Ax Realm
a realm of abstract sphere hyperspace
Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya

Mahaba ang gabi. Ang dilim! Unti unting nasisilaw ang aking mga mata kahit nakapikit na ang mga ito. Umaga na pala. Kailangan ng bumangon ng isang bata. Ako si Kaito, isang limang taong gulang, at paborito ko ang araw ng Sabado!

Bumangon na si kuya at bumangon na rin ako! Sinundan ko si kuya papunta sa palikuran at kitang kita ko.. mas mahaba ang kay kuya! Nagtaka ako kung bakit mahaba ang kay kuya kumpara sa akin. Bakit mas mahaba ang tootbras niya? Pero masaya pa rin ako dahil sabay kaming nagtootbras ni kuya, paramihan kami ng bula at paputian ng ipin.

malaking elektrikpan para sa saranggola ni kaitoKainan na! Ang aking baso ay mayroon ng gatas at ang aking pinggan ay mayroon ng tinapay! Kakainin ko na ang aking tinapay ng mapansin kong bakit mas mahaba yung tinapay ni kuya? Oo, sinukat ko! Ang daya naman. Ang dami dami kong gutom tapos mas mahaba yung kay kuya. Pero nagdasal pa rin ako dahil mayroon kaming pagkain ni kuya.

Tinawag ako ng mga kapitbahay ko! Maglalaro daw kami ng tagu-taguan. Saan kaya ako magtatago? Ah! Alam ko na. Magtatago ako sa likod ng bakod namin. Nakita ko si kuya, maglalaro sila ng basketbol. Gusto ko na tuloy maglaro ng basketbol para magkakampi kami ni kuya.

“Boom Kaito!”

Yay. Hindi ko namalayan naghahanapan na pala.

Pero tinawag ako ni Mommy. Sabi ni Mommy, “Kaito, kailangan mo na mag-aral kung paano magbasa.” Bakit ganun? Mas mahaba ang oras ng paglalaro ni Kuya. Bakit ako kailangan pa mag-aral? Ayoko na nga magtagutaguan o mag-langit lupa. Ayoko na rin kumain ng tinapay. Ayoko na rin magtootbras. Bakit laging lamang si Kuya?

“Mommy, bakit mas mahaba ang tootbras ni kuya?”

Kaito, kase mas matanda si Kuya kaysa sa iyo.”

“Daddy, bakit mas mahaba yung tinapay ni kuya?”

“Alam mo Kaito, mas malaki si Kuya kaya kailangan niya ng mas maraming pagkain!”

Ganoon ba ang sukatan? Kapag mas malaki at mas matanda, mas mahaba na ang kay kuya? Ganito ba talaga ang tunay na buhay.. Nakakalungkot naman ang ganito. Hindi ba pantay ang pagmamahal ni Daddy at ni Mommy sa akin at kay Kuya. Siguro nga mas mahaba ang kanilang pag-aalala kay Kuya kaysa sa akin.

Nakatitig ako sa bintana namin at dumating si Kuya.

“Bakit ka malungkot, Kaito?”

“Eh kase, mas mahaba ang tootbras mo. Mas mahaba ang tinapay mo. Mas mahaba ang oras mo ng paglalaro. Mas mahal ka nila Mommy at Daddy.”

Inakbayan ako ni kuya. Tumatawa.

“Kumuha ka ng diyaryo, ng walis tingting. Kukuha ako ng pisi at ng pandikit.”

At kinuha ko ang mga sinabi ni Kuya. Dalawang pisi ang kinuha niya. Yung isa mas mahaba. Yung isa mas maikli. Siguro sa akin yung mas maikli.

Ang galing galing ni Kuya pero hindi ko alam ang ginagawa niya. Para siyang inhinyero.

Kaito, tapos na. Tera, pumunta tayo sa labas at paliparin natin itong mga ‘to. Eto ang sa iyo. Mas mahaba ang pisi na gagamitin mo. Eto ang sa akin, maikli lang.”

“Kuya, bakit?” ng may halong pagtataka. “Bakit mas mahaba ang pisi ko kaysa sa iyo?”

“Mas mahaba ang sa iyo para makarating ng langit. Haha.. Kaito, tera. Paliparin na natin itong saranggola natin.” pero napatigil siya, at winika niya ang..

“Kaito, kase ako ay Kuya mo. Mas malaki ako at mas matanda ako sa iyo. Kung mahaba ang pagmamahal mo sa akin, mas mahaba ang pagmamahal ko sa iyo. Bilang Kuya, aalagaan kita at proprotektahan kita. Pag ikaw ay naging kuya na rin, gagawin mo rin ito ha.”

new-maikling-kuwento3

Ito ay para sa iyo.

