lamang, kapag mga artistahing katulad mo, kahit anong dating at porma- napagbibigyan ng society yan.

    I wanna hear you sing the song.

  3. timangkey says:

    “If there’s a will, there’s away”

    anong radio station un? bakit oldies? mahilig ka ba dun?hehehe

  4. Ella Bhi says:

    okay lang yan…at least masarap ang hangin… :)

  5. Allen says:

    HAHAHAHA! i mean, HAHAHAHAHAHA!

    Baka so the song reflects the day ahead of you? haha! Baka pag nagrequest ka ng No Air, di ka naman makahinga at mamatay ka. hahaha!

    Feel na feel ko din yun e. pag mahangin sa kalye, nagpapatugtog agad ako sa ipod tapos i put my hands inside my pocket then look around. kunyari music video. haha. nakakaaliw kasi. hahaha.

    hoy kuya ax sama ka samin ni ate chyng sa nov21 okay?

  6. kaye says:

    hahahaha! nakakatawa ang iyong experience. but come to think of it, e talagang taglamig na supposedly ngayon and with that, e ang malakas na hangin. dito sa amin sa alabang, masarap pa ang simoy ng hangin, at sa sobrang lakas, madadala ka pero ang sarap ng feeling kasi christmas na christmas na (wag lang bumabagyo ha!)

    alala ko yang will of the wind, college ako nung mauso yan. dun sa tambayan ng isang org ko, yung dati kong crush e humingi ng favor na isulat ko sa logbook ang lyrics nyan. shempre para naman maka-earn ng ganda points, e sulat naman to the max ang lola mo. ayun, di naman siya nagkacrush saken. hahahaa! but it was also a short-lived admiration for that person kasi bigla na lang nawalan na rin ako ng “feelings” para sa kanya. hahaha!

    so, tingnan natin kung epektibo ang No Air bukas. malay mo nga naman? e pano kung ang patugtugin sa radyo ay blowin’ in the wind? o kaya naman four strong winds or worse, gone with the wind? hehehe

    • Ax says:

      Yung Will of the Wind, hindi ko na po talaga yan naabutan! Naririnig ko lang minsan sa radio at napapanood sa music channel! Hehe, actually, masarap naman po ang ihip ng hangin nitong mga nakaraan! Kunyari lang po dehado ako sa kwento ko! Pero enjoy na enjoy ko po yung hangin tapos makulimlim lang. Ang sarap pong maglakad! Christmas na christmas na po talaga!

      Kahapon ko lang po nafeel yung sarap ng hangin. Kanina po umuulan, di po ako nakapag emote! Haha.

      • kaye says:

        hala. di mo na naabutan. I am sooooo oldddd! hahahaha! hayyy…

        ang gulo talaga ng panahon sa atin. kainis. nakakaabala din sa mga plano. ngek.

        ano na nga palang nangyari sa No air? palagay ko, ang naka-air na song e pumapatak na naman ang ulan or raindrops keep falling on my head. ulan ng ulan eh.

        • Ax says:

          Naku po, ang pinatugtog po yata sa radio ay “Tuwing Umuulan” ni Regine/Eraserheads. Opo, umalis nga po ako today pero ulan ng ulan! Pero oks lang naman po!

  7. kaye says:

    haha! natawa pala ako sa pagkakafeeling mo na gumagawa ka ng mtv. mas maganda kung umiiyak at senting senti ka habang naglalakad sa mahanging lansangan. yan ang ultimate MTV scene! hahahha

    • Ax says:

      Opo Ms. Kaye. Yung video-making:

      Una sa kalsada lang muna nakatutuk ang lente. Parang opposite ng diminishing attack, bigla na lang akong susulpot. Nakatingin ako sa malayo. Maglalakad ako ng dahan dahan. IIHIP ang HANGIN tapos bigla na lang akong mapapatigil. Mapapapikit ako tapos titingin sa gilid ng kamera. Titigil ang hangin, maglalakad ulit ako ng dahan dahan. Sa point na’to, bird’s eye view na yung position ng camera tapos HAHANGIN ulit ng malakas at bigla na lang magblu-blurred. Awts.

      • kaye says:

        ahahaha! I see you have the scene all planned! gawa ka nga ng mtv at ipost mo dito! ;-)

        • Ax says:

          Sige po! Gagawa po ako.. kaso di ko po alam kung kailan.. matagal tagal pa po siguro. Kailangan awesomeness yun! Hehe. Wala po akong camcorder at pangit pa po ang katawan ko! Aw.

