Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
Ang Paglalakad sa Pagitan ng Hatinggabi at Madaling Araw sa Madilim at Mahabang Kalye

Pumara ako at patalon na bumaba ng jeep.

Humarap ako sa madilim at infinite na kalye ng Biyoleta–kailangan ko na namang lakarin ang walang katapusan na eskinitang ‘to sa disoras ng gabi at lagpasan ang isang higanteng puno. Malaking puno na dinisenyuhan ng umaapaw na dahon, mahahabang sanga, at pinamamahayan ng mga kalapati slash paniki. Isang puno na nauna pang iniluwal ng lupa bago pa man ako ipinanganak. 

Habang naglalakad ay lagi na lang akong napapatigil sa harap ng puno.  Gayunpaman, kailangan kong pigilin ang sarili na usisain ang kung anong mayroon sa tuktok nito. O sa kinatitirikan nito. O sa mga sanga nito.

Madalas ay nililibang ko na lang ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtitig sa malawak na kalawakan habang naglalakad–iisipin ko na lang yung mga kwento ng uncle ko kung paano gagamutin ang isang giraffe na may stiff neck, o kung paanong patitigilin ang runny nose ng isang elepante, o ang sumasakit na tiyan ng ahas. Pero sa tuwing nililibang ko ang sarili sa kung anu-anong ideya eh bigla na lang hahangin ng malakas at magliliparan ang mga kalapati slash paniki mula sa sanga ng malaking puno. Kasabay nang paglipad ng mga nilalang na’to ay ang pagtakip ng bulto-bultong ulap sa kabilugan ng buwan. At sa tuwing ganito ang senaryo, ang tanging pinagkukuhaan ko na lamang ng lakas para makapaglakad papalayo ay ang poste ng ilaw na sampung metro ang layo sa akin. Bubuwelo ako para makatakbo at sasabayan ng aking mga paa ang dumadagundong na tibok ng puso ko.

Kapag nakalayo na ay muli kong nililingon ang pinagmumulan ng aking katatakutan. Uusisain ko kung nakadikit pa rin sa akin ang aking anino, pagmamasdan ang puno kung umalis ba ito sa kinatitirikan nito, at susulyapan ang langit kung naging dalawa ba ang buwan. Sinusuri kong mabuti kung naging kulay itim at puti ba ang kulay ng buong cosmos.

Pero malulungkot ako dahil walang nagbago sa mundo.

At gaya ng dati, magpapatuloy ako sa paglalakad at mararating ang tapat ng bahay namin. Mapapasulyap muli sa aking likuran at pagmamasdan ang tinahak kong infinitesimal eskinita at mapagtatanto na tahimik pa rin ang kalsada at tanging ihip ng hangin lamang ang pabalik-balik na dumaraan dito. Ang mga kalapati slash paniki na padaop-daop sa malaking puno ay nagmimistulang gamu-gamo sa mga umaapoy na sanga at patuloy pa rin sa paglalaro ng tagu-taguan ang mga anino at liwanag na ibinubuga ng patay-sinding ilaw ng poste.

Maiisip ko na lang, kailan kaya ako magkakaroon ng stalker para maging exciting naman ang buhay ko sa tuwing maglalakad ako, sa pagitan ng hatinggabi at madaling araw, dito sa madilim at mahabang kalye? 

182 Comments to “Ang Paglalakad sa Pagitan ng Hatinggabi at Madaling Araw sa Madilim at Mahabang Kalye”

    • CjOyz says:

      stalker pala ang gusto… ang dami dami pang sinabi..hahaha kala mo naman sa kagubatan nakatira..hahaha

      • Ax says:

        hindi lang naman stalker. gusto ko rin ng lamborghini at saka superfastest laptop at saka maraming maraming pera.

        aminin mo, lagi tayong sabay umuwi nung college.. gustong gusto natin ng adventure nown! haha.

        • CjOyz says:

          korek… lalo na pag umiikot kung san san un jeep kasi traffic..hehehe

          one time nabangga un jeep na sinasakyan namin ni kit, (di ka namin kasabay nun, cant remember y), binalik un pamasahe namin. ginawa namin nilakad namin mula lourdes till kalentong para slashed na un pamasahe..hehehe

          kuripot mode pa tau noon…hehehe

          • Ax says:

            Aynakow, kasabay ko naman si Aieph non.. humiwalay yung kaluluwa sa katawang mortal namin nung ipara ng mamang driver yung jeep. lintik, akala namin nasa Pangasinan na kami. Nakita ko nga yung katawan ko humiwalay talaga. buti na lang naibalik namin ang sari-sarili naming espiritu sa katawan namin. whew.

            • CjOyz says:

              nakakatuwa un mga karanasan natin sa jeep habang pauwe galing sa school… lalong lalo na un mga kwentuhan natin, mga tsismisan…. nakakainis lang pag malapit na kong bumaba, lage na lang ako inilalampas ng driver… college life, ka-miss…

            • Ax says:

              ikaw ang unang bumababa.. si kit ang pinakahuli.

              para sa mga taga cubao ang ruta, boring sila kasama. wahaha. puro landian ang nagaganap pag pa-cubao..

              pagpa-boni, puro intellectual ang usapan. haha.

              pagpa-sta. ana, wala lang. mag-isa lang.

