Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
Pag nag-e Exist ba ako sa Dimension Sphere na to, Nag-e Exist din ba Ako sa Ibang Parallel World na Walang Bahid na Ako
Categories: 3% Weird, Free Writing

Minsan sa subject na Literature, pinasulat ng prof ko ang mga talents o gifts ng bawat isa sa amin. Isulat daw namin ang kaya naming gawin sa isang papel. Writing, dancing, singing, playing the piano, at yung pinaka-weird na talent namin. Lahat daw ng kaya naming gawin eh isulat lang namin at huwag daw namin limitahan ang aming sarili. Nagpromise siya na di siya tatawa sa kung anumang talento ang gusto naming isulat sa papel.

Kahit ano pala ha.

Mag-imagine, Tumitig sa pader ng matagal, matulog ng 15 hours, magpagalaw ng bagay gamit ang utak, manghuli ng tutubi. At kung ano-anong kawirduhan pa ang sinulat namin ng mga kaibigan ko.

Pass your papers.

Inassess niya ang bawat sinulat na mga talento ng bawat isa niyang estudyante. Nasa 40 students yata kami pero hindi naman siya natagalan sa pag-e-evaluate. Groupings pala yun ng mga activities namin sa buong semester. Kung sino sino ang may magkakaparehong talents, sila sila ang magiging groupmates. Marami akong friends/classmates ang napunta sa Art Group. Sa Art Group, na-divide pa sila as subgroups. Mga Dancer, Writers, Actors, Singers, Painters at kung anu-ano pa. Lahat ‘ata ng talento nasa kanila na. Mga gifted sa lahat ng bagay. Yung iba sa Party People Group. Konti lang sa Party People Group ang napunta. Yung iba Human Rights Groups. Yung iba Athletic Groups! Isa isa nang tinatawag ang groupings hanggang sa nangalahati na yung klase namin pero hindi pa ako natatawag.

Kami yung huling group na tinawag. Mga dose lang ata kami na napunta sa Existentialism Group.

Ayos naman. Doon ko nalaman na ang talent ko ay mag-exist. Rak en Rol. Hardcore! Buong buhay ko nagagamit ko ang talent ko.

Isa pa, HARDCORE!

183 Comments to “Pag nag-e Exist ba ako sa Dimension Sphere na to, Nag-e Exist din ba Ako sa Ibang Parallel World na Walang Bahid na Ako”

  1. hehe existentialist…marami ngang mga nag-aaral ng philosophy ang nahihilig dito sa existentialism…para kasi sa mga existentialist na tulad mo, ang tingin nila sa traditional systematic or academic philosophy (in both style and content) ay masyadong abstract at masyadong malayo sa konkretong karanasan ng tao.

    Nauso ito sa post world war as a way to reassert the importance of human individuality and freedom. soren kierkegaard ang sikat dito. pero mas gusto ko ang thoughts ni Friedrich Nietzsche…

    pero mas nagdwell ako kay michel foucault…

    • Ax says:

      Waah, grabe. Alam na alam mo pa rin Father ang topic about Existentialism. Waah! Ganyan na ganyan nga at sobrang nauso ang concept na to post world war dahil na rin sa nangyari sa buong mundo kahit matagal ng ipinanganak ang idea na’to, sa time frame na yun lang talaga sumikat ang concept na’to! Galing! Hardcore ka rin Father Fiel!

      • kasi naman important sa mga existentialist ang paggawa ng free choices, particularly regarding fundamental values and beliefs, and how such choices change the nature and identity of the chooser.

        existence precedes essence — ang actual na buhay ng isang indibidwal — that constitutes what could be called his or her “essence” instead of there being a predetermined essence that defines what it is to be a human. Sa madaling sabi, through the person’s consciousness – gumagawa siya ng sariling values and he determines a meaning to his life.

    • Makikisingit…

      Mahilig din kasi ako sa Existentialism…
      Gusto ko si Soren Kierkegaard…

      Naweirdohan ako kay Nietzsche… Nagulat ako sa choice mo Fr. Fiel… Alam mo na ibig kong sabihin… hehehe…

      I have very little background kay Foucault…

      And I love Gabriel Marcel’s phenomenologies… :)

      • Ax says:

        Waah, ang gagaling niyo naman! To think na it was so tralala at hindi niyo pa nakalimutan yan!