Para kay Fauxx, Gelo Evasco, Ron Apostol, Jay Layson, and GM Simon na nagkwento ng “Bakit Mas Malaki ang kay Kuya.” Ito naman ang sagot ni Ax Realm na pinamagatan niyang “Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya.”

At ito ay para sa lahat ng Pinoy. Sa lahat ng bunso. Sa lahat ng kuya. Sa nag-iisang anak. At ito ay kwento para sa lahat ng nakapagpalipad na ng saranggola. Ang imahinasyon ay ang pinakamatayog na saranggola sa langit na maaari mong ilipad.

  • Digg
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google Bookmarks
  • co.mments
  • Fark
  • Live
  • MSN Reporter
  • MySpace
  • N4G
  • Reddit
  • RSS
  • Slashdot
  • Yahoo! Bookmarks
  • Blogosphere News
  • Current
  • eKudos
  • Ping.fm
  • Socialogs
  • BlogMemes Fr
  • Yahoo! Buzz
  • blogmarks
  • Identi.ca
  • Netvibes
  • Twitter
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Tumblr

433 Comments to “Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya”

  1. Wolf says:

    ang saranggola ba ay nakalilipad?

  2. Fauxx says:

    uy! hahaha! i-share ko ito. :D

  3. TSI says:

    akala ko naman mas mahaba ang toot ni kuya kesa sa kanya hahaha! teka una ba ko?

  4. TSI says:

    ayun..touching yung paglalahad ax bait ni kuya

    ang green ko talaga hahaha di maalis sa isip ko toinks!

  5. bluguy says:

    bakit naman ganun….ganun nga kuya ax…kaya pala mas mahaba ang sa yo kesa akin…hahahaha,,,in fairness maganda ang kwmeto talaga namang habang nagbabasa ako eh nakikipagdebate din ako sa sarili ko….hmmmm

  6. chennn says:

    nakakaguilty maging panganay minsan. ehehe! napadaan po :)

  7. Mabuti na talaga ang malinaw! Hehehehe…

    Napakaganda ng kwento mo Ax… Sana lahat ng kuya kagaya ng nasa kwento mo… Panganay kasi ako, kaya alam kong hindi ako ganun… Hahaha!

    Seriously, it’s difficult to be looked up and to live on the expectation of being the good example. When you are the eldest, it’s difficult to fail… There seems to be no excuse… Sometimes I wish my older brother did not die and I turned up to be the youngest… :D

    By the way, napakagaling mong maghabi ng mga ganitong short stories… I recommend that you take it to the next level… :D

    • Ax says:

      nakow, panganay ka pala. and sad to hear about your brother. ako noong bata ako lagi akong inaaway ng kuya ko. yay. pero, di naglaon pinagtatanggol na niya ako.

      actually, i want to give tribute kila fauxx. their original story, siguro mas maganda diyan. pupunta sa mall ang pamilya at dun nila kwinento ang buhay ng isang bunso at ng kanyang kuya. hehe.

      huwaw, salamat at nagustuhan mo ang mga sinusulat ko. yay. pero, totoo, maraming salamat!

  8. jason says:

    pagkabasa ko ng title
    pucha nasamid ako kumakain pa naman ako ng noodles

  9. jason says:

    ahhhhhhhhhhhh… kung pahabaan din lang
    talo si bunso

  10. jason says:

    ang galing ah
    SA haba ng pagmamahal nasusukat ang kahabaan

    • Ax says:

      oo nga no. naaalala mo ba yung commercial? uhm, siguro si stain maaalala niya yun. yun i love you mommy this big.

      tapos sagot ng mommy i love you from here to the moon. parang ganon. yay.

  11. jason says:

    OK!

    di pala ko dapat mainggit kung masmahaba ang kay kuya ko. kasi iba naman ang mahaba sakin.

    ang pasensya.

  12. jason says:

    ang galing maintindihin ang kuya nya.
    kahit na masmahaba lahat ng kanya.
    heheehehhe

    ambait bait na kuya naman nyan

  13. jason says:

    maganda ang istorya ax binasa ko sya paramis buong buo kahit na nasamid talaga ko sa title
    hhehheeh magandang hating gabi

  14. jason says:

    matutulog na ko ax ha!

    ang ganda talaga ng kwento.
    babasahin ko pa ulit bukas yan ng tatlong beses per hour. :)

  15. Chris says:

    ayos sa kwento bro..galing ng gumawa nito..kaw ba ang gumawa nito. Kuya pa naman ako di ko man lang naisip na maging ganyan sa bunsong kapatid ko..bwahahaha

  16. ah.. kaya pala mas mahaba ang kay kuya..