  8. livingstain says:

    ibig lang sabihin nyan ay nakukulam ka, o kaya ay napapaglaruan ka ng mga ispiritu ng hangin…. hahahahaha (halloween pa din)

  9. aninipot says:

    will of the wind ang pag comment ko dito..haha, mas nag-eenjoy akong makibasa minsan sa mga comments dito kaysa sa post….simpleng bagay napapalalim nyo…bigla tuloy akong napaisip sa tono ng kantang yan..haha

  10. bipolarsisa says:

    haha. natawa naman ako dun Kuya Ax. sige, irequest mo na! ano bang radio station yan?

    • Ax says:

      Hindi ko actually alam kung saang radio station yan! Haha. Hahalughugin ko ang airwaves para magrequest ng song! Parang gusto ko rin magrequest ng Seasons in the Sun ng Westlife.. O di kaya Alapaap ng EHeads! Huwaw!

  11. mr. nonsense says:

    ano kayang mangyari kung ang request mo ay like a virgin….or bohemian rhapsody?
    btw, pakalbo ka na lang.

  12. cyberpat says:

    hehehe cool naman kuya yung magulo buhok ehh… grabeh naman po kapit bahay na yan…

  13. Aina ♥ says:

    HAHA! Grabe, will of the wind nga! Funny nitong wind experience nyo. At least hindi palda ang hinangin sa inyo! :D Bwahaha! Wag naman No Air, pang hapon ang schedule ng test ko bukas eh! :D Baka pagdating ko ng school, humuhulas na ako at naipawis ko na ang lahat ng iniligo ko. :D

    Maulan dito sa amin kanina eh. May bago nga akong most embarrassing moment eh. >,>

    • Ax says:

      Oo nga. Buti hindi ako hinangin! Aw, ganun ba.. Sige, papalitan ko na. Hindi na ‘No Air.’ Alam mo yung Snow in Sahara?! Awts.

    • Aina ♥ says:

      Buti ka pa po, pwedeng hanginin. Ako ata hindi. :D Wag ka namang ganyan, Kuya Ax! Haha! Inulan ang araw ko! Grabe! Tumutulo naman ako pagdating ko ng school kanina. Urk. Wahaha! :D

      • Ax says:

        Oo nga! Naalala talaga kita kanina kase pumunta rin ako sa university ko! Aw, ulan ng ulan! Bukas magre request nga tayo ng Macarena..

        Wala lang. Maputol lang ang sumpa!

        • Aina ♥ says:

          Wahaha, talaga po? :D Shax, may dala naman po kayong payong?

          Anything to break the curse. Wahaha. Macarena! Yeah! Mag-aalay lakad po kami bukas ng friend ko for the sake of reducing weight, kaya dapat lang po umaraw/kumulimlim! :D

          • Ax says:

            Huwaw! Ako rin mage exercise bukas ng gabi with mah neighbors! Dapat lang na wag umulan dahil kailangan ko magpapayat.. Aw, payat na pala ako! Hehe. Pero seryoso, mage exercise rin kami bukas!

            Sana mahangin! Hehe.

            • Aina ♥ says:

              Exercise is good for the body. :D After po ng periodical exams bukas kami maglalakad eh. Medyo malayo rin po yung lalakarin namin. Haha. Hay. I envy you kung payat kayo! T_______T I want to be stick thin.

              Tama. Sana po mahangin bukas.

            • Ax says:

              Aw, Aina, ang pangit kaya ng pagkapayat ko! Para akong malnourished na puro cereal ang kinakain! Pero nagpapataba na ako! Wahaha.. Dapat maging mataba ako sa lalong madaling panahon! Hindi ka naman mataba ah!

              Or if you are one, di ka naman pangit eh! Hehe.

            • Aina ♥ says:

              Ang bilis! May bagong reply ulit! *A* Kakapost ko lang ng bago sa blog ko, may reply ulit. Haha! :D

              From your picture, mukha namang hindi eh! Mukha nga po kayong tama lang ang payat eh. Actually, ang problema ko po eh arms pati hita. May form sila kaya lang parang dun napupunta lahat ng kinakain ko. Palit po tayo ng body frame! :D At pangit ako.

            • Ax says:

              Haha! Aw, pag nakita mo ako sobrang payat ko! Sabi nga ni Jason.. erm, ano bang sabi ni Jason! Haha. Nyek, nakita ko na kaya photos mo! Ako kase yung nakita mo ata ay hindi recent! Medyo okay ako dati tapos nangayayat. Aw! Di kase ako kumakain past months.. Kase trip ko lang! Haha.

