Akso Rojas
Akso Rojas' realm of abstract sphere hyperspace
Ang Mga Araw na Bumisita si Dalamhati sa Lupa

Ang kasalanan mo lang ay umibig ka.
Ngunit ito ay hindi sapat para tawagin mo si Dalamhati.
Si Dalumhati na sa tingin mo ay magdudulot ng linaw sa iyong Tadhana.
Hindi nga naglaon ay dumating ang isang Dalamhati na bumaba sa kung saan.

pagkahulog ni dalamhati

At kay Dalamhati ka nga nakinig.
Inuulit-ulit mo ang lahat ng pangyayari habang…
Inuulit-ulit din ni Dalamhati ang bawat segundo ng bawat sandali na nasasaktan ka.
Gusto mo na may makausap, subalit hindi ka ba nagtataka kung bakit siya ang nakikinig sa’yo?

ang pakikipagkaibigan ni dalamhati

Ang nais mo ay mahanap ang kahulugan ng mga pangyayari.
Baka naman wala itong kahulugan? Na ang nangyari ay nangyari na.
Na hindi mo na kailangan si Dalamhati para sa mga bagay na ito?
O ano pa mang dahilan para paigtingin pa ang kanyang mananalagi sa iyong buhay?

ang pagkontrol ni dalamhati sa puso ng tao

Kung sa bagay, maaaring wala kang ideya.
Hindi mo alam kung ano ang nilalaman ng mga Tala ng Panaghoy.
Nasasaad sa mga titik nito ang lahat ng pighati at dusa.
Kaya huwag ka ng magulat kung si Dalamhati ay mag-aalok sa iyo.

Isinulat ni Dalamhati sa Iyong Puso ang Kadiliman

Na ang lahat ng iyong naibuhos at nailahad ay isusulat niya sa Tala ng Panaghoy.
Ang kanyang pangako na lagi siyang makikinig at ikaw ay sasamahan
Ay tila ba isang alok na ayaw mo ng palampasin.
Sino ba ang ayaw mapakinggan at gustong may makasama? Kaya pumayag ka.

ang muling pagbisita ni dalamhati sa puso ng tao

Sa huli, saka mo na lang malalaman na ang mga Tala ng Panaghoy ay nasa iyong puso.
Na ito ay iuukit sa marmol at babantayan ng mga buwitre na nagbubuga ng apoy.
Sa labas ng tarangkahan ay nag-aabang si Dalamhati.
Tila ba inaasahan kang babalik
at may idadagdag na tala.

Kinakain ni Dalamhati ang Bawat Galit at Hinagpis sa Iyong Puso

  • Digg
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google Bookmarks
  • co.mments
  • Fark
  • Live
  • MSN Reporter
  • MySpace
  • N4G
  • Reddit
  • RSS
  • Slashdot
  • Yahoo! Bookmarks
  • Blogosphere News
  • Current
  • eKudos
  • Ping.fm
  • Socialogs
  • BlogMemes Fr
  • Yahoo! Buzz
  • blogmarks
  • Identi.ca
  • Netvibes
  • Twitter
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr

133 Comments to “Ang Mga Araw na Bumisita si Dalamhati sa Lupa”

  1. Ax says:

    Para kay Kuya Bons ang base kong to!

    Para kay Otep ang post na’to. Para rin kay Jason at kay Stain na sinamahan ako sa oras na litong lito ako. Muntik na akong di makapagtrabaho sa opis kanina buti na lang to the rescue si Stain at si Jason.

    Para kay Lio at kay Kulisap. Bigyan niyo ako ng ferrous sulfate. Nawalan ako ng dugo sa inyo.

    Para kay Jayr at Amiah! Isunod natin ang dagat sa darating na Marso.

    • jayr.santos says:

      darating din tayo dyan sa Marso na yan. kumuha ka muna ng pasaporte. hindi ka makakarating ng Kota Kinabalu at Brunei kahit na ipagpilitan mo na meron kang ticket sa eroplano :D

      at syempre may rason ka kung bakit hindi pwede na ang title ay:

      Ang (Mga) Araw na Bumisita si Dalamhati sa Lupa

      • Ax says:

        Matapos kong isikreto na pupunta ako sa lugar na yan kasama ka, ipapangalandakan mo naman dito sa blog ko?! Awts.

        Okay, sabi ko gamitin mo si Wolf dahil ginamit mo siya sa huli mong comment, pero jayr pa rin ang ginamit mo. tsk.

      • Ax says:

        gusto ko sumama rin si Faux at si Sheryl.