        At parang nag-uusap lang kayo ng parts ng gundam robot kung pag-usapan ang mga founder, father, at contributor ng concept na yan!

      • wahahahaha yap mark. michel foucault talaga ang pinili kong philosopher noon college. hype na hype kasi siya eh. then may prof din kasing sj na todo promote si michel foucault. lol.

        mas naintindihan ko si michel foucault noong nasa theology na ako lalo na sa pag-aaral ko ng moral theology. kasi si foucault malakas ang kanyang medieval history background, lalo na about victorian sexual practices, and old style of Church confessions. ang kanyang history of sexuality ay mas nagpalawak ng pananaw ko ng church history.

        • Ax says:

          Father, hm.. ako rin parang si Kuya Mark. Hindi si Foucault ang tinatarget namin! hehe. Bakit si Nietzsche ang mas gusto mo? Sa God is Dead pa lang.. Ang idea kase ni Nietzsche nakakaloko. Hindi mo alam kung yun talaga yung gusto niya iparating o nanghahamon lang na bumaliktad yung makakabasa ng works niya. Pero bow ako nung pinagtanggol niya ang Christianity pero hindi ang Church. Magulo si Nietzsche. Kailangan mong pag-aralan ng todo todo para maintindihan yung idea niya. Kung part lang ng idea niya yung nalaman mo sa kanya, either bad impression o good impression. hehe. Baka nga mas maganda ang idea ni Nietzsche pag nabasa ko ang mga readings niya.

          Pero sa ngayon, mas gusto ko pa rin ang idea ng Leap of Faith ni Kierkegaard!

          • yap, totoo yang sinasabi mo ax. hard reading si Nietzsche. para siyang si kris aquino, you cannot ignore her. you either love Nietzsche or hate Nietzsche. pansin ko lang sa mga seminarista namin na may gusto kay Nietzsche, nadedevelop sa kanila ung atheistic tendencies…pag binabasa mo kasi ang ideas ni Nietzsche, dapat solid din ung background mo about his own psychology/history.

            Tinatawag niya ang sarili niya na “immoralist” and harshly criticizes the prominent moral schemes ng kanyang panahon: Christianity, Kantianism, at utilitarianism. Pero, Nietzsche did not want to destroy morality, gusto lang niya na mag-initiate ng re-evaluation of values.

            Totoong nakakaloko si Nietzsche. unfortunately, di niya naabot ang pagiging ubermench. in the end nagkaroon siya ng mental breakdown di ba? added pa doon ung pagkakaroon niya ng syphilis.

            si soren kierkegaard ay very christian sa kanyang existentialism. Magaganda din ang themes ng kanyang mga ideas: faith in God, the institution of the Christian Church, Christian ethics and theology, at ang emotions at feelings ng mga tao when faced with life’s choices.

            • Fr. Fiel, I have once listened to a lecture about “Christianizing Nietzsche” and another one about “Nietzsche’s Superman: Jesus Christ”… A PhD in philosophy lectured and presented his views that Nietzsche’s philosophy are not really far from the Christian-Judeo philosophic sphere and that they can be “Christianized” (if my memory serves me right, the lecture was aired in CCTN here in Cebu, the lecture was held in USC).

              Nietzsche is as controversial now as he was before… Many who misunderstood him still argue that his most controversial statement (God is dead) is literal, owing the claim to his treatments on subjects relating to religion, faith, Semitism and morality (attacks on Christian and Kantian ethics,etc…).