            • sharmaine says:

              hehe.. hi la bears…
              sa kwentong to ang naaalala ko ung one time na pauwio ako from moa eh biglang humangiin ung puno malapit sa babaan ng jeep sa may tapat ng papasok sa street namin biglang sumalpok sakin ung dahon natakot ako tpos kala ko me humahabol sakin nagtatakbo ako paglingon ko hehe….. aso lng pala…

  1. lio loco says:

    alam mo ang naisip ko sa post na ‘to? ung kwento ng lola ko kung paanong ang malaking punong kagaya ng ikinwento mo eh yumuyukod at pagkatapos eh haharangan ang kung sinumang nilalang na magtatangkang dumaan sa kailaliman ng gabi.

    spooky.

    • Ax says:

      at ang tanging dala mo lamang ay lighter sa kanang kamay at sigarilyo sa kaliwa.. at may mga mababait na puno na tatanungin ka ng isang bugtong slash profound answer na tanging mga engkantado at si Edward Cullen lang ang may alam ng kasagutan at kung hindi mo man ito masagot, aangkinin ng mahiwagang puno ang buhay mo.. pero sadyang maswerte ka at kampi sa iyo ang tadhana.

      at malalaman mo ang sagot sa huling sandali.

      ngunit pagdating mo sa bahay niyo, nakalimutan mo na kung ano ang nangyari at wala ni isang alaala ang sumiksik sa iyong kahuwisyuhan.

      hay buhay. pakernut.

  2. lio loco says:

    tungkol sa pagkagusto mo sa stalker. idodonate ko na lang ‘yung akin. haha.

  3. Joyo says:

    aba aba teka nga at bakit kung hindi hatinggabi… madaling araw k umuuwi? uwi b yan ng matinong lalake? *nakapamewang*

  4. Joyo says:

    ilan nga pa lang stalker ang gusto mo? magpapadala ako ng goons ko, via blutut! :P

    • Ax says:

      Kahit isa lang. Ang gusto kong qualification ng isang stalker ay:

      1) Kayang sundan ang aking ‘mind’ saanmang lupalop ako ng universe pumunta.
      2) Mananatiling stalker ko kahit mapunta pa ako sa purgatoryo.
      3) At yung stalker na kahit sa panaginip ko, sinusundan pa rin ako!

      Simpleng simple!

  5. Joyo says:

    amp! galaxy pala… mygad! wrongspellingwrong!

  6. Aina ♥ says:

    Nakakatakot magkaron ng stalker. Promise. Haha.

    Pag gabi na (e.g. 11:30 pm) takot na takot na po ako lumakad kasi madilim sa amin tapos ganun na nga, puro puno rin. Urk. Pag nanunuod kami ng horror movies ng kaklase ko tapos medyo ginabi ng uwi, grabe tinatakbo ko po yung daan papunta sa amin habang kumakanta ng mahina. Wahaha.

    • Ax says:

      Tinatakbo mo yung daan habang kumakanta ng mahina.. Bakit di ka sumayaw? Yawts. Haha, nakakatakot nga magkaroon ng stalker.

      Pero yung iba, thrill sa kanila yung ganoong experience.

      Aw, may oras talaga yung ‘pag gabi na’ ha.

      • Aina ♥ says:

        ROFL, talagang may ganun. Haha. Takot na takot po kaya ako pag ginagabi tapos kakanuod lang ng mga horror films. :& Super.

        Kasama ka po dun sa iba? Hehe. :D Dati kasi ang chaka ng stalker ko eh. Buti sana kung may itsura, kaya lang wala eh. So wala po talagang thrill. :))))))

        Syempre. Hehe. Kasi po baka mamaya ibang ginagabi ang gabing nasa isip nyo. (Ano raw? :D)

        • Ax says:

          Yawts! Ano bang klaseng suspense yang pinapanood mo? Yung mga demented ang characters? Nakow! Haha. Kasama ako dun sa iba! Para lang lagyan ng spice ang buhay ko!

          Dapat nga maganda ang physical attributes ng stalker mo para ganahan ka naman magpahanap! Yawts!

          Aba, may oras talaga ang ibig sabihin ng ‘gabi’ sa’yo ha! hehe. baka di naman horror ang pinapanood niyo sa movie marathon niyo. Yay.

          • Aina ♥ says:

            Yung suspense type of suspense. With the disturbing images of supernatural beings. Haha. Di ko pa naman thing ang horror. Wala lang. Para lang may magawa kami habang yung iba naka-laptop at PC. :D

            Haha. Yung stalker ko dati (thank goodness sa kabilang street na siya nagpapakaadik) mukhang yagit eh. At di siya nagpapalit ng damit. HAHA. :&

            Nilinaw ko lang! :D Horror tsaka chick flicks. Pag ako lang mag-isa, depende sa mood. :p I don’t watch those stuffs! Pero pag meron sa pinapanuod ko, okay lang. ROFL. Pag intense, fast forward. Haha. Talagang inexplain ko. Nandidiri kasi ako sa torrid kisses eh. :&

            • Ax says:

              Haha! Ganun ba? Sige, di ko na ii-insist yun! Yawts. Mas gusto ko panoorin ang kiddie animation, romantic-type flicks at fiction and the sorts. Gusto ko rin manood ng creepy movies. Haha. Yung brainsick characters at hardcore sa kawirduhan na mga palabas. Gusto ko yung mga indie films hindi lang ng Pinoys, magana rin ang indie ng Asian countries at European.