        • shea says:

          wow, namiss ko magbasa ng blog… esp. yours…

          ang lalim kasi, ang hirap i-dig, pero nakakarelate naman ako.. toinks..

          hmmm,,

          astig ng photog mo… waaahhh..

          inggit si ako, gusto rin kita kuhanan ng ganyan.. pero gusto ko sa building talaga.. toinks..

          peace..

          dito na ako ulit…

        • shea says:

          malamang di ako yang sheryl na yan ha… hehehe

          assuming lang si ako..

    • bonistation says:

      hahah salamat at na ibase moko! sige may pasalubong ka saken pag uwi ko! yahuu malapit na! NEXT MONTH na!!!! GEB part2 dapat ^^

      ganda ng setting! at astig ng photoshoot pinakagusto ko ang unang picture!!

      syempre wala pading tatalo sa mga nasusulat! ang bigyang buhay si “dalamahati” napapabilib mo ko talaga sa mga sulat mo ax!!

      .. gamitin natin ang kakayahan ni dalamhati upang ang iba ay matuto at kapulutan ng aral at magsilbing gabay sa pagharap natin sa mga ibat ibang hamon ng buhay…

      • Ax says:

        Talaga. Kung ganon, lagi ka ng base sa artic ko! Hehe. Lapit ka ng umuwi! Yay. Anong carpet ba ang gusto mo?

        Salamat. Nahirapan akong tumalon. Ang daming kagag*han na kailangan kong gawin. Buti na lang magaling yung photog! Hehe.

        Si Dalamhati, kunyari ako daw yon. Pero hindi naman talaga ako nagdadalamhati. Tama ka kuya Boni. Tama na ang pagiging emo.

        Huwag na nating kaibiganin si Dalamhati. Pwedeng si Katatagan at Pag-asa na lang ang kausapin natin. Awts. Parang praning lang na nakikipag-usap sa mga damo.

    • jason says:

      salamat sa lahat ax.

    • Makikisingit… Parang hindi ko na kailangang magsulat ng madugong komento dito… The post speaks for itself… :)

      And again, two thumbs up for Jayr Santos… Very nice take on the first picture… :)

    • boypulubi says:

      Ang galing ni bons, naka-base :)

  2. Cjoyz says:

    ano prob ax?

  3. Mars / Kulot says:

    great photos you got here ax, those are professional ones

  4. lio loco says:

    may sapantaha akong alam ng tao kung ano ang makabubuti sa kaniyang pagal na kaluluwa at kung ano naman ang makasasama pa sa makamundo niyang laman. lamang ay kelangan niya pang namnamin ang kasiguruhang tama ang kaniyang gagawin mula sa ibang tao ring alam din kung ano ang makabubuti sa kaniya ring pagal na kaluluwa at kung ano naman ang makasasama pa sa kaniya ring makamundong laman.

    sapagkat ang buhay ay tayutay na walang hanggan at ang tao ay ang buwitreng paikot-ikot lang.

    p.s. tangina! asteeg ung unang piktyur! para lang nasa alapaap.

    • Ax says:

      ang buwitre ay magpapaikot ikot sa teritoryo na binansagang pinakadelikadong mundo. hahanapin nito ang tunay na kahulugan ng mga tayutay na nagnanaknak sa mga sugat nito.

      rak en rol ang unang piktyur di ba?! yay.

  5. mr. nonsense says:

    ang lalim naman….naalaalako tuloy na munti ko nang mabagsak yung florante at laura nung high school.
    nice pics. para kang humihithit ng kung ano sa 2nd pic

  6. topher says:

    nice pics AX. astig! PRO na PRO!

  7. arsean says:

    lubhang napakalalim ng pinaghuhugutang emosyon ng pagdadalamhati’t kasawian sa blog na toh…awts to highest and deepest level…you have to feel the pain…until it hurts no More..

    no doubt astig sa mga pics…galing galing..

  8. jason says:

    nakakaelibs naman ax ang ga kuha…

    sino ba potograper mo?
    a si jayr. pakilala mo naman saken
    ng magkaroon din ako ng mga astig na pics…

    teka bat naman si dalamhati….

    malalim ax.. malalim…
    yan ba ang nararamdaman mo
    sa bawat minutong lumilipas
    habang palapit na ng palapit ang
    oras ng paghuhukom?

    • Ax says:

      Si jayr ang photographer ko. Haha, sige papakilala ko siya sa’yo. Kaso masamang tao yung si Jayr.

      Awts, hindi naman dalamhati. Teka lang, hindi talaga ako ang gumawa ng tula. Si Jayr din ang gumawa ng tula.

      Pero malapit na nga ang oras ng paghuhukom. Buti nandoon ka rin sa oras na yon.

  9. jason says:

    kaya natin yan ax!!

    DIBA??

    HEHEHE ISANG text lang

    to the rescue na ang hamster

    wahhh!