              Maraming mang-aaway sa’yo sa blog ko pag sinabi mong pangit ka! Ayaw nila ng ganyan! Hehe.

            • Aina ♥ says:

              You’re anorexic? o_____o Mahirap po ba? I tried starving myself last summer, and I lost a few pounds. :D Mahirap po kasing mag-aral ng gutom eh. Haha! :D

              Sayang yung dati nyong weight, super okay (I think) yung picture nyo sa contact page eh. Teehee. :D Wah. I want to lose weight.

              Natuloy po kami sa ‘exercise’ namin. Grabe rin po yung nilakad namin! Nakakawindang! Pero feeling ko po namayat ako dun. 30 minutes po ata kaming naglakad. Haha.

              S-san nyo po nakita ang pictures ko? HOMG. Sana di sa Facebook, sana di sa Facebook. Haha. Mukha akong yagit dun eh!

            • Ax says:

              Haha, ayun pa yung nakita mong pic ko? Aw. Sa mga posts ko, nandun yung iba kong syorpet, aw, I mean pictures! Payat ako. Sabi nga ng mga kakilala ko magpataba daw ako. Er. Iba kase yung pagkapayat ko. Parang may tuberculosis lang! Haha.

              Oks kaya yung pictures mo.. Oo, yung sa FB ko nakita.

              Joke lang.

              Sa blog mo syempre! May pictures ka dun!

            • Aina ♥ says:

              Hala, kainin nyo na lang ang mga baon ko. Hehe! :D Pandagdag weight. Ako naman, gusto ko mabawasan ang laman ko sa legs. TT_____TT Nakakaasar, di proportional!

              Kinabahan ako dun a. -sighs in relief- Nakakaasar kasi classmates ko eh, talagang napipicturan nila ang mga epic fail kong moments. Dyahe po talaga. Hahaha.

  14. jason says:

    buti na lang di ka na payat ax. Kungdi, tinangay ka na rin ng hangin..

    o sige gaganti ka!! ANO!

    hahahha

  15. bluguy says:

    mahangin nga sa labas….ayan o! sabog pa rin hair mo….hehehehehehe

  16. Mon says:

    hahaah natawa naman ako sa Will of the windy experience mo!

    musta na BOB!?

  17. taribong says:

    Hi AX! Hi BOB!
    Mahangin nga sa labas hehehehehe
    Lumalakas na nga ulit ang ulan.
    Have a pleasant day, everyone…..

  18. arnie says:

    wahahaha…mahangin na umaga sau Ax…

  19. Napadpad ako ng hangin dito… :)

    Your post reminds me of the brilliant and controversial Leo Joseph Cardinal Suenens, one of the 4 moderators of the Second Vatican Council.

    He said:

    “We can’t direct the wind but we can adjust our sails.”

    Magandang hapon Ax…

    • Ax says:

      Napadpad ka nga ng hangin dito Kuya Mark! Aw! Magandang gabi po Kuya Mark!

      Hm, masearch nga po si Leo Joseph Cardinal Suenens!

      • ayon kay mamang wiki: Leo Jozef Suenens (July 16, 1904—May 6, 1996) was a Belgian prelate of the Roman Catholic Church. He served as Archbishop of Mechelen-Brussel from 1961 to 1979, and was elevated to the cardinalate in 1962.

        Suenens was a leading voice at the Second Vatican Council and advocated aggiornamento in the Church.

  20. Joyo says:

    wehehehe hang kulet… ano ba kasi ang shampoo mo bakit hindi sumusunod sa galaw mo… :lol: eniwey highway skyway uso naman ngaun ang “mahangin sa labas” look :)

    request mo yung sumusunod sa galaw ng jaboom twins hihihi… :P

  21. blu.sparks says:

    bad hair day ba? ang selan sa buhok ah.

    naku wag na yung no air..patay tayo jan..toink!

    • Ax says:

      Bad hair day nga blu.sparks! Aw! Hindi, joke lang yan! Gusto ko talaga yung mahangin na panahon! Ang sarap sa feeling.. Hindi ko na nga nirequest yung no air..

      Wag ko lang maririnig na pinapatugtog yung “Killing Me Softly” kundi ipapapatay ko yung nagrequest non!

  22. Alkapon says:

    I know that song, tinutogtog ko yan sa aking gitara at sa aking “Organ”..he he he

    perstaym ko nadalaw dito sa iyong lunnga..