              Tadah!

            • Aina ♥ says:

              LOL, ganyan rin po kadalasan ang pinapanuod ko eh. Tapos pag gusto ko umiyak at magtanggal ng stress, Korean films naman ang pinapanuod ko. Hehe. :D Mahilig ako sa mga psycho characters, yung mga may problema sa utak. :)))))) Indie films, di ko pa po natatry. :D

            • Ax says:

              sabi ko na nga ba di lang suspense/horror ang pinapanood mo.. mas may exotic pa! Biruin mo yan, fourth year high school ka palang pero nanonood ka na ng.. stimulating.. er, i mean brain-stimulating movies.

  7. stain says:

    stalker pala ang trip mo ngayon,,, ihahahanap kita ng bayarang stalker,,,, uso na un,…

    bakit gising pa ako? kasi po yung mga pusang gala sa paligid ang iingay nila, inaaya ba naman ako, goupe sex daw kaming lahat… sabi ko wait lang kasi busy pa ako sa farming…

  8. roomboy says:

    natawa naman ako sa ending mo, akala ko minumulto ka na, nun pala naghahanap ka ng taong mumulto sayo… hahahaha… sana lahat pwdi nating hilingin no at matutupad agad…

    sana samahan mo po ako sa pagsisimula ko bilang isang baguhang blogista…

    salamat

    • Ax says:

      Yawts. Salamat. Yun lang, hindi natin makukuha lahat ng hilingin natin.

      Minsan kailangan natin humanap ng paraan para matupad to.. kaya sa lahat ng stalkers, hinahamon ko kayo.

      Yay.

      • romeo says:

        lagot ka aabangan ka na nila palagi.. sana lang magaganda ang maging stalkers mo… yaan mo bibigyan kita ng isa kong friend

        • Ax says:

          haha. hindi wag na! meron na talaga akong stalker! aw.

          • romeo says:

            ang bilis naman, dahil siguro yan s maynakabasa na sa blog mo na ito, sana lagi kang magiingat dahil hindi naman mababait ang lahat ng stalker…

            • Ax says:

              haha, hindi naman.. actually, maraming lapses sa sinusulat ko sa nangyayari sa totoong buhay ko.. tulad niyan. hindi naman yan recently lang. argh. wala lang.

            • romeo says:

              andami mo namang comments, sikat ka na pala. kasi youre so friendly, hindi mo naman ako kilala pero lagi kang bumabalik sa blog ko… yun ba ang sikreto?

            • Ax says:

              Unti lang talaga ang bina-balikbalikan ko. Hindi ako sikat, kung ang basehan ng kasikatan ay dami ng komento, eh, iilang tao lang naman ang nagco commment dito sa Ax Realm. Unti lang din ang pinupuntahan kong kuta. Pero pag binalikan ko, halos araw araw. I am not into quantity, I am into quality rin.

              Katulad ni Jason Hamster, binabasa ko talaga ang artic ng mga bloggers.. Atsaka katulad ni Kuya Mark, all out ang isang comment sa isang artic. Parang blog entry na rin! Moreover, dapat eh mabait ka sa mga kablog mo tulad ni Father Fiel! At the same time.. Dapat parang ikaw din si Mr. Nonsense, nang-aaway ka rin dapat ng mga inaampon mo! Tadah!

              Suplado nga ako sa lagay kong to eh!

            • jason says:

              huwaw naman ax!!

              HUWAW!

  9. kikayness says:

    naghahanap din ako ng stalker…baka may kakilala ka nyahahahaha

  10. bluguy says:

    sandali….sandali…..sandali lang …hanep to ah…di ko mahulaan kahit andami nang nagcomment…
    malawak nga ang naabot ng ating isipan…pwedeng palabasin ang dapat di lumabas….kagaya lang ng blu wind…hehehehe at talagang nag plug pa ng post hehehehehehe

    • Ax says:

      Haha. Oks lang Kuya Blu, kase nag plug din ako sa bago mong article ng artic ko! Yay.

      Maraming lumalabas na kakaiba ngayong panahon na ito. Uso yata.

  11. rico says:

    hahaha gusto mo tlg ng stalker ha hehehe..marami jan..hehehe

    • Ax says:

      Hehe. Parang gusto ko ng stalker pero not really a stalker. Haha, ang hirap palang ipaliwanag! If I have a choice, I hope my stalker could travel back and forth through time.. Hehe.

