nung isang araw, meron kaming annual physical examination o medical examination sa opis na ginagawa every year, huwaw! annual nga. at dahil may physical examination, hindi makakalagpas ang rectal examination na ginagawa sa mga patient. sabi ko ayaw ko tumuwad. kaya nakafix na sa utak ko na ganito ang sasabihin ko “doc, pwede bang i skip na lang natin yan.” pag humirit siguro si doc, baka sabihin ko “eh, magkano ba ang usapan natin dito, doc?”
kaya naka-mindset na ang linya ko. kabisado ko na ang script ko.
nung nag-uusap na kami ni doc, tanong tanong sa mga sakit. kung nagyoyosi. kung umiinom. siyempre tinititigan ko siya. sabi ko sa sarili ko, “bakit walang nameplate si doctor?” eh di malalaman ko lang yung name niya pag nabigay na yung result? ganon.
habang iniisip ko yun, sabi niya.. “okay lang ba kung i-rectal examination kita?”
ano na nga ulit yung sasabihin ko. nakalimutan ko yung minemorize kong line.
sabi ko na lang. “howag po, doc!”
gusto ko sana pwersahin niya ako. sabihin niya sa akin na “hubad.”
tumayo siya, lumapit sa akin sabay sabi “hinga ng malalim.” at itinutok niya ang kanyang malaking stethoscope sa puso ko.
tibok.. tibok.. tibok..
sayang, pinaghubad niya man lang sana ako ng damit. kaso sabi niya, oks na yan. kahit hindi na. ganon ulit? porket ba naka-fitted polo shirt ako?!
natapos ang aking physical examination. nag-rest room ako para sa aking urinalysis. isang assistant manager ang kinukuhaan ng dugo. sabi sa kanya, “ma’am, hindi ko makita kung nasaan ang ugat niyo. mukhang mahihirapan akong kuhaan kayo ng dugo.”
sabi ni assistant manager, “ah ganun ba? kase last year nadalian lang yung kumuha sa akin.”
tanong ng med tech, “sino po ba last year ang doktor niyo?”
maraming tao pero walang sumagot. tamang tama, pumasok ako para ibigay yung urine sample ko at narinig ko yung tanong.
“si dr. eurt lara last year.” humble pa ako nung sinabi ko yun.
tinginan lahat sa akin.
sabay comment ng isang nurse.
“wow, naalala pa niya kung sino.”
makes sense. hindi pa rin nawawala sa puso at isipan ko si doctor last year. siya kase ang first time ko. hindi ako pumalag. pinatuwad niya ako dati at walang tanong tanong akong naghubad noon. para lang akong pornstar.
magaling kumuha ng dugo yung med tech na guy. hindi masakit. parang kagat lang ng buwaya.
—–
bossing Jesus, nakow, holy week pa naman pero magiging mabait ako, totoo!
ah yung mga ganyang bagay. sa tanang buhay ko wala pang nakakita ng aking “private parts” na medical professional. Maliban na lang nung nurse at doc ng nagpacircumcise sa ako. xempre hindi naman pwede na nakapantalon ka sa operation na yun ;)
sa APE sa company namin, we have the choice. Mas importante naman yung blood/urine analyses at xray. Even when I was still at UP. Kailangan yun ng freshmen para makapasok. hindi naman din umabot sa ganong punto.
Kaya cooperative din ako sa airport security. Para wala ng special security session. Hahaha
Napaka-unholy nga ng week mo ax.
yup, you have the choice nga kung ayaw mo ung rectal examination. sana pala sinabi ko, horny nga ako doc, eh.”
ang haba ng sinabi mo, so virgin ka pa jayr?
Haha, alam mo yung story ni Butler, matatawa ka sa med exam niya. Naka brief lang siya habang iniinterview, eh winter, kaya nangangatog daw siya!
naiinis si butler bakit daw ni hindi man lang siya muna pinabihis, kaya ang sagot niya sa mga tanong:
brrrr, no i dont smoke…Brrrr
no diabetes in the family brrrrr.
And babae yung doctor, haha
Ah, oo. Nung nawawala si Butler.. Tapos tanong ni sir kung saan nagpunta!?
Hello, sa kanya pala nagpaalam si Butler para magpa medical! hehe.