              My take? I find it hard to absorb that Nietzsche could be Christianized. His idea on the death of God acknowledges and opens the view that God is no longer the basis and center for meaning and good values. It indeed came as a challenge to re-evaluate our value system. As a consequence, pespectivism and nihilism entered the scene…

              About Gabriel Marcel, his phenomenologies has allowed me to somehow have am ordered glimpsed of the complexity of life. His thoughts are very much grounded to Catholic faith (of which he is a convert) I really like his approach to “experience” – primary and secondary reflections… His approached has influenced my narrative writing style na makikita mo sa isa kong bahay… And his phenomenology of love has given me a deeper understanding of human relationships especially on friendship and love. I have yet fully digest and re-read Pope John Paul II’s Theology of the Body (i’m re-preparing for it by re-reading books on Theology of Man). I am very much interested if I can find bits and pieces of Marcel’s phenomenology of the body in it (medyo bangag siguro ako noong una ko itong nabasa, hehehe, di ko na kasi masyadong maalala)… And his phenomenology of death is in essence full of hope…

            • Ax says:

              Binasa ko kanina ang God is Dead, Thus Spoke Zarathustra, at Übermensch..

              Aw, readings, readings, readings. Namisunderstood ko nga siguro si Nietzsche.

            • lhen says:

              grabeh pag paulit ulit ko tong binabasa tuwang tuwa ako sa inyong 3 at ang dami kong natutunan ah… :-) salamat sa pagbigay ng grade m sure matutuwa sayo mga stud ko

              may nareply ako sayo dun base dito sa post mo hehehehe :-)

              post ka pa ng makikita ko ang usapan nyong 3 dito sayang ndi na nag eexist si dfish ….nagpopost pa ba siya ?…,mapuntahan nga isa pa yun ganda mag koment

            • yap, sabi nga ng marami may redemptive value ang ating lolo Nietzsche sa kanyang dramang “god is dead.” isa sa mga dahilan kung bakit niya nasabi ito dahil sa kanya ring observation na maraming tao na ang hindi naniniwala sa cosmic order, leading to the rejection of absolute values — to the rejection of belief in an objective and universal moral law which is binding upon all individuals.

              para sa kanya, pag wala ng absolute basis for morality, it will lead us all to nihilism. From nihilism, dito maghahanap si Nietzsche ng solution for the re-evaluation of the foundations of human values — looking for foundations that went deeper than Christian values. He would find a basis in the “will to power” that he described as “the essence of reality.”

              yes, totoo yan yang sinabi mo na “His idea on the death of God acknowledges and opens the view that God is no longer the basis and center for meaning and good values” — katakot no? result: we formulate moral laws which are no longer grounded on natural law. sabi nga din ng prof ko dati, mahirap makipag-dialogue kay Nietzsche. nag-question pa siya, it is possible to ground our laws and values on humanitarian reasons alone, without being Christian?

              about marcel, like ko ung kanyang existential fulcrum kasi noong college ako, doon kami nagdwell talaga. gusto ko rin ung primary and secondary reflections.

              yong “i am my body” drama ni lolo marcel, maganda din un. magcocomplement kasi un “i and thou” ni martin buber, na isa din sa mga gusto ko.

            • Ax says:

              God is Dead leads us to the Divine Command Theory: “Is an action morally good because God commands it, or does God command it because it is morally good?”

            • Divine command theory.. Another controversial issue of philosophy… :)

              Actually, the question you have stated is not the divine command theory itself but rather the Euthypro dilemma, and it is a rebuttal to the divine command theory.

              In one discourse I have with a priest friend, I asked him his viewpoint on this… And I somehow take the same viewpoint…

              Whatever God commands is a reflection of His nature – which is all goodness. Therefore it follows that an action is moral because God commands it.

              And, assuming without conceding that God would command murder, then committing murder becomes a moral obligation… but He didn’t… :)

              The moral order of the universe can be changed by God at any given point in time, and we are morally obliged to follow… but He didn’t… Since time immemorial, there has never been a turning around of the moral clauses of Christianity… :)

            • Ax says:

              Yay. Oo nga po, hindi siya divine command theory.. Euthypro dilemma pala yown! :)

            • sharmaine says:

              guys this topic rocks..!!!
              love how the three of you discuss things like this..!
              sana makarelate ako subalit isa lamang akong hamak na 3rd year student..
              hehehe at wala pa akong alam tunkol jan…
              aadios mga kapatid..!!