  12. sows says:

    alm mo hnd msaya..scary…wg mo ng pangarapin…

    one tym papakilala ko kau pra sau nlng xa…

    :lol:

    • Ax says:

      Hindi naman hardcore na engkanto yung hanap ko.. or not really a stalker in its literal form.. Pero ayoko na pala i-compound.

      • sows says:

        tigilan mo kc ang pag-uwi ng alanganing gabi at umaga. marami kang guni-guning pinapasok sa isip mo..o bka isang pangarap ito o bunga ng isang side ng iyong pagpi-feeling o pagbabalik sa kabataan?

  13. eli says:

    bakit ba kailangan mong maglakad sa ganyang oras?hehe..hayaan mo ihanap kita ng stalker. :-)


    ax..ano yong sinasabi mong kaadikan ha? hehe pansin mo din pala.

  14. dencios says:

    alam mo ako ax, kapag mag-isa ako tas lumilingon ako sa likod ko pagkatapos na lakadan, ibig sabihin nun ay malungkot ako. kasi may hinahanap ako literal man o hindi.

    baka kako malungkot ka…

    • Ax says:

      Hm, baka nga malungkot ako Kuya Dencio. Rawr. Not necessarily.. Aw, there’s just this thrill. Pero naniniwala nga ako na kaya ka lumilingon pagkatapos ng lakadan ay dahil meron kang hinahanap. I knew that feeling of searching something either ‘there should be’ or ‘is there is?’

  15. dencios says:

    with regards to multo,

    goodluck.

    with regards to stalker,

    goodluck din.

    naghahanap din ako ng mag iistok sa akin e haha

  16. lovely says:

    haha..dalang dala na ko dun sa hihinto ka para tingnan ang puno..
    biglang natawa sa stif neck ng giraffe runny nose ng epepante, at sakit ng tyan ng ahas hehe..loko ka..

    tapos bigla mong sasabihin na stalker lang hanap mo hehe..
    paano kung may kilala ako na nag iistalk sayo ng palihim hehe..
    ma curious ka kaya?
    lols

    • Ax says:

      Aynakow, yang kakilala mo ba yan yung magbibigay sa akin ng french fries! wahaha. siguro siya yung guest blogger mo no! awts, teka.. aw, bakit kase dotkom ka na, di ko na tuloy alam password ng blog mo! wahaha. joke lang!

  17. tsenn' says:

    bakit kaya ako nangingiti sa tuwing nababasa ko dito sa mundo mo ang salitang “hardcore”?? :]

    stalker. matuwa ka kaya kung ang taong ayaw na ayaw mong makita ang nagistalk pala sa ‘yo??

    at ano naman kaya ang gagawin mo kung bigla mong napansin na wala ka ng anino (sa tamang kadahilanan na may nageexist na liwanag)??

    Napansin mo bang tanong ako ng tanong? Ano ang problema ko? (stainless longganisa)

    • Ax says:

      Oo tsenn’, tanong ka ng tanong.. hindi ko alam kung yang mga katanungan mo ang tanging pumipigil sa iyo bago mo ako ipapatay.. kung ganon, di ko muna yan sasagutin! wahaha. una kong ginamit kay Jason ang salitang ‘hardcore.’ Tinext ko sa kanya kase may gusto akong sabihin sa kanya na exaggerated. Nung nabasa niya yan tumawa siya pero di niya alam nakatingin pala sa kanya yung Boss niya. (Hardcore, ang laging gumagamit niyan ay si Manix Abrera.) Ayun, simula noon ginagamit na namin yang ‘hardcore’ for any purposes! Tadah!

      Stalker, matutuwa ba ako kung yung taong ayaw na ayaw kong makita ang nagi-stalk sa akin? Hindi ko rin alam.. Hindi rin ako sigurado kung anong isasagot ko dyan. Basta ang alam ko, kailangan ko mag-iba ng daan every day. Dapat magpalit ako ng number every now and then. Ang alam ko, kailangan ko lagi mag invisible sa kahit anong internet chat platform. Kailangan kong magshift ng schedule ko every two weeks. Pagalingan na lang magtago.. at pagalingan na lang tumakbo. :)

      Ano ang gagawin ko kung nawala na ang anino ko kahit meron source of light.. Ano ba ang nawawala? Ang umbra, penumbra o antumbra ko? Haha. Madali lang yan, hahanapin ko ang anino ko.. kase sa akin yown.. kaya ibalik mo na!

      • tsenn' says:

        nakita ko pa lang ang haba ng sagot mo natakot na ko. hahaha. sabi ko, “yay.” :p

        comic artist si Manix Abrera? aww di ko maalala. hardcore! :)

        kung hindi mo alam, hindi ko rin po alam. at hindi ako masyadong naniniwala sa mga kataga sa ikalawang paragraph. pero pwede mo akong suhulan (ng choc-o).

        umbra, penumbra, antumbra. whatever cup size. wala po sa akin ang anino mo! totoo!aanhin ko pa ang anino mo e ako kaya ang alter ego mo. *wink* (paging mr. nonsense)

        • Ax says:

          Tumpak, comic artist si Manix. Siya ang author ng kikomachine series. Bibigyan kita ng Choc-O eh meron ka na sa sidebar mo nown!

