sabi sa amin, nung bata pa kami na kapag humiling ka sa bulalakaw, magkakatotoo iyon. mula noon, pangarap ko na makakita ng isang bulalakaw. kahit isa lang.
ngunit maraming gabi ang nagkumot sa aking panaginip. maraming ulap ang inagos ng hangin. kung gaano kadilim ang silid ko sa tuwing papatayin ko ang ilaw ay ganoon din kadilim ang katuparan ng aking pangarap. hindi pa rin ako nakakakita ng isang lumilipad at umaapoy na bato sa langit. naisip ko ang maghintay.
maraming taon ang lumipas, nakalimutan ko na rin ang tungkol sa bulalakaw.
kailan lang, naalala ko ulit ito. kaya noong gabi na iyon ako ay naghintay.. naghintay ako at nakatulog. lumipas ulit ang maraming araw, hindi ko namalayan na nawala na ulit sa aking isipan ang tungkol sa bulalakaw.
hanggang sa may isang bata ang nagkasakit. kaya sa aking ulirat ay natagpuan ko ang kasagutang sasagip sa batang iyon.
ngayong gabi, ako ay makikipagsapalaran. ngayong gabi aangkinin ko ang langit. kaya sa bubong ako ay humiga.. hindi ko kailangan na maghintay dahil ako ang hihintayin ng langit.
ngayong gabi, habang nakatitig sa kawalan, ang lahat ng bituin ay nag-aalay ng sarili nilang kuwento. sa kalagitnaan ng pagbabagong anyo ng buwan ay hindi ko alintana ang tagal at ang lungkot ng gabi. hindi ko pansin ang dilim ng aking puso.. at may isang bulalakaw ang nahulog.. hindi ako gumalaw.. hindi na ako nag-isip.
isang nahulog na bulalakaw sa gilid ng aking balintataw. ito ay inimbak ko sa aking huwisyo.
humiling ako na gumaling na ang batang may sakit.
dumaan ang mga araw, dumaan ang mga gabi at nabalitaan ko na namatay na ang batang inalayan ko ng kahilingan kasabay ng pagbagsak ng isang bituin. nalungkot ako.
at nahulog ang libo libong bulalakaw sa aking mga mata.
at sumuklob ang gabi sa aking puso.
at mula noon, wala nang kupas ang mga bituin..
..dahil mayroon itong sari sariling kuwento.
ang ganda naman ng post mo ngayon AX….matalinghaga nga ang natura sa ating kapaligiran…habang pilit nating inaalam ang hiwaga nito…lalo itong nagiging misteryo…pero sa ibang banda dala nga nito ang samut-saring kwento…
nakarelate ako dun ah!
thanks kuya blu.
its an honor for me that i have stirred your emotions.
ang lalim ng mga tagalog. ang bisayang kagaya ko ay dumugo ang ilong. ^_^ nevertheless, it’s a very nice post. once lang din ako nakakita ng bulalakaw. hindi ko na maalala kong ano yong wish ko. i wanna see a falling star again, and make a wish!
every night there’s a falling star.
way back high school, we have this overnight at school. we have lots of super equipment. we were able to view jupiter, saturn, venus, mars, and moon using a super telescope. its fun. we also saw a falling star.
waahhh.. gusto ko rin mag star gazing..
kaya lang simpleng telekopyo lang ang gamit ko pag nasa bubong ako ng jeep namin o ng bahay, may dumi pa un ah..
ano nakikita mo pag bilog ang buwan?
ako kasi lagi kong napapansin na parang may mother and child sa buwan.. aun..
*teleskopyo
wow. I never thought you have this ability to write a literary piece. but it seems true to me. Your right, stars have their different stories in life. And maybe the child have his own story too. Hanggang dun na lang talaga.. but you save his soul :)
i actually wanted the child to die.
er, its difficult to explain. but ty for the comment!
galing ah! yan ang mga ganyang sulat ay hindi ko pa nasusubukang gawin. kaya ngayon talagang bilib ako sa mga nakakagawa nito.
thanks..!
have read this before. sa egrp ba natin mo unang pinost to?
ung una, mahirap i-digest. hindi ko kasi maidentify kung essay o short story. but it doesn’t matter.
ang mahalaga, may na-evoke ka sa iyong readers.
your post this time is full of spaces. Hindi yung physical space sa text. After a sentence/phrase/clause/paragraph may void then another sentence/phrase/clause/paragraph na naman.
emotion (v o i d) different emotion
i’ll try to fix the void part. gusto ko sana tagalog lang lahat. and then masyado ng awkward. i redraft then posted it to chicken. yung first draft ko is masyadong er, cant explain.
nope, sa chicken ko ito pinost. when boss gus is kinda desperate to make the W&A members bonded. hehe.
this is also the make-the-blog-a-reality challenge.
this is also the make-the-blog-a-reality challenge.? hhhmmmm
yup, this was a sticky post. hehe. look at the date!
ang ganda! T.T
very very well-conceived. Saludo ako sayo!