  2. sows says:

    second base! hmm, basa! ^_^

  3. Noong 1954, si Hugh Everett III galing sa Princeton University came up with a radical idea: That there exist parallel universes, exactly like our ­universe!!! Ang universes na ito ay related lahat sa atin:they branch off from ours, and our universe is branched off of others. Sa mga parallel universes na ito, our wars have had different outcomes than the ones we know. Species that are extinct in our universe have evolved and adapted in others. In other universes, we humans may have become extinct. kakatakot ano?

    so, ax kung ikaw ay nag-i-exist sa ibang parallel world, maraming possibilities, maaring nag-evolve ka, maaring nagdeteriorate ka o kaya (worse comes to worse) kasama ka na doon sa extinct. maaaring ako ay hindi tao, hindi rin hayop. nyehahahahahha.

    wala akong makitang exact comment from the simbahan about multiple universes (but i hope there is, di ko lang siguro na-know).

    but from own point of view this is problematic, dahil kung may mga parallel universes, then technically maaaring si Kristo ay di namatay doon…

    at mahabang debate na naman yan ax…

    • Aina ♥ says:

      Wahaha, I have read this somewhere. Ang galing galing ng parallel worlds. Parang napupunta yung isip ko sa mundo ng mga what ifs. Ayun, naalala ko na. Sa Katekyo Hitman Reborn ko ito nabasa! Haha! Pero kung gaya ng sinasabi nyo Father, di namatay si Kristo, masaya po yun kasi nandito Siya. :) Pero di rin, kasi bumaba Siya rito para iligtas tayo right? *kamot ulo, nalito sa sariling argument*

      Wow. Existentialism. Mukhang masaya po yan ah. Makabili nga ng libro tungkol diyan. *winks* Gusto ko nang magkolehiyoooooo!

    • Ax says:

      The branching of time loops ng isang moment natin ngayon **like this one** ay nagbra branchout sa maaaring milyon milyon na pwedeng kaganapan na maaaring mangyari.

      Interpenetrating dimensions. Alternative realities. Quantum timelines.

      Kapag na-alter daw ng isang nilalang ang time and space, mababago na ang future nito. The splitting of atoms will change everything, save our modes of thinking, and thus what should have happened later will be different than when you left it in that timeframe. Baka hindi ka na nga makabalik sa totoong universe mo. Nakakatakot.

      Wala lang. Nabasa ko na ang book ng The Melancholy of Haruhi Suzumiya.. at yung ibang books noon. Puro ganitong klase ang pinag-uusapan nila. Tapos manonood ako ng Heroes.. Tapos manonood ako ng animes.. Puro ganitong topic na lang ang nagbri breed sa utak ko. Haha.

      • Aina ♥ says:

        LOL, I also watch Haruhi Suzumiya. Haha, tuwang tuwa ako sa mga kalokohan ni Haruhi Suzumiya at ng sunud-sunurang si Kyon. :D Sabi nga nila, kahit isang pagbabago lang sa isang event- be it a change in the flap of the wings of the butterfly or something huge, malaki talaga ang mababago. Hehe. Chaos theory. Sorry, sabog sabog utak ko. :))))

        • Ax says:

          Haha. Oks lang. Bago dumating ang anime, nabasa ko na ang books ni Haruhi. Sorry to say, pero hindi ako nagandahan sa anime. Haha. Actually, maganda pa rin naman. Siguro mas powerful lang yung books dahil ang kalaban ng animation ay ang komplikadong imagination ng tao. Yawts. Pero gusto ko yung pagkakainterpret kay Kyon sa anime! Meron din yang live action.

          At paborito ko si Nagato Yuki at ang kanyang madalas sabihin:

          “That is a concept that cannot be conveyed in speech, so you wouldn’t understand even if I explained it.”

          • Aina ♥ says:

            Talaga po? Naku, mabasa na nga. Hehe. Dami kasing nakapilang anime pati manga eh, nariyan pa ang school works. Gustung-gusto ko si Nagato rin! Haha! Nakakatuwa siya. Si Mikuru medyo nakakainis eh. True enough, laging mas maganda ang libro kaysa anime/movie. Hehe.