          Yun nga eh, ikaw ang aking alter ego!.. kaya baka kinuha mo at hiniram mo lang. Pakibalik na please! Kailangan ko yun bago ako matulog! Waah!

          Sikat na sikat na si Daddy! Lagi namemention ang name sa mga comment section! Hehe. Nasaan na kaya si Prof. Nonsense?

          • tsenn' says:

            tatanggalin ko sa sidebar ko un choc-o tas bibigyan mo ko ng REAL choc-o?? deal?? :)

            ano kaya ang mangyayari sayo kung wala ang anino mo bago ka matulog. hmm. nagtatransform ka siguro, into a vampire? tama. vampire. teka, hindi ka naman marunong matulog di ba, alter ego? :p

            awts tama. uber sikat si mr. nonsense. ^^

  18. blu.sparks says:

    ang daan pauwi ay para lang isang adventure. di malaman kung may gustong dumukot sa yo o bigla na lamang mahuhulog sa isang balong malalim at babagsak sa isang interdimentional world na kung saan ikaw ang hari, habang naglalakad sa ikalaliman ng gabi.
    pero ito ay hindi mangyayari..dahil..dahil..dahil..basta!

    exciting pag may stalker..dali habulin mko..nyay!

    • Ax says:

      balon na malalim papunta sa ibang plane of existence. lugar kung saan ikaw ang tinuturing na pinakamakapangyarihan. iisipin mo na huwag na lamang bumalik sa iyong mundo.. pero mapapabalikwas ka dahil kahit kailan walang alien na dudukot sa iyo..

      at hindi iyon mangyayari.. dahil sabi mo nga.. “basta.” at sabi ko nga, “ayun!”

      • blu.sparks says:

        payag ka banag si madam auring maging stalker? mukhang alien naman yun eh..at parang science project ang mukha..peace madam! wheheh

        basta..basta..ayoko ng dugtungan pa.

      • blu.sparks says:

        payag ka bang si madam auring maging stalker? mukhang alien naman yun eh..at parang science project ang mukha..peace madam! wheheh

        basta..basta..ayoko ng dugtungan pa.

  19. emiLaySkie says:

    Stalker lang pala ang inaasam noh? Hahaha.. Ang kulit.

    Kakatakot maglakad sa gabi tapos may mga ganyang klase ng puno malapit sa bahay. Kahit wala naman tayong totoong nakikita eh ang bilis umandar ng imagination natin.

    Kahit wala kang stalker mag-ingat ka pa rin lagi ha? Mas maganda ng laging safe.

    • Ax says:

      Aw, oo naman ate Emilayskie. Ang laki na ng nagagastos ko sa mukha ko tapos madadapa lang ako kakatakbo sa stalker ko? Aw. Ingats din!

  20. jason says:

    sa susunod magdala ka ng self-defence para sa mga masasamang loob.

    mainam na magdala ng portable taser.

    • Ax says:

      Lagi nga akong may dalang 21 Guns When September Ends.. Alam mo na, baka yung araw na yun eh GreenDay para sa akin! Aw.

      • jason says:

        hahahha oo!

        greeenday

        payborit ko.

        kaso ayoko syang kantahin kapag may lyrics ako sa harapan. hahaha nakakadepress pala meaning ng mga kanta nila!!!

        • Ax says:

          honga, kaso magaganda talaga mga kanta nila!

          yung 21 Guns, sa Basketcase pala nakalagay! Yawts.

          • jason says:

            hahahahahaahaa

            hinde ko napansen!!

            teka

            oo mula pa sa Warning, Boulevard of broken dreams, holiday, american idiot, wake me up when september ends at hanggang ngayon!!!

            • Ax says:

              Aw, akala ko napansin mo! hehe. gandang ganda nga ako sa mga music nila! 30+ na ata ang mga ages nila.. hm, di ko lang sure.

  21. marx says:

    hehe.
    nice.kaw lang ata alam kong gustong magka stalker,.
    hmmm.
    ur from makati?
    ako rin eh.

    • Ax says:

      Yep. Baka nga nagkikita tayo sa kahabaan ng Ayala. Haha, ayaw mo bang magkaroon ng stalker? yung gentle lang, parang papatayin ka lang gabi gabi? ayaw mo ba? ha? ha?

      • marx says:

        malamang..unconcious tayo pero nagkita na pala tayo sa personal..you should be overwhelmed.hehe
        pwde rin..napaka gentle stalker naman yang pagkakatukoy mo..
        ako?kung magkakastalker?yung binabalatan ako gamit ang nailcutter bawat oras…yung tipong ilulubog muna niya sa alcohol tapos babaklasin ang skin mo.
        yun..yun ang gentle.walang ka thrill thrill.
        hahaha

  22. J.Kulisap says:

    Umaagos ang dugo mula sa bubong, pumatak sa isang nilalang na naglalakad sa eskinita,natikman niya ito, biglang nanlisik ang mga mata nang tumama ang malamlam na ilaw mula sa poste, nakakita siya ng pusang gala at agad na sinalakay, dinukot ang puso ng pusa at sinakmal, sa himpapawirin, pamasid masid naman ang isang dambuhalang asong lumilipad, anumang oras ay handa itong sumalakay at latlatin ang taong nanlilisik ang mata sa dilim.
    Ipinag-utos ni J.Kulisap sa mga ga-elepanteng mga lamok na nakawin ang mga dugong umaagos sa bubungan ng bahay. Ilang daang kalansay ang nakahandusay sa bubungan, umaalingasaw sa lansa, gumagapang ang uod mula sa mga naagnas na laman. May paniking nakadapo at tangay-tangay ang ari ng isang nilalang, nagpapakabusog.