  17. shea says:

    wow…
    di ko natanong yan nung mga bata pa kami ng mga kuya ko..
    hehhee kasi sila lahat lalaki ako lang ewan. hehehe

    ang cool naman. akala ko pa man din green, matutuwa na sana ako. hehehe jowk lang…

    syempre nagandahan naman ako…
    astig…relate talaga kung relate ang mga nababasa kong entry hehehe

  18. bernardumali says:

    bago matulog ay nagcheck ako ng email sa cellphone at halos bumalikwas ako ng mabasa ko sa email na may entry ka at ang pamagat ay Bakit Mas mahaba ang kay Kuya… Oh Hindi!!!! laking takot ko. lol
    Kala ko greenjoke mayayari ako sa mga batang nagbabasa hehehe. Salamat sa maikling kwento. Naitanong ko rin yan dati, mas mas lamang sila kesa sa kin lol. tula naman sa susunod.

    • Ax says:

      ah ganun ba? hehe. yay. takot na takot ba kayo? nakow, oo nga, lagot ako sa mga batang magbabasa. hehehe! nakow, ano na lang ang tingin sa akin ng mga bata pag nagkataon!

      salamat at binasa mo pa rin kahit matutulog ka na!

  19. Rcyan says:

    Nakakatuwa naman po ang entry ninyo. Naalala ko tuloy ang mga kapatid ko. Panganay po kasi ako. Tama, mas mahaba nga ang pasensya ng mga nakatatanda kaysa sa mga nakababata (pero may mga exception din).

    Minsan nga, naaabuso na nila ang kabaitan ko, eh. Hehe. Pero ayos lang. Kasi, mahal ko po sila. Ganoon kahaba ang pasensya ko sa kanila. heheheh…

    • Ax says:

      Huwaw, ambait na kuya mo naman! ako bunso ako! kaya ayun, lagi akong napapagalitan ni kuya dati. pero okay lang, kasalanan ko naman. tapos nung medyo teenager na, di na niya ako pinapagalitan. hehe.

      at totoo, mahaba ang pasensya ng mga kuya!

      kudos sa iyo bilang isang kuya!

  20. jason says:

    ang galing makipagpahabaan kaya ako ngayon
    baka sakaling manalo na!

    nako!

  21. jason says:

    alert alert!!!!!

    spammer detected!!

    ang pisi ng saranggola ay kelangang mahaba
    para maabot ang langit!

  22. jason says:

    matayog ang lipad ng
    saranggola ni Kaito!

  23. what a heck says:

    Bakit nga ba mahaba ang kay kuya? ewan ko ala ako kuya.hehehehe.. pero ang galing. gnun pa pa my kuya. tingnan ko muna yung sa kapitbahay namin kung mahaba nga. kuya tawag ko dun e.heheh

  24. Mon says:

    wow haha! very catchy yung title. lol

    magandang storya to. magandang storya to para sa mga magkakapatid na di nagkaka-intindihan dahil sa tinatawag na sibling rivalry. hats off ako sa’yo Ax!


    Ax, wala pang naka-set na deadline. gusto ko muna i-complete ang sampu. malamang sa August pa ang Deadline. :)

  25. azul says:

    with feelings pa to habang binabasa ko..nyahaha

    goodluck po…sana manalo ka…

  26. lore says:

    mahusay na istorya

    gaya ng pagiging “kuya”, alam ko rin naman ang kaakibat na responsibilidad ng pagiging “ate”

    mahirap maging panganay
    mahirap rin siguro yung nasa gitna
    mahirap rin pala maging bunso

  27. anakngpating says:

    nalate ako dito hehe..
    itinuloy ko ang balak na pag absent kaya ayun,hehe

    sa title pa lang parang kakaiba na nga ung entry heheh..
    wala kasi akong kuya..huwaaa..
    di naka experience na nakapag palipad ng saranggola..

    ahha..ang ganda ng kwento ni kuya at ni kaito..
    bakit mas mahaba ang sknya..(pero mas mahaba ang pagmamahal ni kuya kay kaito)

  28. .poOt! says:

    ang galing. ang galing. may puso dude.

    nakakatuwa. naiinggit na tuloy ako lahat yata ng gwapings sa blogosphere ay gumawa na sa pa-kontes ni kua bernard. AKO na alng hindi.

    pero OK lang di naman nababawasa ang kapogian ko. hehe

  29. ang galing naman.. may lalim kahit pambata lamang..pampamilya talaga..kung sa penikula e general patronage..hekhek

    • Ax says:

      Hello! uctually, medyo hinabaan ko para pasok sa 1000 words! hehe. syempre, ayokong kalaban si kumpareng jason! yay.

      salamat at naapreciate mo!