            • Ax says:

              Uy, yung Inu Yasha nagsimula na! Awts, pinatay nila kaagad si Kagura! Waah.. Ano ano ba ang magandang anime? Nagbabasa ka rin ng manga? Soul Eater maganda rin, baka magustuhan mo.. Actually, kung gusto mo yung One Piece at Bleach, magugustuhan mo ang Soul Reaper!

              Haha, si Mikuru gusto ng classmate ko! Yawts! Kyo–Kyooon!

            • Aina ♥ says:

              Go Inu Yasha! Nakakahiya mang aminin pero di pa ako nakakapanuod kahit isang episode ng Inu Yasha at Naruto. Yes, I’m lame like that. Hahaha.

              Soul Eater, type ko. Ang cute ng characters tapos medyo-Bleach like nga po. Wahaha. Ang sinusubaybayan ko pong manga at the moment eh Katekyo Hitman Reborn (pati anime) tapos Bakuman. Hectic po kasi ang school eh. Errr.

              Talaga po? Hahaha! Kasi minsan naiinis ako sa pagiging naive nya eh. Hehe. :D Ang tuwang tuwa ako, kay Kyon. Ang funny ng mga pinagsasasabi nya. :D

  4. Livingstain says:

    overused ang HARDCORER…. i love it….

    apir… magkakasundo toyo sa mga ganyan mong panulat…

  5. biohazard says:

    4th base.. Basa mode…

  6. CjOyz says:

    nakalimutan ko kung ano group ko nun… grr..hahaha i dont even remember kung sino mga ka group ko… i remember the idea but cant remember the details..hhahahaa

  7. boypulubi says:

    ?!£$%&’

    nahilo ako sa mga comments niyo dito :)

    Nag google pa ako, ito ang nakita ko:

    A philosophy which gives priority to human existence, that is to say, subjective experience of the world, rather than to abstract or ‘objective’ structures or essences. It views human existence as radically different in nature from the existence of the physical world, in so far as men and women are free to make of themselves the kind of people they want to be and, to some extent, to make for themselves the kind of world they want to live in. This freedom entails concomitant responsibilities; it is not freedom in a void, for each person’s freedom comes into contact and possible conflict with that of everyone else. Our ‘being-in-the-world’ is bound up with our ‘being-with-others’, and in this sense Existentialism has an overriding moral dimension, even if it eschews any notion of moral rules or absolutes. In fact, Existentialists usually espouse a situational ethics, in which the consequences of a particular act in particular social and historical circumstances take priority over absolute ethical norms. This is quite contrary to any view of a ‘moral law’ (e.g. Kant’s), but not necessarily radically incompatible with a certain kind of liberal Christianity. Indeed, the first Existentialist is generally considered to be the 19th-c. Danish theologian, Søren Kierkegaard, who set out to defend subjective experience against the totalization and objectivization of the Hegelian system.

  8. Aina ♥ says:

    Wahoo. Ang saya ng latest nyong post. Simula nung mabasa ko yung Katekyo Hitman Reborn at ang parallel worlds, medyo napaisip rin po ako ng ganyan eh. Hehe. Pero di kasing deep ng inyo. Naiisip rin po pala ng tao itong mga ganito. Parang ang saya ng Lit ah. Ibang iba sa Lit ng high school. Super taas naman po ng level ng pag-iisip nyo. Ma-problema nga po yan bago ako matulog maya-maya. :p

    • Ax says:

      Haha, mas maganda kung yung mga ganyang iniisip mo sinusulat mo! Yay. Tapos i-blog mo! Paduguin mo yung utak ng mga readers mo.. katulad ng post ni Alvin Stain. Wahaha.

      Ay teka, paano ba magcomment sa blog mo?

  9. timangkey says:

    basta walang nag eexist.

    lahat ideas lang.

    ang mundo, ang pilipinas, ang manila, ang mesa, ang laptop, ang blogs, ang comment na ito
    hindi totoo. =P

  10. mr. nonsense says:

    haha…nahawa na kayo ni ax sa mga kalokohan nya! pwede ba hardcore na lang ang pag-usapan? as opposed to softcore?