  10. J.Kulisap says:

    Ang pag-ibig ay hindi kasalanan kung bukal na dumaloy ang pagmamahal.Umaalingawngaw ang pagdamay ng dalamhati, sapagkat habang ginagamot ang sugat ay nais na nagnanaknak muna bago langgasin. Ang pilat ng kahapon ay nag-iiwan ng bakas, kapag pinagmasdan ay umaalagwa ang alimpuyo ng damdamin pero mas mainam pa ring alalahaning kaya nagkaroon nito dahil may isang sumugat, may isang naglaon ng oras, may nagpalasap ng nakaw na sandali na sadya namang hindi pag-aari.
    Sugod lang ng sugod, ang umaayaw naiiwan sa sulok ng panaghoy.

    • Ax says:

      ang tao para mabuhay ay kailangan ng pagkain. ng hangin. ng tubig.

      ang tao para gustuhing mabuhay ay nangangailangan ng inspirasyon. ng pangunawa. ng mga kaibigan.

      ang tao para magpatuloy mabuhay ay kinakailangan maging mapanuri. may hustisya. may kabutihan sa puso.

      ang umaayaw, naiiwan sa sulok ng panaghoy. kasama ang mga agiw ng kalungkutan at dilim ng hinagpis.

  11. J.Kulisap says:

    Noli Me Tanghere Akso

    Semper Fideles,
    J.Kulisap

  12. karoger says:

    astig.
    taga sang probinsya ka ba? ang lalim mong mag-Filipino eh. haha.
    muntik na akong nalunod. ang lalim eh. ang hirap i-digest.

  13. Mon says:

    kilala mo din pala si Dalamhati
    si Dalamhati na kasa-kasama ko mula nung akoy musmos pa lamang.
    teka nakakahawa naman tu hehe
    again, very nice poetic post Ax! Thanks for sharing =)

  14. J.Kulisap says:

    Malayang taludturan ba ang iyong ginamit Ax?
    Berso o tula nga ba?

  15. anakngpating says:

    una..nice photo nakita ko sa fb likes ko agad hehe..nice photographer pede mo ba kong ipakilala sknya hehe..

    pangalawa..hindi ko alam ung dalamhating naranasan mo ah hehe..di ka nagsasabi hehe..sabagay ano nga ba ko sayo hehe..(drama) joke..

    pangatlo..poetic na ginawa mo..kung gaano ka kalalim magsulat sa wikang ingles..ganun din sa tagalog hehe..
    kitakits tom.pm mo ko sa ym may itatanong ako..

  16. wolf says:

    ayos. nasa number 1 page sya ng google search for “dalamhati”

    malay mo out of nowhere ay may 5 milyong tao ang nagsearch bigla-bigla ng salitang ito :D

    *at kung nahihiwagaan ka, sa bahay, naka-input na sa browser ko kung sino ako. ganun din naman sa opisina. hindi ko na kailangan lumunok ng bato o bumuhat ng barbel para magbagong-anyo.

    sabi nga sa radyo, automatic yan :P

  17. deejay says:

    waaah! gusto ko yung first and last pic. pano kinuha yong unang pic? me trampoline ba yon? o tumalon ka sa building? :P

  18. precious says:

    ah, c dalamhati pala iniisip mo knina pasakay ng jip pa Ayala..

    nka stripes kang beige at brown na shirt at may hawak na paper bag?! kw nga ba un?

    ng pagkasabi mo ng company name nmin at nlmng taga colcenter ka, sbi na along meketi ke rin..^,^

    kaya yan ax…dme mo prends d2..God bless..

    • Ax says:

      haha, ako nga yun. nakasabay mo ba ako sa jeep? sana kinausap mo ako. mukha pa naman akong ungas kase nagmamadali ako. male late na ako.

      • precious says:

        mahiyain kc ako..tpoz alm mo na…

        uo na, hnd na..dme kagad ng react ah..hehehe

        actually kc male late n rin ako tska sa ibng jip ako nksakay..alangang bumaba pa ko pra mag hi?! hehehe peace! mrme nmng nxt tym db? ^,^ maliit lng ang Earth. anyways, ung cnsb mong wlng naiinlove sau ok lng yn mrme nmn taung ganyan..^,^ mrme taung prends tska SIYA (tingin sa taas)..mrme syang plans..kala mo kung cno mg advise no? hehe..so panu, see u around?! ^,^

  19. tsenn` says:

    “Sino ba ang ayaw mapakinggan at gustong may makasama?”
    wala na kong masabi pa

    kudos sa pics! hanep! *thumbs up*

  20. jason says:

    ax!!!!

    hingang malalim !!!

    lilipad tayo at bubundulin ang mga pader na
    nakabalandra sa daanan!!

    LOL parang super hero lang!!!!!

  21. Livingstain says:

    ang ganda ng mga larawan…. panalo… pero aaminin ko hindi ako nagbasa kasi naman still problemado pa rin sa maliit na sulat ng comp ko…

    smile ax… samile!