  23. ODDBLOOD says:

    waw..comedy ka ngayon ah..pero mas okei nga ang mahangin eh..sarap damhin..^_^ ‘di katulad na kung “No Air” ang OST ng araw mo, parang rooms lang ng isang college na pinasukan ko dati, sa sobrang dami namin at init..mapapakanta ka talaga ng No Air..haha

    newey, masuwerte pala ako dahil windproof ang buhok ko.. ^_^

    • Ax says:

      Aw, windproof ang hairdo mo Jem?! Buti ka pa! Okay, buti nga hindi nirequest yung “Wind Beneath My Wings” sa radio.. dahil wala akong balak maging manananggal sa tanghaling tapat!

  24. romeo says:

    alam mo nasa mall ako kahapon tapos biglang kinanta yung will of the wind tapos naalala kita, isang picture lang naman yung nakikita ko, yan lang nakataas ang kamay mo… hehehehe

    • Ax says:

      Isang picture lang talaga yung nakita mo ha! Aw. Actually, di naman nakataas yung kamay ko diyan.. Hm, parang nakasandal lang ako sa kamay ko!

  25. romeo says:

    ang tangkad mo siguro, and you look good…

  26. topexpress says:

    hay salamat! may tagalog na post! ahehehehe

    ahahaha natawa naman ako sa request mo! ahahah

    isa lang ibig sabihin nun AX, u have a very soft, beuatiful, shining hair! nakanameeeennn!!!

    aheheheheh

    • Ax says:

      Hello po Kuya Topher! Kamusta po kayo! Aw! Haha, hindi naman po shiny yung hair ko.. Uhm, pag nagulo hindi na po bumabalik sa dating ayos! Aw. Gusto ko yan! Nakanameeeennnn!

  27. Rocky Garcia says:

    Malakas at malamig talaga ang hangin natin ngayon dahil sa amihan.

    Siguro isa rin itong hudyat na malapit na ang Pasko. Advance merry Xmas Ax!

  28. jason says:

    Magandang Umaga AX!!!

    Bumili nga pala ko ng Hamster nung Wednesday.
    hehe

    Ang pangalan Coco..

    Bakit Coco?? Ayaw ko ipaliwanag. hahahah

    • Ax says:

      Oo Coco. Wala ngang magbabantay di ba kahapon! Ilan binili mo? Di ba dapat dalawa yan? Mamamatay yan. Sexually active ang mga hamster (small letter lang ang ginamit ko sa hamster! baka akalain ng ibang makabasa tao yung sinasabi ko. Hehe.) Dapat dalawa binili mo. At for sure, wala kang kulungan.

      Coco Martin Nievera di ba ang name ng alaga mo!

      • jason says:

        hinde, ok lang. kaya nya mag-isa..

        yung dati ko kasing male and female hamsters dumami up to 40 pero nagsimatayan dahil di ko alam. ngayon alam ko na pero

        isa lang muna, para low maintenance ngayon pa na dugot pawis ang puhunan ko sa trabaho. hahaha

        Coco lang adik ka.

  29. joan says:

    ..pakalbo ka kaya kuya ax? walang magugulo pag humangin, pramis! .. hehe. :p

  30. sows says:

    haha! ayos s trip music video ang dating..

    may pinagkakalat pala c daddy 2ngkol sau! at na2wa ako..mas nakaka2wa pa sa post mong ito!
    :lol:

    • Ax says:

      Aw, si Daddy talaga! Aw! Makagawa nga ng music video. Ako lahat. Character, editor, music editing, producer, assistant, cameraman.. Mukhang mahirap.. Pero yakang yaka!

      Kaso wala akong video camera.

      • sows says:

        nakanang! nagpaparinig si akso! hehe

        daddy A pano ba yan, ang dame naming nanghihingi ng pasalubong sau?! (nakikisali?!) :lol:

        so baka mag gone with the wind ka na tlg at iwasan ang pilipinas! nppbyaan mo n tong c aksong ng e emo sa kalye! :wink:

  31. Man in Heat says:

    Ang saklap kapag bad hair day ka. Kahit anong pakiusap mo sa buhok mo na sumunod o makisama ang panahon at tantanan ang buhok mo, talagang lalo ka pang kukulitin. Hehe.

  32. eli says:

    will of the wind..gustong gusto ko ang song na yan.

    at parang nakikinikinita ko ang paghawi ng buhok mong sobrang tigas sa gel habang humahangin…

  33. .poOt! says:

    haha. it seems that you had a bad hair day kuya ax. // ok lang yan dapat keri pa rin. ika nga nila “dapat confident ka lang lagi, kahit pinag-titinginan ka (o pinagtatawanan)”.

    sige kuya request mo “no air” para di ka makahinga. LOL.