  30. drekpeynman says:

    Rather interesting. Has few times re-read for this purpose to remember. Thanks for interesting article.

  31. deejay says:

    gleng gleng! *thumbs up*

    wala akong kuya e pero nakakarelate ako. huhuhu! naalala ko yung children’s story: “i love you bigger than the moon.” la lang.

    hallo, ax! *kaway kaway*

    PS: ano pang manga sinusubaybayan mo?

    • Ax says:

      naruto, bleach, at ang hiatus na hunter x hunter.

      yun lang naman kapag sa manga! sa mga anime, dun yung marami.

      yung mga natapos ko na ay deathnote. hm, yun lang ata ang natapos ko na mangga. hehe.

  32. joyo says:

    aw! ganda naman…

    “Kung mahaba ang pagmamahal mo sa akin, mas mahaba ang pagmamahal ko sa iyo. ”

    - at mas mas mahaba siguro ang pasensya ni kuya hehe…

    inspiring post!

    gudluck!

  33. yhen says:

    di mo naman masyadong pinag icipan yung kwento at title mo noh? hehhe…

    namiss ko dumalaw… naks… hehe ;-)

    • Ax says:

      hehe! hindi naman! actually, inspired by fauxx’ group ang post na ito!

      oo nga, medyo matagal kang nawala!

      • yhen says:

        naks may inspirasyon pa talaga eh… hehe…

        nwei, kuya nag eb na naman pala kayo.. andaya di niyo ko isinasama… hehe

        • Ax says:

          yay, sisihin sila! wag po ako! kase wala akong communication! sila lang ang may cellphone! hehe.

          taga makati ka lang ba?

          • yhen says:

            nope. pero madalas po ako dun lalo na pag week end kasi sa makati stay mga college friends ko. or di kaya dun sa bahay namin sa quezon city. pero nagwowork ako dito sa nueva ecija. nag graduate sa baguio. ipinanganak sa Ilocos… hehe

  34. sandi says:

    uy, ganda nito! kakaiba..
    totoo, mahaba talaga pasensiya ng mga kuya..minsan ginagawa ito para sa kanilang nakakabatang kapatid

  35. jason says:

    NAKO!!!

    heheeh

    isa pang nAKO!!!!!

    panalo na to!

  36. Winkie says:

    tutbras pala! kala ko kung ano na! hehehe! ganda ng story, ax! gusto ko ung last statement na sinabi ni kuya ke kaito. oh, how i wish i have a brother… that’s the one thing i can never have in my life. :)

  37. tuutuukii says:

    WOW~
    talagang napa waw ako dun ah…
    ang galing…

    ang galing ng mensahe ni Kuya kay Kaito… :)

    WOW…
    talagang WOW… :)

  38. eloiski says:

    awww.. nakakaiyak naman! hakhak!
    parang natamaan ako dun ah!
    so dapat pala bilang ate alagaan ko ng bonggang-bongga mga kapatid ko.

    ayos tong post na ito! bat ba ngayon lang ako nakalanding sa blog mo? amp!

    cool blog!

    cute ng kwento! swear!

    • Ax says:

      ayos lang kahit ngayon ka lang nakapunta dito. yay. mas okay yun kaysa wala na’tong blog na’to. hehe.

      nakow, marami nga ang nagsasabi niyan na guilty sila. hehe. wag maguilty, mababait naman ang mga ate at kuya. minsan nga lang makukulit talaga ang mga bunso. hehe.

      salamat. swear din! yay.

  39. jayr.santos says:

    parang si Amiah si Kaito…

    Hahahahahahahaha

    Kaito’kan kita dyan eh.. hehehe

  40. ACRYLIQUE says:

    Ayos to!

    Ganun talaga bunso. kailangan laging mahaba ang sa akin. Kasi share kita. :)

    Miss ko na magsarrangola.

  41. waa, haha, nkakatawa naman tong story na to.. :P

  42. butiki says:

    hahaha..
    natawa ko.
    hehehe.
    pero astig.
    hehehe.
    kaso hindi totoo
    sa akin.
    hehehe.
    kasi ako ang bunso
    kaya mas mahaba ang sa akin.
    mahabang pasensya ang binibigay ng mga magulang ko sa akin.hehhe

  43. Chris says:

    wahhh ax may alam ka rin pala sa seo?? :)

  44. TSI says:

    Galing!!!!