  22. Allen says:

    yihee! sobrang cheesy! wahahaha!

    akala ko nahulog ka dun sa unang pic at nacapture ka lang. haha.

  23. amiah says:

    kasalanan nga cguro un.

  24. p0kw4ng says:

    bakit kasi nakipag kilala ka pa kay dalamhati..hmp yang dalamhati na yan! siguro yung dalamhati na kilala mo at kilala ko eh mag kamag anak?

    don ako sa posisyon ng paa ng babae namagnet..sinubukan kong gawin at ako eh nabigo,hihihi astig parang bulak sa lambot!

  25. panalo ang posing mo sa pix..at ang lalim ng tula..nakarelate ako..galing talaga..kaya maraming naiinlove sayo e! peace man!

  26. Joyo says:

    si Dalamhati laging umeepal yan, nasa sa iyo yan kung papayagan mong umepal siya sa buhay mo… ;)

    ***ang gaganda ng kuha…

  27. senyor says:

    Ang ganda ng post na ‘to kahit hirap akong intindihin ngunit nakuha ko ang ibig sabihin.

  28. Fauxx says:

    naks pumo-photogenic kayo ni Amiah ah? haha.

  29. bonistation says:

    public info: read my blog before going to EB this evening!: thanks!

  30. Walongbote says:

    Ax! Model ka na rin ba ngay0n? Hehe.. Ang dalamhati kc ng ta0ng napagiwanan ay ang hindi ang sakit na dinulot ng taong umiwan. Kung hindi pano nya sasanayin muli ang sarili na mabuhay magisa gayot nasanay na xang parati xa nanjan, nice poem ax! Love it!

  31. juliet says:

    kaya naimbento ang dalamhati ay para talaga
    maranasan ng mga tao.

    ang sabi sabi mas maganda daw kong maranasan ng tao ang lahat ng pakiramdadam sa buong araw. mula sa saya hanggang lungkot at kung anik anik pa. para balanse lang ang buhay

  32. jason says:

    talagang pinag iisipan ko ng malalim kung pano ka nakalipad ng ganyan o kung
    pano ka inihulog dyan

  33. shea says:

    pakilala mo naman ako kay jayr solomon.. waaahhhh

  34. hehehe galing ah!

    parang nahulog sa building!

    may mga pagbabago sa aking contest…basahin ng maigi para di malugi sa pag-base:

    http://fielsvd.wordpress.com/base-contest/

  35. blu.sparks says:

    i feel the emotion. nothing more to say.
    you’re revealing a part of you in this post.
    nice nice pix.

  36. dencios says:

    hayop!

    galing!

    kakabilib!

    naka relate ako.
    hahaha

    saka ax ang galing din ng fotos

    kuhang kuha emosyon a

    saka cutie kayo parehas ng babae mo

    uyyy!

  37. jason says:

    ayun!!!

    nakaraos din!!

    HEHEHEHEHEH

    enjoy ba sa EB ax?

    :D

    sabi na sayo
    everythings gonna be just fine!

  38. jason says:

    kasi naman ang dami ko ng kinaing chocolate ngayon kaya siguro ako hyper…

    wahhhhh

    dilat na dilat mata ko

    may halo bang pmpaadik mga chocolates!!!

  39. ayun o.
    ang galing ng shots.
    tinalo pa ko.

  40. jason says:

    AX magcocomment lang ako
    bago matulog..

    thanks ax a..

    thanks talaga.

  41. eli says:

    nice post!
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .

    .
    .
    hahaha..akala mo ‘yon na ‘yon ano? ang galing naman nung photographer mo ax. panalo yong una parang lumilipad! grabe galing. saka ‘yong last pix cool na cool. teka, sino ba si dalamhati?

    ax, salamat.

    • Ax says:

      haha. nice post, ex-link?

      si jayr ang photog ko! pero ako pa rin yung modelo. the ability of the other depend on the other.

      si dalamhati, gusto mo pakilala kita? yay. wag na!

  42. hehehehe huling huli ka na sa base ax…

    next tym na lang…mas matindi pala ang kakumpetensiya nyo ni hamster…

    di nag-iingay ang mga yon pero naka-base!

  43. boypulubi says:

    Gusto ko yung kuha sa una. Ang galing.

    Musta na si Dalamhati?

  44. anakngpating says:

    teka..why you deleted the account?
    ano prob..tama bang dito ako mag tanong?

  45. Jaylin Imram says:

    Great article. There’s a lot of good information here, though I did want to let you know something – I am running Fedora with the current beta of Firefox, and the look and feel of your blog is kind of funky for me. I can understand the articles, but the navigation doesn’t work so good.

Leave a Reply