Ang ginagawang tunog ng labi sa pagitan ng agwat ng oras at ang paglalayag ng isipan sa mundo ng isang bata kung saan siya lamang ang tanging bida kasama ng mga gawang krayola na mga tauhan.
Nagtanong ako. Ang sabi mo ay lumilipad ka. Nakakatuwa at tila sa katayuan ko ngayon ay hindi ko na muling magagawa na lumipad gamit ang aking isipan.
Ni hindi ko na kayang magtiwala sa aking imahinasyon na makapunta sa lugar na ginawa ng aking utak mga walong taong gulang pa lamang ako. Ngayon nawari ko, sino na ang nagmamay-ari ng planetang pinagtiyagaan kong buuin gamit ang oras at panahon at hinaluan ng haraya at noon ako rin ay nakalilipad? Sino sa mga batang aking nakikita sa lansangan ang nakatira na sa lugar na pinupuntahan ko tuwing titingala ako sa langit?
Sino na ang kausap ng aking matalik na kaibigan na hindi nakikita ni inay… Ano na kaya ang tinatawag na pangalan sa aking imaginary besfrend na kausap ko kaharap ang dingding tuwing matutulog o maglalaro. Nasaan ang palasyo kung saan idadala ng aking puso at kaluluwa ang taong aking hinihintay tuwing lulubog ang araw?
Sino na ang makakalaro ko ng bato bato pik at lagi akong nanalo sa aking anino…
Saan ang tamang daan upang makarating muli ako sa alapaap kasama ang mga paro-parong nagliliwanagan na may iba’t ibang kulay…nasaan ang kweba na lagi kong pinagtataguan tuwing darating ang mga kalabang UFO at halimaw…
Marahil magsisimula ako sa bugtong ng pakikipaglaro sa mga bata…
At matututunan ko ulit ang paglipad.
**Those are my nieces, Lorin and Alyssa. I would also love to put my pic with them, but, er, never mind. You love the shoes from the last article, that would be the dress.
bata pa lang ako, alam ko na hindi nakakalipad ang mga tao. ang isipan pwede pa. ang imahinasyon. ayokong mag-isip ng mga halimaw at masasamang nilalang. batid ko na marami na sila sa totoong buhay para mag-imbento pa. ang laging paksa ng aking paglalaro ay kung paano manamumuhay ang mga matatanda. sayang, hindi na lang sana ako nag-abala. pera, lugar sa lipunan, pakikipagkant****, at walang sawangpagnananais na naging bata na lang sila habang buhay. isa pala akong wirdong bata.
wirdo ka jayr! kahit nung high school, wirdo ka!
masarap mamuhay sa imahinasyon ng isang bata.
walang kasinungalian, walang kayabangan.
puro kunya-kunyarian, bahay-bahayan, tumbang preso at iba pang laro ng lahi…
:)
and we cant turn back time.
laro ng lahi?
you’re naturally funny ella…
wow. comments now are moderated? may spammer ba ax or bots?
yup, jayr. this morning there’s this bot that puts casino-type links in the comments section.
gusto ko ung last part…na wag mo na lang ilagay ung pics mo. joke. biro lang.
yun ang pinakamahirap na desisyon ko, jak! hehe.
natuwa ako sa post na ito.
we really have to be young at heart.. the older we gets!
wala na rin akong macomment, it’s a bull’s eye what you have said!
nice wordplay. i’m 18 and working as a corporate slave. sometimes, i think i am rushing my time. i know i still have lots to learn.
for now, ill try to keep myself attached to my young side in between calls. ;)
nice artik.
me too, sometimes, i work my ass during illness! whew!
ty!
speaking of illness, ax, wasn’t able to go to work today. At mapipilitan akong pumasok tom. :(
the sad thing is, I got sick during my weekend trip in Anilao! Wasn’t able to dive, alone in the resort, curled up in my room…
hay buhay. Was really excited for it then wala lang.
Tom, I’ll go back to reality.
okay naman ang photos na nakuha mo ah! ayos nga eh!
kung gusto mong matuto muli ng mga kuntil-butil ng buhay…bumalik ka sa mundo ng kamusmusan..doon kasi walang pretensions…no rules….no boundaries…malawak ang mundong ito…hindi mo kayang lakbayin…kahit ng iyong isipan….
ang mundo ng bata ay parang isang kalawakan na kahit ang pinakamagaling na siyentipiko ay hindi magagawang pag aralan ang misteryo nito sa loob ng isanlibong taon.
maganda ang iyong blog.
Siguro IT tech ka ano, madaming blogposts in one page, gusto ko rin gawin yun, di ko lang alam.
Sa kwento lang ako magaling (daw) pero sa kwenta kwenta ng blog, laaa…
thanks pero hindi po ako IT. hehe. napakalayo po ng course ko doon! hehe. themes na kase ito na ganito talaga yung format, pero wordpress ang blogplatform ko. ikaw blogspot, wala ako masyado alam sa blogspot!
nung bata ako gusto ko lng maglaro ayaw kong natatalo kya lahat gingwa ko para lng manalo… d ka namimili ng kalaro… kahit panget maganda, tibo bading.. basta may kalaro ako at meron nananalo at natatalo masaya na ako.. d ako napapagod at wala ako ibang iniicp.. hay ang sarap maging bata…
datapwat isang bahagi xa ng mga bagay na dapat nating ma22nan nang dumating ang araw na tau ang may mga batang inaalagaan… maiintindihan natin cla.
tama rod! dati naglalaro lang tayo nung bata tayo sa school natin! ayaw mo nga magpatalo dati!
huwaw, ngayon ko lang narinig yung side mo na ganyan!
Sapagkat pinulaan ng haring leyon ang aming isipan na matakot, subalit kaming mga inakay ay may panahong tumakas sa haring leyon.
Kaya din naming lumipad, kaya din namin.
Tama kapag tumatanda na tayo, ninanais nating maging bata.Walang komplikasyon..kakain at tutulog, tas maglalaro
Sinabi mo na ang kabuuan ng artikulong ito.
[...] Bawat Mili Segundo. [...]
lipad lang ng lipad
parang saranggola lang!
sana nga lagi na lng akong bata… ung wala pa kong alm s mundo… ung hindi pa ko namomroblema…
ako rin! sana bata lang ako forever! at pag natulog ako, kamatayan ko na. awts.
[...] Titingin ako sa likod ko kung naroon pa ba ang anino ko. Pagmamasdan ko ang puno kung umalis ba ito sa kinatitirikan nito. Susulyapan ko ang langit kung naging dalawa ba ang buwan. Susuriin kong mabuti kung naging itim at puti na lamang ba ang buong cosmos.. Malulungkot ako dahil walang nagbago sa mundo. [...]