    Uber!!!

    The best of the best!!! ;)

  45. ACRYLIQUE says:

    mukhang bonggang-bongga ang pintahan ni Kuya eli ah. :)

  46. cruxrifter says:

    bat parang iba ang pumapasok sa utak ko sa title mo?

  47. cruxrifter says:

    ang galing2! :) naiiyak naman ako sa istory.

  48. cruxrifter says:

    wets. nakakarelate ako sa story.. kaso lang iba ung mas mahaba sa kuya ko eh :(

  49. Allen says:

    Nakaka-touch naman to. Nakarelate ako ng todo kasi dalawa lang din kaming magkapatid. Pero di ko pa naman to naranasan ni Kuya. We were treated as twins ever since.

    Isang napakagandang kwento. Naramdaman ko ang kamusmusan ni Kaito.

    P.S. ang talino ni Kaito. Alam kung ano ang inhinyero at the age of 5. Haha. cool!

    • Ax says:

      hehe. yay, buti naman at nagustuhan mo allen! oo nga, dalawa lang kayong magkapatid.. di ba ikaw ang kuya?

      yay, si kaito, tali talinuhan lang yown! hehe.

      • Allen says:

        Wala pa kong di nagugustuhan dito so don’t worry. haha.

        Hindi ah. Ako ang bunso. Sabi nila, ang pinaka-stubborn na bunso. wahahahah. ikaw kuya Ax, panganay ka?

  50. anakngpating says:

    hehe kamusta hehe,,.ni pm kita hehe di ka nasagot busy ka hehe..

  51. livingstain says:

    nalate ako ax

    ang daming koment, hindi ko na maabot….

    kala ko bakla yung bata… galing galing…

  52. livingstain says:

    ang mga bata kasi lubhang makukulit, at maraming tanong sa buhay, kailangan ng mahabang pang unawa para sa kanila, hindi man nila maintindihan ngayon maaring pagtanda na lang nila…

  53. J.Kulisap says:

    Ang imahinasyon ay ang pinakamatayog na saranggola sa langit na maaari mong ilipad.

    Tama ka don kaibigang AX, gusto ko ang linya mong ito. Sa ating imahinasyon pwedeng abutin ang langit hanggang impyerno, walang hangganan…hanggat kaya nating maglakbay gamit ang imahinasyon, kaya nating makarating.

    • Ax says:

      Salamat. Ang imahinasyon natin, kung saan saan nakararating. malayo ang napupuntahan. at mataas ang nililiparan.

      at ang paglalakbay natin kasama ang ating imahinasyon ang tanging sasakyan para mapuntahan natin ang isang lugar na hindi nabubuhay sa realidad.

  54. bonistation says:

    ang ganda naman nito!! nakaka touch ung kwento! sompleng bagay pero nakarelate ako.. parang nagbalik ako sa pagkabata at minsan nagtanong din ng ganun.. pero ngayun alam na alam ko na din ang lahat.. ang bawat galaw ng buhay..

    haysss! yan lang masasabi ko! am voting for this one! short yet moving…

    cheers ax!!!

    Bons

    • Ax says:

      nakow, salamat kuya boni! hehe. oo nga pala, hehe. may big bro post ka rin pala dati. pero salamat ng marami talaga! habang tumatanda tayo, naiintindihan na natin ang mga bagay bagay na dati magulo pa sa atin!

      cheers at kudos sa iyo at sa kapatid mo!

  55. Kevin says:

    Aaaw. Na-touch ako. Hehehe. Kaso wala akong kuya eh. Pero galing. Kakatuwa ang kwento. :)

  56. bipolarsisa says:

    *hikbi*

    grabe. napakagaling! naluluha ako..napapahanga..

    kahit hindi ko natanong ang mga tanong na ‘yan (dahil wala akong kapatid na babae), naramdaman ko rin yung pagmamahal at pagprotekta ng Kuya ko (saka ni Bunso).

    ang sabay na pagpapalipad ng saranggola ay sabay na pagabot sa mga pangarap..

    • Ax says:

      ah, panggitna ka pala ate bipolar! nakow, masarap nga panggitna. may proprotekta at may pinoprotektahan. hehe.

      gusto mo sabay tayo magpalipad ng saranggola?

  57. jason says:

    sorry perstaym akong
    naging busy sa trabaho kahapon!

    hehehe

  58. jason says:

    ang mga saranggola
    ang pisi ng mga pangarap!!!