    • Ax says:

      haha. masyadong used ang word na hardcore sa isang larangan.. pero sinearch ko pa rin ang meaning, okay naman ang kinalabasan! tadah!

  11. mr. nonsense says:

    ax, pwede kang gumawa ng sarili mong pelikulang tulad ng narnia or pan’s labrynth. sama si jaime sa adventures mo. pagbalit mo eh ikaw na yung prodigal son ko.

    • Ax says:

      Talaga? Ako na yung prodigal son mo? Baka naman Kamote na ang pangalan ko nun at Kyu na ang iyong Surname! I don’t want. I don’t want. Palayasin mo na lang si Father Fiel, pilitin mo siya tapos bigyan mo lang ng P75.00 para makabalik bago mag dinner! (Ay, joke lang.)

  12. taympers says:

    wala akong masabi sa yo.hardcore ka talaga mag-isip.

  13. jason says:

    huli na kagad ako ax! watda!!!!

  14. jason says:

    ganunn edi

    special group yan = special mention

    edi inggget mga clssmates nyo sa group nyo hehe.

    teka ikaw leader ng group ax?

  15. ODDBLOOD says:

    waw..parang sa mga comments pa lang ang dami ko nang natutunan.. :D

  16. Joyo says:

    kung class mate mo kaya ako ng mga panahong iyon san kaya ako belong? what you think? :P

    • Ax says:

      Oo, malamang Existentialism Group ka rin mapupunta. Ang gagawin lang natin ay mag-exist hanggang maging non-existent na tayo. Ayun, hanggang mamatay pinanindigan natin na nag-e exist tayo! Angst grabe. Sobrang angst ng tanong mo at sagot ko.

  17. J.Kulisap says:

    Ayaw ko nang magtaka, sadya ka lang talagang baliw Ax. Maaring normal sa iba pero hindi normal sayo o baliktad man.

    Teka, apo ano na nga ‘yong Hardcore..kakatapos ko lang sa tadah.

    Babalik..nakaw oras..sori

  18. bluguy says:

    aysss naman nosebleed ako dun sa mga explanations on existentialism…ang gagaling nAman…nangunguna na ang kapitagpitagang fr. fiel!…
    ako kaya…well….existentilist din ang view ko ng buhay…kailangan kasi ang human grounding..bago pa man maiangat sa transcendental level….

    • Ax says:

      transcend. profound masyado Kuya Blu. naniniwala nga ako na existentialist ka Kuya Blu, pero on what under existentialist ka? siguro nandun ka kay Kirk. Hindi ko lang sure, pero ikaw yung taong.. er, wag na! haha.

      well, you are probably a different person five years ago! (maisingit lang. di pa rin ako makamove on! haha.)

  19. PM says:

    talented ka pala ax. pero mas bibilib ako kung kumakain ka din ng bubog. LOL

  20. LEI says:

    teka teka ang dami mong fans kuya ax

    ako nga hndi umaabot ng 50 comments ang konti ng nagbabasa hehe

    congrats ulet sa saranggola award hehe

    • Ax says:

      haha, wala lang yan! kami kami lang din ang nag-uusap! tadah! sows, kulang lang sa advertisement yung blog mo! Hehe. pag nabasa na nila yan, di na nila maiiwanan yan!

  21. otep says:

    magandang umaga :)

  22. eli says:

    di maarok ng utak ni busyok to. teka hihingi ako ng tulong kay kapitan pinoy.hehe

  23. jun-g says:

    hanep! existentialism! parang mga pilosopo na mga pinag-aaralan ko ngayon.

    kakabilib naman ng titser mo!… ako kaya saang grupo kaya ako? gusto ko rin mabilang sa grupo nyo… hehehe…

    back to existentialism… mga existentialists… laging tanong nila. sino ako? sino ako? sino ba talaga ako? malalim na katanungan. malalim din ang mga kasagutan.

    aus!