  34. J.Kulisap says:

    Magandang araw po sa lahat. Yong lang po. Bow po.

  35. lovely says:

    haha..hang kulet hehe..
    sana kasi nag gel ka na o kaya nag wax ehhe..
    pwede bang..dust in the wind na lang i request mo haha..lols.

  36. Kurog says:

    Ako’y natutuwa sa post na ito kuya Ax! Kasi sa unang pagkakataon ata, nakabasa ako ng hindi lang pang-matalino, pang-kagaya ko pa na post mo! Wahahaha

    Di namulikat ang utak ko ngayun!

    Nagrequest ka nga ba ng song?

    Yung YouTube ha! Wag mo kakalimutan! Ehe

    • Ax says:

      Oo nga, feeling ko tuwang tuwa ka! Aw. Di ba namulikat yung utak mo ngayon? Sige, next time.. tingnan natin kung biglang matunaw yung utak mo! Aw.

      Hulaan mo kung nagrequest ako ng kanta!

      Aw, ayoko.. Ayokong ivideo! Hehe.

  37. jason says:

    oi salamat kagabi sa inyo.
    hehe

    teka papakinggan ko muna ang canon.

  38. i am back ax!!!

    ang sarap ng hangin sa dalampasigan ng basilan. naglakad-lakad ako habang dala-dala ang buko…

  39. dencios says:

    ax,

    natawa ako. lol

    naimagine ko kasi kung paano mo winawasiwas ang buhok mo sa lakas ng hangin.

    :D

    pero ok lang yung mahangin basta walang bagyo.

    ingats AX!

  40. lio loco says:

    ayos lang yan. eh ako nga, asiwa ako sa gupit ng buhok ko ngayon. para kong hilaw na jjampong. ampotah!

    • Ax says:

      Aw, bagong gupit ka pala! Di ba, yung buhok mo mahaba naman? I mean, hindi ganoon kaikli? Ako ng dati gupit ko parang basang sisiw lang ako.. Yeah, may picture ako.. Wag sana lumabas.. Aw.

  41. CjOyz says:

    dont worry ax you still look good kahit magulo ang iyong hair… =D

  42. sakpin says:

    hahaha. natawa naman po ako dito. oo nga para po kayong gumagawa ng music video. Teka anong radio station ba yan? at icucurse ko.hehe

    • Ax says:

      LOLOLOL!

      Hindi pwedeng di kita kilala! Yay. Hm, anong radio station ba yun, di ko talaga alam eh.. Sige, icurse mo na lahat ng radio station para masaya! Aw.

  43. tsenn` says:

    i’m here! :]

    hangkyut hahaha at ang suxal, “sink”..
    WASAK \m/

  44. p0kw4ng says:

    Hmmm palagay mo may gusto sayo ang hangin kaya naging stalker mo? hehehe

  45. romeo says:

    hi ax, how are you?

  46. Gooooooood morning!!!!

    Umagang kay ganda ax!

  47. arsean says:

    good morning…have a great day!!!!!!!!

    Apir!

  48. marx says:

    hehe.sumtyms we id not to think bwt the past cuz we should be happy of decisions we make every single time..hoy ax nag comment ako dun sa line ng kanta ah..di sa buhok mong pang komersyal,.haha

  49. J.Kulisap says:

    Howdy Axie? Mr. DJ, can I make a request?

    Pwede ba yong love song ko.
    Mr DJ, para sa akin ito.
    Sana ok na ang buhok mo..
    Hihintayin ko na umayos ito…

    Thank you.

    Have a nice day ahead of you Axie.

  50. PM says:

    LOL masyado naman yatang mabigat ang ‘no air’ na ganti mo pano ka hihinga? LOL

  51. .poOt! says:

    kuya pakendeng. lolz.

    may bago pala akong entry and i need your advice. alam ko kasi na pagdating sa love, expert ka. lolz.

    • Ax says:

      Awts. Yan ba ang status mo sa FB one time? Aw. Mukhang alam ko na ang problema mo! Sige, punta ako kaagad dun.. mamaya! Haha.

  52. yhen says:

    pasingit ha…

    SHOUT YOUR LOVE FOR RICE!

    CLICK THIS IF YOU WANT PRIZES!

    • Ax says:

      Sure, welcome na welcome mag plug! Ayan, naka bold na siya ha! Hehe. Sasali din ako diyan ate Yhen, kokontakin ko lang muna si JayR! Yay.

  53. Lil John says:

    This is a good read. You are caught off guard on the name? [Evilsmirk.]