  59. livingstain says:

    ax buzz mo lang ako pag online ka na ha… may ikukwento ako sayo, ewan ko kung matatawa koo mububwisit…

  60. jason says:

    saranggola ang
    susi para
    abutin ang mtatatyog na mga pangarap!!!

  61. jason says:

    hehehe buzz!!!!

    calling calling!

  62. jason says:

    nako po!!!!

    wala ng gumawa ng ibang maikling kwento natakot na sa entry mo ax!!!

    yahooo

  63. jason says:

    ANg ganda ng umaga!!!

    kaso medyo makulimlim hehehehhehe

  64. jason says:

    saranggola
    ay mataas kung titignan.

    pikit na lang

  65. jason says:

    palakol!!!!!!

    nasan ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    • Ax says:

      andito lang ako! bakit? kailangan niyo ba ako? hehe. teka, teka lang. kakauwi lang ng bahay. hehe. di pa kumakain. di pa nagbibihis.

  66. jayr.santos says:

    may hamster infestation ba dito na nangyayari??!?

  67. jason says:

    hamster attak!!!!

    oi yung sa kofistainsa ba panalo ka na??

  68. jason says:

    najejerbax ang hamster

    pano ba to
    nasa office ako!!!

    wala akong kaht anong kagamitan!!!!

  69. joyo says:

    hmmmm… humahaba ang comments.. hihi… daan ulet! ;)

  70. jayr.santos says:

    wala ka bang cellphone load???!!!?

  71. jason says:

    hamstter attak!!!!!!!

  72. TSI says:

    Natatae lang ako ax, spam lang hihi.

  73. anakngpating says:

    patambay hehe..

    paano nga ba natin mapapasalamatan si jason..

    hmmm..

    gagawa ako konfeti para sknya haha..

    tapos isasaboy ko sknya ..

    kayo ba?

  74. TSI says:

    Hay bat ganun pag nasa site mo ako maje jerbak ako hahaha!

  75. jason says:

    ang galing mo ax!!!

    wala ako masabe!!

  76. Mars says:

    ako na lang ata ang wala pang ganitong post a

  77. jason says:

    ma para.. sa tabi lang po..

    tsk… lumampas

  78. jason says:

    di ako makapasok sa site ni tsi!

  79. Nice story ha. Ang galing! Kuya din ako kaya siguro mas mahaba sa akin. First time ko dito sa site mo.

  80. TSI says:

    Tabi-tabi po nuno.

  81. TSI says:

    Bio dagger! Ya!

  82. livingstain says:

    tumabi kayo jan, kakanta ako!

    maalaala mo kaya
    ang sumpa mo sa akin
    na ang pag-ibig mo ay
    sadyang di magmamaliw

    kung nais mong matanto
    buksan ang aking puso
    at tanging larawan mo
    ay doon nakatago

    di ka kaya magbago
    sayong pagmamahal
    hinding hindi giliw ko
    hanggang sa libingan.

    ayos ba?

  83. livingstain says:

    mantsakan kaya kita jan

  84. livingstain says:

    kailan ba dapat makipag hiwalay, kailangan pa bang isaalang alang paparating na okasyon o basta naramdaman mong hindi mona sya mahal, sapat na yung dahilan para makipag hiwalay.

  85. jason says:

    ilang kilometers kaya malalakbay ng saranggola?

  86. jason says:

    pikachu thundeshock!!!!!!

  87. jason says:

    paano kung tamaan ng aeroplane ang saranggola?

    pano na!

  88. jason says:

    bakit

    bakit bakit…

    bakits………

    hahaha corny

  89. jason says:

    clap clap clap

    galing ni aks!!!

  90. jason says:

    ang ginaw pucha

    wala pa kong payong

    pano na to!!!!!!!!

    ahahaha

  91. jason says:

    ikaw ang blog sikat!!!!!!

  92. jason says:

    sikat na blog!!

    blog sikat!!!!!!!!!

  93. jason says:

    teka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    hehehehe

  94. jason says:

    bakit masmahaba ang kay kuya

  95. jason says:

    day off ko ngayon hahahhaha]
    maghahasik ako ng kadiliman

  96. jason says:

    heheheheheh

    natawa lang baket ba

  97. TSI says:

    Nahilo ako sa comments umaapaw, liglig jojo futa hahaha! Ano nga sayo ax?

  98. [...] Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya-Ax [...]