    Biglang nagdilim ang ulap, may nagpapaulan ng ihi…Umiihi ang daga, sumilong ang nilalang sa eskinita….napansin niya ang mga nakadapak na daliri sa pader…mantsa ng mga natuyong dugo…

    Sino ang naunang sumalakay? Sinoooo.?!? Hwarrk..aghhh..unghhh. hindi pwedeng ang mantsa..hindi pwede.

    Hwarr..hwar…hikhik.

    Bakit ngayon lamang kayo dumating?!!? Ito lamang!?” Mushrooms lang ang alay ninyo sa akin??? Bakit sa encantadya kayo nagpunta.?!? Bakit hindi ninyo nadala ang buwan? Mga inutil…magsabalik kayo doon sa eskinita, isama ninyo dito sa aking lungga ang batang may dalang palakol…nais ko siyang makilala.

    Sumisilay na ang silahis ng araw..

    Hindi…hindi….Hwagggggggg…babalikan kita. Babalikan kita.

    Ang sarap ng hardcore na usok…trapik na naman.

  23. ODDBLOOD says:

    dati madalas ko maencounter ang ganitong tagpo, na parang may sumusunod sa’yo habang naglalakad ka sa dilim..it’s a thrill though..haha..madalas kasi ako maglakad dati sa isolated at madilim na daan papunta sa bahay namin, pero noong minsang muntik na akong mabagsakan ng buko (dahil lined ng buko trees ang daan) eh umiiwas na ako..naparanoid sa buko? hindi sa imaginary stalker o psychopath killer.. :D

    • Ax says:

      Aw. Mas nakakatakot nga ang buko sa kahit anong entity o human lifeform. Even me, lilipat ako ng ibang kontinente pag nangyari sa akin yan! Argh. Are you nuts? Argh.

      • ODDBLOOD says:

        nakamamatay kaya ag nabagsakan ng buko? sa mga comdey movie & cartoons kasi, it’s nothing but funny lang..tapos may malaking bukol..haha! newey, about sa stalker, mahirap ata ‘pag may ganun ka..katulad ni mama dati, may stalker na tricycle driver..lagi siya inaabangan..alam kung nasaan siya, at saan siya hihintayin..scary..be careful what you wish for AX..you just might get it..haha..nanakot? :D

        • Ax says:

          Aw, naniniwala ako sa’yo Maya. Kase nabalita na yan sa TV. At mamamatay ka nga pag nabagsakan ka ng buko, with gravity, weight at tatag ng ulo ng isang tao.. talagang mamamatay nga siya!

          Aw, i’ll be very careful.. sana walang makabasa ng post na yan na may tadah-tendency.

  24. Rocky Garcia says:

    Lol! That was so funny! Sana next time may stalker nang sumusunod sayo. Wag lang sana holdaper! :-)

  25. timangkey says:

    hahaha… gusto mo stalker?

    Makipagkaibigan ka sa mga mahilig magtsismis.

    Kris Aquino, perhaps?

    Dati sa La Union, madami din ako nadadaanan na ganyan. dumadaan pa kami sementeryo.hehehe

    Kakatakot.

    • Ax says:

      Ay! Oo, sa La Union maraming puno ng acacia! Bahay nga namin dun may acacia eh! Tinatakot pa ako ng kuya ko! Tapos sobrang dilim din don pag gabi na! Tapos maglalakad ka sa mahabang hi-way! Yay. Dati nagtakbuhan pa kami kase nanakot yung pinsan ko!

      Ninoy Aquino. The Filipino is worth dying for.
      Cory Aquino. The Filipino is worth living for.
      Kris Aquino. The Filipino is worth gossiping for.

  26. mr. nonsense says:

    hayaan mo. kapag nahusto na yung estrogeb tx eh magkaka-boobs ka rin—-at magkakaroon din ng followers…

  27. jason says:

    ako tuwing gabi, naglalakad din ako sa mahabang kalsada papunta sa amin, kasi nagtitipid ako ng 7pesos na pamasahe.
    Madilim, maraming traysikol, maraming aso. (yikes)

    pero ayos lang, may nagbabantay naman saken.

  28. romeo says:

    kailangan pala kahit hindi na ako nakikita ng marami ay mabait pa din ako. sige susubukan ko yun… hindi naman ako masama. hindi din ako suplado…

    • Ax says:

      Yep! Hindi naman sa dapat maging mabait! Di mo naman kailangan na maging mabait talaga.. yung totoo ka lang. Hehe.