Haha. wattah. Ang strict pala sa opis niyo. Hoho. So dapat pala, pag naghanap na ko ng trabaho, isang factor din na kailangan kong tingnan ay kung nagcoconduct sila ng rectal examination sa mga employee nila. hehe. Now I know. Thanks sa tip! wahahaha!
Ang mahalaga lang naman ay ang urine, blood at X-ray! Dito sa rcbc required ang lahat ng company na magpa medical exam ang bawat empleyado!
haha. ba’t may tuwarang nagaganap sa APE nyo? samin kasi wala kainis.. nyahahehe.. first mo pala yung doctor ha.
haha. pero pwede ka namang tumanggi kaya oks lang!
sana pwersahin kayo, mon! hehe. biro lang!
mainggit ba?
its free kase. LOL.
sa pag medical exam ng nag a abroad pwersahan! haha di pedeng tumangi nyaaa!
oo nga. kailangan talaga pag abroad. wala kang palag! hehe.
winner pa rin pala ako :)
hindi rin ako na “ganun”
Hahahaha
haha..parang hindi ko din kaya yun sobrang weird, awkward..lahat na..physical theraphy pa nga lang, yung may mga pakapa-kapang palpation eh ‘di ko matagalan eh.. :D
hehe. oks lang yun jem. yay, pati physical therapy pala ha..!
hahahaha..kaw ha ax……
oo talaga, kuya blu!
ui first time hehe..
hehe…
oo, first time talaga! hehe.
nyahaha… ikaw lang ang kilala kong di nasaktan sa kagat ng buwaya…
mataas ang pain tolerance ko pagdating sa tusok-tusok ng ugat na yan… pero totoong may mga taong magaan ang kamay, malas ka nga lang ata at parang gawa sa kamay na bakal ang nag blood extract sayo.. cheers;p-glesy the great
honga! pero magaling naman yung med rep. dapat lang kase med rep siya! di naman namaga yung arm ko!
med rep or med tech? hmm!
yay, med tech nga! sorry! hehe.
Hahahaha. and considering na we have a licensed med tech friend ;)
med rep ka dyan.
Sorry na nga!
Excited na rin ako sa Sunday!
hi ax 1st time mo?
wala napadaan lang.
hehe! first time ko nga!
sige dude, daan din ako dyan!
buti nalang nga indi ka pinatuwad..ha ha ha…bakit sa amin walang tuwad tuwad? ang arte naman niyan..nag flash back tuloy ang experience ko noon na nasa SM pa ako nag wowork…tuwad kung tuwad..bahala na.ha ha ha
Hehe. may option naman siya kung gusto mo magpa rectal examination. hehe. ah, oo sa mga ganyang company kailangan!
uy, i added you na sa blogroll ko ng walang permiso sayo. ok lang? God bless!
nahihiya nga ako. i was supposed to add you on my webs and spiders, naunahan mo lang ako. salamat sa pagdalaw sa realm ko. actually, okay lang kahit di mo ako ilagay sa blogroll mo. natuwa ako sa blog mo the first time i visited it.
Bakit kailangan kaseng silipin ang butas?
Para malaman kung malunggay ang ulam o mais?
Maganda ang iyong sayt.
Totoo ka. Mabuhay
Salamat Kulisap! Oo nga, bakit kailangan kaseng silipin ang butas?!
Hm.
[...] para first sa line up sa healthcare provider ko. Hindi ko alam.. wala akong kamalay malay na si Dr. Eurt ulit ang makakausap [...]
unholy talaga..ako ok holy week ko this year..
yay, sana holy week buong year? hehe.
hahaha.now q lng 2 nabasa..sa ofis hnd ako ngpapa annual check up. mga damuho kc mga taga ofis tinitingnan ung results tpz kwn2han un about sa results mo mga ilang months din! kaya nagpapa set ako sa ibang accredited..hehehe..
ung 1st tym ko, c doc…hmmm? sa breast cancer society ng pgh at hmmm..yoko ng magshare..post ko nlng..ayos! ngpromote pa! hehehe
awts. sige, share mo na lang! yay. dapat magpa annual check up ka na rin sa opis kase headache pag sa iba ka pa nagpa check up!
bakit pag nagkwentuhan ba sa inyo tungkol sa sakit na TB o STD? hehe.