  99. TSI says:

    sarap ng coffee oh andito pala ako kay ax kala ko twitter lol

  100. [...] Bakit Mas Mahaba Ang Kay Kuya, one of the article I know that got 300+ comments, pretty sure that it drive m traffic! Share and [...]

  101. Dorm Boy says:

    Nice nagustuhan ko ang kwento mo! Panalo eto!

  102. bernardumali says:

    hanggang 31 na lang tayo. papromote ulit!

  103. TSI says:

    Ax received ko na yung email mo..nag enjoy ako..haha

  104. [...] entry : Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya [...]

  105. rico says:

    congrats pala..sana ako din manalo

  106. [...] entry : Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya [...]

  107. cyberpat says:

    wow ang cool naman ng story… hehehe… sana may kuya din ako… hayy… thanks kuya for posting this…. looking forward sa iba nyo pa pong entries…

  108. cyberpat says:

    ahh e2 po oks naman po… eh kau kuya?… musta??… hehehe nabasa ko nga po kuya ehh… hehehe

    • Ax says:

      wala ka bang kuya? hm, natanong ko lang.. marami akong kuya, kahit dito sa blogosphere at sa totoong buhay. ako kase ang isa sa pinakabata sa magpipinsan at bunso talaga ako sa magkakapatid.. i would usually refer ‘kuya’ to someone na pinagtatanggol ako sa lahat ng bagay.. pero minsan first name basis lang ang tawag ko sa kanila..

      okay naman. kakarating ko lang from opis. ang bilis mo magreply ha! aw, wala ka bang pasok or hindi mo pa ba kailangan matulog ng maaga?

      • cyberpat says:

        wala po talaga akong kuya ehh… ahh wala naman po kami pasok kuya tom ehh… sem break na po… hehehe

        • Ax says:

          haha.. ang dami mo ng ‘kuya’ na ginagamit kada comment! haha. bakit mo naman ako gusto maging kuya? eh, di mo nga ako kilala ng personal.. mga articles ko lang ang nababasa mo.. di mo nga alam kung mabait akong kuya? alam mo bang nang-aaway ako ng mga nagku-kuya sa akin? haha.

          • cyberpat says:

            ahhmm… cguro po i have to take the risk na rin… eh kuya… kahit articles lang un na ginawa nyo…. it still shows kung anu ka bilang tao then ung mentality nyo po about life… well… ok na ok nga po kau ehh… hehehe… oks lang po un sa kin… eh kuya ko naman gagawa ehh

            • Ax says:

              haha. oks lang sa’yo awayin basta kuya?! yawts. naguilty naman ako! hm, magkwento ka naman! kahit ano! habang kumakain ako!

              sorry, medyo natagalan ang reply ko, may nagcheck lang ako ng updates..

            • cyberpat says:

              hehehe… oks lang kuya… hirap nga lang mg refresh ng mgrefresh hehehe… ahhmm i was born po w/ the usual family setting… ung father q po nsa abroad then ung mother q lang po nand2… since birth po yta nandun na un sa saudi then once a year lang po nauwi…naiintindihan ko nmn po sya… may ate po ako… so 4 short ako lng po ung lalaki sa bahay… lumaki po akng loner… mahiyain din po… walang alam na sports… ngaun q lang po narealize na malaki pla ang kulang sa kin… bsta… un po… waahh ang haba pla..

            • Ax says:

              aw, sorry kase medyo mabagal ang PC ko na gamit ko ngayon.. yung laptop kase ay binenta nila.. nagulat nga ako kase sabi dito sa bahay sa november pa bibili ng laptop. aw. ayun, dalawa ang PC namin kaso yung faster speed, eh, hindi applicable sa monitor na gamit ko.. kaya ayown, nababagalan ako sa speed compared sa nakasanayan ko na dati..

            • cyberpat says:

              ahh hehehe gnun po ba… oks lang po kuya

            • Ax says:

              ah, so yun pala ang story mo.. oks lang yan. yung daddy ko nag Saudi rin nung bata ako. pero, gusto niya ata kami makitang lumaki kaya after some years ng pagsa Saudi, eh, dito na sa Pinas. oks lang yan, wala naman akong nakikitang problema kung loner, mahiyain at walang alam sa sports ang isang tao. wala kang problema, okay ka lang na ganyan ka! hehe.

            • cyberpat says:

              thanks kuya… ayun buti po kau naiintindihan ako… hehehe…

        • Ax says:

          oo nga, sembreak pala ng mga estudyante ngayon.. yawts.

  109. Ax says:

    Cyberpat, paano ka napadpad sa blog ko?