      • romeo says:

        tama totoo ako sa sarili ko, pero kung nagtatago ako at ilong at bibig ko lang ang nakikita mo, masasabi mo bang totoo ang mga sinasabi ko? tiwala lang ang puhunan para sa malakas na relasyon.

        • Ax says:

          hm, yung totoo? hindi pa kita pinagkakatiwalaan. yun eh sa akin lang naman.

          • romeo says:

            mahirap makahanap ng magtitiwala sa mundo, ako hindi ko hinihimok ang mga nakapaligid sa akin para lang pagkatiwalaan ako, una hindi naman ako yayaman, kung respeto naman ang hinahanap ko alam ko magagain ko yun ng hindi ko kinanakilangan ng efort di ba.

  29. SHEA says:

    GUSTO mo ng STALKER? teka paalam ako sa hamster kung pede ikaw na lang i-stalk ko. BWAHAHAHHA..

    pd istalk kita tas bigay mo sakin wallet mo? ng hindi kita tinututukan? titigan lang kita. hahaha..

    may for hire na stalker if you want… ETO NO… 0928—29-7

  30. SHEA says:

    hmmm…marunong ka ba mag taekwando?
    may malaki ka bang payong?

    dapat pag inistalk kita wag ka lalaban ha?
    teka parang iba yun.. Hmmmm….

  31. arsean says:

    Bakit naman gusto mo magkaroon ng Stalker???hahaha

    Hala ka baka multo or Zombie na sumunod sayo the next time na maglakad ka ng hating-gabi..WHAHAHAHA (lakas lang ng tama!!)

  32. Shea says:

    Kahit isa lang. Ang gusto kong qualification ng isang stalker ay:

    1) Kayang sundan ang aking ‘mind’ saanmang lupalop ako ng universe pumunta.
    2) Mananatiling stalker ko kahit mapunta pa ako sa purgatoryo.
    3) At yung stalker na kahit sa panaginip ko, sinusundan pa rin ako!

    Simpleng simple!

    1.Parang mahirap para sa akin sundan ang “mind” mo. Depende kung green minded ka. hehehe
    2.Pede sa Impyerno na lang? Para mainit na mainit.. hehehe
    3. Sure, hanggang panaginip lang kasi yung orasyon na kaya kong gawin pag nags-stalk ako.
    Banggitin ang BUONG PANGALAN KO PATI MIDDLE NAME NG TATLONG BESES AT MAPAPANAGINIPAN MO AKO. PERO DEPENDE SA KUNG ANONG GUSTO mong Panaginip. Dapat naka specify rin. HAHAHAA…

    Peace

    • Ax says:

      Haha..

      Pwede ba langit na lang para malamig?
      Oh sige, bibigkasin ko yung name mo ng tatlong beses.. kailangan ba sa subconscious ko lang babanggitin o dapat verbally aloud? paano kung binanggit ko tapos nagkamali ako, uulitin ko ba ng tatlo pa o hindi na? pwede ba mauna ang surname? paano kung may kapangalan ka?

      mapapaniginipan kita.. kaso may ginagawa kang something…. wahaha.

      • shea says:

        hmmm, depende yun sayo. kasi kailangan isipin mo muna kung ano gusto mo mangyari sa panaginip mo. hahaha…

        langit? teka ilang langit ba?
        toinks…
        di pd magkamali, wala akong kapangalan, kahit igo google mo pa.. hehehe..
        dapat name, middle name, surname.. k?

        sabihin mo ng malakas mula rcbc, dapat marinig ko dito sa PASEO. bwahahaha…

  33. romeo says:

    ax alam mo ba nagulat ako kasi no 1 ako sa fastest growing blog sa wordpress… ansaya ko.

  34. flamindevil says:

    panaginip ba yan ax?hehe

    stalker? hay naku,be careful what you wish for.

    nandyan na sya..parating na…

  35. alkapon says:

    akala ko mag kukwento ka ng patungkol sa aswang o manananggal..he he he..

    huwag mong hamunin ang sarili mo na makaka enkwentro ka ng stalker.. me malupit na ganyan.. naka enkwentro ko na minsan.

    • Ax says:

      Oo nga, may mga walang patawad.. nakakatakot na kung tutuusin.. nakakasira na ng ulo.. pero nakakakuha sila ng kung anong kaligayan para sundan at malaman ang ginagawa ng taong puntirya nila.

      Ganyan talaga ang buhay.

  36. taga-bundok says:

    exciting naman yun… nais ko rin maranasan ang kanyang kaganapan.

  37. arsean says:

    marahay na aga Ax!!!

  38. livingstain says:

    magandang hapon.

  39. jason says:

    di pwedeng di ako dadaan d2.

    wahhhhh dami kong ginawa sa opis wahhhh

    wahhhh
    wahhh

    • Ax says:

      aw. toxic ka ba sa work ngayon? yawts! oks lang naman kahit wag ka dumaan dito! hehe.. pero syempre salamat, Jason! aw.

  40. Rocky Garcia says:

    I’ve just made a print of this post please check it out, it’s for you Ax!