    • Ax says:

      Aw, for sure nasa Existentialism ka rin kuya Jun-G! Oo nga, siguro mas hardcore pa sa ganito yung topic niyo ngayown! Kamusta po ang buhay seminarista?

  24. Livingstain says:

    hinahanap ko yung comment ko bakit wala… nakakaasar… (binura siguro)

  25. bipolarsisa says:

    haha. astig! kung nandun ako sa klase nyo, may mabubuong bagong group, ‘ang mga walang talent.’ waha.

    existentialism. rereview muna ako ng philo notes ko. hehe. yung favorite kong psychologist, si Frankl, existentialist sya. wala lang.

    • Ax says:

      Haha, basta blanko siguro yung papel na pinasa mo Ate Bipolar. Actually, hindi lang basta talent ang ilalagay dun.. meron pang percentages. Parang ganito:

      Mag-imagine: 3%
      Uminom ng 11 basong tubig araw araw: 1%
      Lumipad gamit ang isip: 5%
      Kausapin ang halaman: 3%
      Malaman ang iniisip ng kausap: 8%

      Dapat total niyan 100%. Tapos ia-assess ng prof namin! Depende sa talent at depended sa percentages ang inilalagay!

  26. taribong says:

    Hardcore ito Ax. Madaming mapupulot na aralin. Hebigats ang balitaktakan sa itaas. Babalikan ko para himayin ang mga ito (aba, gusto ko rin yatang matuto maski konti lang, para maging mapanganib hehehehe). Ayosss….
    (Wala kasi akong matandaang Philosophy subject, maging sa college… Yung Western Thoughts siguro, pero walang pumasok sa akin, lumilipad parati ang isipan eh…)
    Salamat

    • Ax says:

      Salamat Taribong! Haha, nawi wirduhan na nga ang mga tao sa akin bakit ganyang topic pa ang isinusulat ko! Okay lang, kahit anong komento swak dito! Kahit deep thought, profound idea, o simpleng banat okay lang dito sa Ax Realms!

      • taribong says:

        Hehehe hindi lang siguro nila kayang sumabay sa iyo. Pabayaan mo lang, alam mo kung ano ang tama, yun ang mahalaga. Si Galileo nga, kinawawa ng simbahan, hanggang ikinamatay na niya ang kanyang mga pananaw sa mundo; pagkalipas ng 350 years, nag-sorry ang simbahan sa kanya at sinabing korek pala siya.

        “If a man does not keep pace with his companions, perhaps it is because he hears a different drummer. Let him step to the music which he hears, however measured or far away.”
        -Henry David Thoreau

        Magsulat ka lang, suportado kita. Salamat sa pagbabahagi ng iyong kaisipan.

  27. TSI says:

    Hardcore? iba nasa isip ko awts!!!

    Hi ax.

  28. jason says:

    Kahapn puro usapang hardcore!!

    at nabundat ata ako sa apat na pizza. Hardcore yun!

  29. J.Kulisap says:

    Ito na ang paliwanag ko.

    Kung walang pisikal na ugnayan, pwedeng hindi ka nag-eexist sa totoong daloy ng buhay.

    Sa mundo ng pagsusulat at pagbubuhos ng mga nasa isip ay bahagi lamang ng iyong imahinasyon. Sa mga salita ay pwede mong gawang ng iba’t ibang karakter ang lahat ng letra magiging salita o pangungusap man.

    Nasa direktor kung nais niyang palutangin ang totoong siya o itatago niya sa karakter ng iba.

  30. tsenn' says:

    ASTIG! hahaha. hahaha. natatawa pa rin ako. hahaha.

    bentang-benta sa’ken. hahaha! :D

  31. blu.sparks says:

    sa tingin ko meron ding ako na nag eexist sa parallel world, at isa akong csi agent..yohoo!
    i think magkapitbahay tayo sa world na yun..la lang..hehehe

    gandang gabi po!

  32. Brown says:

    Very interesting and amusing subject. I read with great pleasure.

  33. bluguy says:

    wow…..ang super haba na ng usaping ito….parang ayaw ko ng mag-exist…ayan oh …nosebleed na ako…..

  34. jason says:

    Magandang Umaga!!