    • cyberpat says:

      ahh… mahilig po kasi akong mgbasa ng stories about sa magkuya… hehehe then i accidentaly found ur site… aun kuya…

      • Ax says:

        ah, oks. ayos ah! hehe. ako naman ang magkwe-kwento.. mga ganitong oras ako umuuwi.. pero hindi palagi. every two weeks nagbabago ang sched ko. ayun, minsan pangumaga, panghapon o panggabi. depende sa sched ko.. ayun.

        buti gising ka pa!

        • cyberpat says:

          ahh wow iba n tlga kapag ngwowork.. ahhmm opo kuya.. nghihintay sa reply nyo ehh..

          • Ax says:

            nakow, ang work.. minsan tatamarin ka.. kaya ikaw, mag-enjoy ka habang nag-aaral.. i mean, wag ka naman maglakwatsa o magparty palagi.. i mean, mag-enjoy ka na estudyante ka. mag-aral, pumasok kasama ang mga kaibigan.. i-enjoy mo yan dahil pag nagtrabaho ka na, aw, work lang talaga ang aatupagin mo.

            • cyberpat says:

              ahh… dami probs sa skul kuya ehh… hehehe… pero enjoy pa rin kht papaano…

            • Ax says:

              oks lang yan.. ako rin dati, sobrang daming problema sa school. sabay sabay na projects, deadlines, paperwork.. i-all out mo yang mga yan.. masarap mag-cram at masarap yung feeling na nakapagpasa ka before the deadline.. teka, ano bang mga problema mo sa school?!

              oo, mukha namang enjoy yung gravatar mo eh! hehe.

            • cyberpat says:

              basta kuya… kau na kuya ko ah… nkow medyo makulit po ako ehh hehehe… 15 pa lang po ako… willing naman po ako mgpakilala ehh.. sa fb, fs or ym… hehehe.. oks lang ba un kuya… ako na mggng bunso…

            • cyberpat says:

              dami kuya… pressure dhil science class, discrimination, ahhmm… masyado po tlga busy na kahit weekends kelangan po pumasok just 2 finish everything… ay kuya mahilig din ako mg cram ehh… hehehe… minsan nga po di na ko nakakatulog sa pagtapos ng projects…

            • Ax says:

              haha. sige, kuya mo na ako.. aw. napasubo yata ako sa’yo.. samantalang ayaw kong magpatawag ng kuya kay Jason at MB. haha. pero, sige. Kuya mo na ako.

              sad to say, mas priority ko ang blogging kaysa social networking sites.. kaya yung FS ko ay wala ng gumagalaw.. yung FB ko, actually di ko na binubuksan.. pag may updates lang sa wall ko or messages. dati sobrang kinuha kase ng FB ang oras ko sa blogging.. kaya tinigilan ko na.. isang way lang para macontact mo ako ng maayos.. through email. aside from blogging, araw araw akong nag-e e-mail.. i make it a point na sumagot sa email within three days.. three days or four days na siguro ang pinakamatagal.. dun din ako nagkwe kwento ng mga nangyayari sa akin. masyado ba akong outdated? hehe.

            • Ax says:

              axrealm at gmail dot com. yawts.

            • cyberpat says:

              hehehe di naman kuya… depende nmn po sa tao yun ehh… geh po kuya… sa e-mail na lang po ako mgpapakilala… gusto nyo pa nga kuya mgsend ako ng biodata ehh o kaya photocopy ng birth certificate ko… hehehe… geh kuya tulog na ung bunso nyo hehehe… sorry po kung naagawan ko kau dun… thanks kuya….

            • Ax says:

              haha. oks lang. sige, tulog ka na.. kwentuhan mo ako sa email ha! yawts. thank you rin sa time mo.. di biro na hintayin ang mga sagot ko dito sa blog ko! Maraming salamat! hehehe.

              oks lang kahit naagawan mo ako ng role, bagay nga sa’yo ang maging bunso. awts.

  110. cyberpat says:

    kuya… diyan na po ba kau???

  111. reyna elena says:

    hehehe nakakatuwa! real nice!

  112. cyberpat says:

    kuya??? may problema po ba???

  113. Fauxx says:

    Haha! Uy Congrats! 1st place pala to!
    Nakakatuwa naman haha. :D

    • Ax says:

      Yay, oo Fauxx. First place to sa Blogsikat! Daming comments, yun ang basehan! Hehe. Kayo ang inspirasyon dito! Aw. Feeling ko nga dapat kayo ang parangalan!

  114. richard says:

    wow! pang1st place talaga. .eheheh

Leave a Reply