  41. bipolarsisa says:

    wow. naging bahagi rin ng buhay ko ‘yan..ang paglalakad ng magisa sa kadiliman. minsan, nakakatakot. minsan, nakakatuwa. depende sa anong dahilan kung bakit ko ginagawa ‘yun.

    naalala ko yung sinabi sakin ng isang lalaki minsang naglalakad ako sa isang hindi kabisadong eskinita. ‘kapag naglalakad ka sa gabi, dapat sa kaliwang bahagi ka ng kalsada pumwesto. para mas madaling makita kung may paparating. para magkaron ka pa ng oras marecognize kung kaaway o kaibigan ba sya.’

    hindi ko alam kung may scientific explanation ba dun pero simula nun hanggang ngayon, ‘yon ang ginagawa ko. as if may stalker. haha.

    • Ax says:

      ow, i thought you should be on the right side.. but when the road is empty.. i do definitely walk in the middle. i have to.

      or else, some creatures from the sides might start showing.

  42. precious says:

    tigilan mo ang pagdodroga..
    ang rugby pandikit hindi pangsinghot…
    :lol:

  43. lhen says:

    naku ax parang lugar lang namin yang dinedeskryb mo eh… mapuno dito at pag tag ulan may maririnig kang boses baka na nanggagaling sa ilalim ng lupa….aakalain mong baka yun pala ay palaka pwera biro ax totoo yun….

    • Ax says:

      haha. sa La Union rin po maraming ganyan pati sa Baguio at sa Batangas. Marami rin pong puno at halos wala pong ilaw. at marami naman pong palaka doon sa isa ko pang probinsya, sa Isabela. Aw.. andami ko namang probinsya!

  44. romeo says:

    ax kumusta ka na… kumusta ang araw, pagod ba sa work, ingat ka palagi.. tsaka lahat ng bloggers.

    • Ax says:

      oks lang ako! ikaw? ayos naman.. eto, kakauwi ko lang kani-kanina.. tapos check ng comments tapos matutulog na rin!

  45. Aba, at nabanggit pala ako dun sa taas…
    Nagdadalawang isip ako dun sa mahabang comment… Mamaya ko na sasabihin kung bakit…

    Hmmm… naku, mahirap magkaroon ng stalker Ax… naranasan ko na yan, totoong ghost story ito… may sumunod sa aking hindi tao katulad natin noong minsang inihatid ko ang isang kaklase ko na nakatira sa subdivision na di kalayuan sa amin…

    Naririnig ko ang off-cadence ng tsinelas sa aking likuran…tumigil nang dumaan ako sa chapel, at ilang metro paglampas ko doon bumalik uli… walang katao tao ang daan… ayokong kong tumakbo… pero may konting takot akong nadama…

    Buti na lang malakas ang kutob ng aking ama… Hinintay ako sa crossing malapit sa bahay namin. At sinabi ko sa kanya na may sumusunod sa akin… Naramdaman daw nila ng mama ko kaya niyaa ako sinundo…..

    Pang undas ang kwento… hehehe…

    • Ax says:

      Oo naman kuya Mark! hindi namang hindi kita banggitin! Aw. Grabe, nakakatakot naman yan! Nakakainis ka! Haha. Matutulog na ako! Waah! Bakit siya tumigil nung dumaan ka sa chapel at nagpatuloy nung malampasan mo’to. Waah! Huwaw, ang galing naman ng mama at daddy mo! Aw!

      Pang To Dos Los Santos talaga yan!.. At as usual, di pa ako nakakasagot sa alam-mo-na!

  46. Allen says:

    Woot! nakabisita ulit ako! na-miss ko tong blog mo! hehe.

    sinasabi ko sayo, mahirap magkaroon ng stalker. (assuming lang ako =)) haha).

    Nga pala kuya, eto yung temporary link ng blog ko ha. http://allenyuarata.blogspot.com pakivisit. may announcement dun. hehe. ingat!

    • Ax says:

      haha. oo na, sige bukas pag may time pa ako ayusin na natin yang blog mo! pero siyempre si Allan ang magmamanipula.. oks, meron ka naman palang kopya ng dati mong blog.. madali na lang yan!

      ah, okay.. nabisita ko na nga ulit. papalitan ko na yung link mo papunta sa bago mong link.. yung allenyuonline ba yown? hehe. sige, sige! hehe. oks, oks!

  47. jun-g says:

    hanep naman sa kwento.

    pero AX, saan ka ba tong eskenita na dinadaan mo… pangarap ko kasing maging isang stalker…

    ;-)

    • Ax says:

      haha. dito lang po Kuya Jun-G! sasabihin ko sa yung schedule ko at yung way ko! text mo na lang ako kung dapat na ba akong tumakbo o sumigaw para maganda ang dating sa pelikula ng buhay ko! hehe.

  48. hahaha… astig…. kala ko kung ano na…

  49. bonistation says:

    haha nice article! ^^ talagang na imagine ko yung scene. ganda ng pagkakadeliver!!

  50. ROSE says:

    hello gud pm… im new with this website…comment lng po…

    stalker?….hehehe