Thanks!
mejo malalim but i love it!
galing!
ako madaming beses na nakita ng falling star..yung huli ee nung nov1.di ako nagwish inisip ko kasi cia yung lil sis ko…dinasalan ko na lang tuloy puntod nia…
thanks thanks.
talaga! kaso sorry to hear about your lil sis.
You are right! And travel opens our minds. :)
i hope to travel with you Dakota! hehe.
alam mo Ax lahat ng bagay sa mundo nangyayari sa kaukulang dahilan na paminsan ay hindi natin talaga naiiintindihan o kung hindi man ay natatagalan bago natin malaman ang tunay na rason. gayunpaman wag sana mawala yung pagiging bata diyan sa puso mo. wish lang ng wish! :)
opo! that’s one thing that will remain on me. ang pagiging bata sa puso ko!
may pinang gagalingan ba ito..?
nasama ko siya..! :(
old artic na kase ito. pinost ko lang. kaso walang edit edit. hehe.
masyadong malalim ang iyong kwento..mukhang may pinaghuhugutan. :p
galing.
ty. pero natawa ako sa pinaghuhugutan. wala lang. praning lang ako ngayon.
natawa ako sa reply mo.
hehe. natawa na rin ako ngayon, pero seryoso ako nung nagreply ako niyan!
totoo b tlga n pg nkakita ka ng falling star tpos mg wish ka ay matutupad?
anyways rhen, di ko na sasagutin yang tanong mo. kamusta ang english fan club ng sparkweb?
ayos lng nman! sana dun nlng kinuha yng line count noh para mgka incentive me. hehehehe
dami u n pla fans dini. pwde u n mgtayo ng BPO.
bwahahahaha.
mwah mwah mwah
aba! may mwah mwah mwah pa. andami niyong wala nung GY. pero oks lang yun! hehe.
Na-enthuse ako kung paano mo ito sinulat.
Salamat!
Finally, i got the chance to check your blog. friend, this is depressing. I feel like eating chocolates after reading it. :(
thanks po! naku kailangan mabigyan ko kayo ng chocs! hehe.
oooh i like your blog! fab content, fab layout!
thank yow!
naaliw akong basahin ito. concise. maganda ang twist. may lalim ang bawat pangungusap at magbibigay sa makababasa ng mga palaisipan at katanungan upang magmuni muni sa mga bagay bagay sa paligid. i am an instant fan of yours.
OFF TOPIC:
I agree with Iya. Maganda ang layout ng site mo? is this pre-layout or someone did this for you? if pre-layout and free, ano ang bloghost mo? hehehe. interesado ako. -ely
hehe. wordpress po ang blog platform ko. i can give you the themes if you like. its by Maxx!
wow ha..bumilib ako dun ah..akala ko mag kakatotoo ang wish na gagaling ang bata, nalungkot naman din ako dahil sya’y kinuha ni lord..naisip ko lang hindi kaya kinuha na sya ni papa god para dun sya pagalingin di ba..para dun mas lalong masaya ang kanyang pag galing, isa na syang anghel ngayon..
isa rin ako sa nag antay ng bulalakaw, nawawala sa isip ko, babalik,nawawala ulit..may kanya-kanya talagang kwento ang bawat gabing pinag dadaanan natin..
honga, ganun nga siguro ang hidden story. wala ng sakit yung bata nung pumunta siya sa langit.
haha. sobrang bilis ng bulalakaw. parang di ka makakapag wish! hehe.
Ax gandang post ito, imagining an indie movie na same story ng post entry mong ‘to..yeah sinu-sino ang gaganap? :)
bata > hamster
bulalakaw > otep
langit > tsi
puno > stain
mamamatay > haha. wag na lang.
ako na lang..
ows.
bakit may ganun (mamamatay)? bad yun.
repost to di ba?
Sapagkat ang bulalakaw ay walang kasigurahang dalang lunas para sa iyong hiling, kung mayron man baka ito ay ibinigay nang hindi mo alam.
Mayroon nga dahil nakita mo, naramdaman mo pero itinago mo lamang ito.