    Weeeeeeeeeeeeee

    (eto rin yung text ko kanina)

  35. yhen says:

    hi ax, ang haba na ng thread…

    di ko alam san pa ako papasok…

    hehe…

    kaloka…

    dami talaga bisita araw araw…

    yngat lagi… godbless!

  36. brother,we are unique by our own “lenses”…we are so much condition by the world…in quantum domain by are nothing…

  37. lio loco says:

    eh ako kaya, sang group mapupunta? parang gusto kong subukan ang human rights group. eto ung grupo ng mga babaeng hubo’t hubad na pechay lang ang saplot di ba? wahahahaha!

    • Ax says:

      haha. athletic group? political group? lul, existentialism ka rin!

      o kung gusto mo talaga sa human rights, dun ka ipupunta ng mabait na prof na yun!

  38. Kurog says:

    Ambot sa emo! Pang-matalino lang talaga tong blog na to! Ahahaha….

  39. Kurog says:

    Teka lang… Does Alice Bailey have anything to do with Existentialism? Of all her 26 (known-to-me) books kasi, wala pa akong nabasa… Ehehehe… Pero parang may mga content about Quantum Consciousness and everything… Ehe…

    Medyo hesitant ako umpisahan basahin ang books niya, though very much interested ako kasi, yung isa sa mga “mentors” ko, more than 20 years nya na binabasa yung mga books, di nya pa rin maintindihan masyado at di pa rin niya natatapos… Ehehehe…

    • Ax says:

      Hindi ko kilala si Alice Bailey. Seriously, di ko talaga siya kilala. Anong era ba siya nabuhay?.. at anong era ba niya ginawa yung mga books niya? Baka sikat siya at tinatamad akong i-search siya kay Google. Hehe. Mahirap naman talaga intindihan ang concepts at ibang ideas ng mga tao.. Lalo na kung ikaw si Kurog. Wahaha. Joke lang. Pero mahirap talaga. Minsan akala mo you have fully grasp the thoughts, yun pala hindi pa pala.

      • Kurog says:

        May ganun talaga, Kuya Ax? Ahahaha… E Kung sinasapak kita diyan? Joke!

        Ou nga… Kaya ayokong nagpupunta dito sa blog mo eh… Namumulikat yung utak ko sa pag-iisip ng iko-comment ko! Ehehehe…

  40. Domino says:

    Hmm… I read blogs on a similar topic, but i never visited your blog. I added it to favorites and i’ll be your constant reader. Stalker.. hm.. I never have much experience on them.

  41. Rocky Garcia says:

    Great article man! There are so many exciting things waiting for you to be discovered in the existentialist’s world. Philosophy rules! :-)

    • Ax says:

      Philosophy rules! I wonder if existing is just enough.. or I have to prove I am really worth existing. :)

      Aw, Kuya Rock salamat sa pagba-back read! Kapag marami akong time, back read din ako to your blog!

  42. whitepaige says:

    salamat po sa pagbisita sa blog ko and thanks po sa comment i really appreciate it…btw nilink po kita sa blog ko pra mka update po ako sa mga new post mo..hihih

  43. tnx ax sa comment sa blog ko… alam u napapansin ko ang weird ng mga topics mo… maganda yan para kakaiba…

  44. ponce says:

    hindi lahat ng nag exist alam ng tao, at higit sa lahat hindi lang ang tao ang makakaalam na may nag exist. anyway, thank for the message na talagang makakapagbigay ng malalim na paliwanag tungkol sa “pagmemeron” ng tao sa mundong kanyang ginagalawan..

  45. ponce says:

    i hope fr. na mapalawak ko pa ang pagpapaliwanag ko ng “pagmemeron ng tao” ang tao lang talaga angmakapagsasabi at nakaka contemplate na nag”exist”….wala ng iba pa… it is because man endowed with freedom…na

  46. ponce says:

    i send mo na lang sa email ko fr…. ha kung may gusto ka pang iparating sa akin…. i have questio, “why we only realize the value of something kung mawala na sa atin?”

Leave a Reply

Powered by sweet Captcha