Sa susunod tumingin ka ng mas malapit, walang himala pero may milagro
ang bulalakaw ay parte lamang ng bagay sa kalawakan. hindi nito kontrolado ang galaw at ang mangyayari sa hinaharap.
at naniniwala ako na walang himala..
pero may milagro.
wahahaha.
grabe, sobrang lakas
ng daloy ng emotion sa post
na to, napaka genuine
ng bawat salita,. may malalim
na pinanggagalingan.
maraming beses na din akong
nag antay ng bulalakaw sa
aming bubong dati, hindi ko
lam ako din pala ang magpapaulan
sa mga yun..
nkikiramay ako,
sa iyong kaibigan…
hm, mukhang kailangan mo nga ng wish netong mga nakaraang araw hehe.
oy, MB. mag-iingat ka na ha! dahil pag nangyari yown, nakow, ako ang papatay sa’yo pag nagkataon at di mo.. mahirap na magkwento.
hehe.
wahaha.
oo nga eh.
pero aun,
natupad nmn din.
hehehe
maraming salamat ax, hahaha. maraming salamat, opo, di na po, hehehe, maraming salamat po ulet.
apir!
ang ganda na command mo ng tagalog language ax! bilib ako. alam mo pagdating ko dito sa isang isla sa zamboanga, isang gabi tumingin ako sa langit at nakita ko ang mga bituin. natuwa ako. namiss ko pala ang pagtingin sa langit…di ko kasi nagagawa ito noong nasa manila ako…
dito kase sa manila, iba ang langit. walang masyadong stars. masyadong maliwanag.
pag nasa la union ako at bilog ang buwan, grabe ang liwanag ng farm! hehe.
ingat diyan!
totoo yan ax. at tsaka bihira lang ako nakakatingala sa langit pag nasa manila kasi pulluted air makikita mo…
sobra! minsan gusto ko nasa dagat para maraming stars!
AW
ang lungkot naman nito ax..
parang areho rin yan
sa nangyari kay tita cory.
daming nagpray,
..
Fate nga talaga lahat.
well, ganun talaga!
mr. detektib ng bayan, may papa detect ako sa’yo. hehe.
ako din, may papdetek ako sau…
nakakita na ko dati bulalakaw!!!
oo nakalimutan ko lang kung gabi yun o umaga
ah, ang pakiramdam ko nung nakakita ako ng bulalakaw.. ihahalintulad ko sa senaryong nakapasok ako sa kweba!
iba lugar. ibang feeling! hehe.
ang galing galing!
sayang nahuli ung bulalakaw…
hindi, actually hindi nahuli yung bulalakaw.
bago namatay yung bata, nakita na ang bulalakaw!
ay ganun ba..so hindi lang pinagbigyan ang iyong kahilingan..
hm, what if the narrator wished the kid to be dead?
we didn’t know the the narrator’s wish.
“humiling ako na gumaling na yung batang may sakit.” – hindi ba ung narrator ung may sabi nito?
“…at nahulog ang libo libong bulalakaw sa aking mga mata.
at sumuklob ang gabi sa aking puso.”
nakakalungkot naman ung line na toh…
galing galing…kasad nga lng… :-(
salamat, salamat.
mawawala din ang lungkot ng bawat isa! yay.
minsan sinasagot naman ang kahilingan in a different way. in a better way…
katulad na lang ng, kailangan ng mamatay nung bata bago mo makita ang bulalakaw, kasi mas better un para sa bata.. sa tingin mo?
wishes granted…
because sometimes, we really don’t know what we are going to wish for..
sabi nga sa isang kanta di ba, be careful what you wished for, kasi baka nga nabuhay yung bata pero kailangan niya na talaga lumisan.
aw, I’m digging so much on your post..
basta..un na un..
hehe. nice thoughts.
will you wish even if its wrong?
alin ang mali?
ang iwish na mamatay na lang siya kesa maghirap siya?
hindi mali yung wish na mamatay na lang yung bata, hindi mo lang masabi at maamin sa sarili mo na yun ang wish mo para sa kanya, dahil napaka morbid ng idea para sa iba.
kung ako yung nasa sitwasyon na ganun, malamang nga ganun din ang wish ko, wala lang ako lakas ng loob na sabihin ito. kaya nga silent wish na lang..
“at nahulog ang libo libong bulalakaw sa aking mga mata.
at sumuklob ang gabi sa aking puso.”
…. parang nalungkot ako dito…
minsan pag nagkakataon at nakakakita ako ng bulalakaw mula sa langit hindi na ako humihiling, alam ko kasing mas marami pang taong mas nangangailangan ng hiling kumpara sa akin. hindi naman nangangahulugang kuntento na ako sa buhay ko, pero kung ang hihilingin ko lang naman ay gaya ng “sana po magkaroon ako ng kotse” “sana po magkaroon ako ng magandang bahay” “sana po matuloy kaming pumunta ng london” (wow anyabang) o kaya “sana po maging kamuka ko si dick israel” kung yun LANG naman mas mamabutihin kong ipagkaloob na lang yon sa ibang mas nangangailangan
ako hanggang ngayon naniniwala dyan, at hanggang ngayon nag wiwish pag nakakita nyan